Anne's POV
Guys dahan dahan lang tayo at huwag tayong masyadong mag iingay at baka magising ang mga paniki. Paalala ni Cedric sa aming lahat. Nangangamba rin ako dahil anumang ingay ang gawin namin ay baka magising sila. Nasa kuweba pa naman kami at echolated ang lugar kaya madali nilang maririnig ito.
Guys tama ba talaga tong gagawin natin? Parang may weird feeling akong nararamdaman eh. Nag aalala kong sabi. Kasi may nararamdaman talaga akong hindi tama. Bakit nakalantad agad ang emerald cape sa trono? At bakit may trono dyan? Hindi naman siguro mga paniki ang naupo dyan.
Ano po bang bumagabag sayo mahal ko? Pang aalo ni Mark sa akin. Di ko maiwasang mamula ang pisngi dahil sa pang aalo nya. Cute nya talagang tignan sa kahit anong angulo.
Kasi di nyo ba napapansin na bakit may trono dyan kung ang mga emerald bats lang naman ang nandito. At kung bakit nakalantad ang emerald cape sa tronong iyan. Pakiramdam ko may iba pang nakatira rito. Paliwanag ko.
Eh diba ang nakita lang naman natin sa hologram ni Cedric ay ang mga bats na nasa itaas ng kuweba. Kaya impossible na may roon pang ibang nilalang dito. Sabi ni Xiara.
Sandali lang, huwag kayong masyadong mag iingay. Ang mabuti pa ay bumalik na tayo kina Dianne..
Hindi na natuloy ang sasabihin ni Cedric dahil napatigil sya. Lumingon din ako at nagulat din ako sa aking nakita.
Nasaan sila? Hindi ba't dito lang natin sila iniwan? Takang tanong ni Cedric.
Heto na nga ba ang sinasabi ko. May iba pang nilalang dito Cedric at anumang oras ay nasa paligid lang ito. Kinakabahan kong sabi. Nakaramdam naman ako ng yakap sa likod ko.
Mako kalma lang po. Huwag kang matatakot, nandito lang kami. At mahahanap natin kung sino ang kumuha sa kanila kung mayroon man. Pang aalo ni Mark at agad naman nya akong napakalma sa yakap nya. Hindi lang pala good kisser to si Mark. Best Yakap Award din ito.
Kung ganoon ay hindi lang pala ang mga emerald bats ang mga kalaban natin. Bumalik na tayo agad sa lugar kung saan sila naiwan kanina.
Agad kaming lumipad sa kinaroroonan nila kanina at tila naghahanap ng mga clue kung bakit sila nawala. Maya maya ay may natagpuan si Xiara.
Cedric, hindi ba't eto ang cellphone na binigay mo kay Dianne? Sabi ni Xiara kay Cedric sabay abot nito sa kanya. Natuwa naman ako at may nahanap na kaming agad clue kung paano namin sila mahahanap.
Panigurado ay hindi ito iiwan ni Dianne basta basta kaya nakakasiguro ko na may kumuha sa kanila ng puwersahan kaya nya ito nabitawan. Propesyonal na sabi ni Cedric. Wow! Namangha na naman ako sa mga sinambit nya. Talagang matalino at maraming alam si Cedric. Swerte magiging girlfriend nito.
Kung ganoon ay maari nating gamitin ito para matukoy kung ano ang nilalang na kumuha sa kanila. Suhestiyon ni Mark. Sumang ayon din naman si Cedric at kumilos upang gamitin ito.
Third Person's POV
Pero ang hindi nila alam ay nanonood lang pala ito sa likod nila. At upang hindi sya matukoy ng mga ito ay agad nyang pinakalansing ang mga emerald na nakadikit sa pader ng kuweba at hinayaang mahulog sa mga emerald na nasa sahig ng kuweba na naglikha ng malakas na ingay.
Back to Anne's POV
Nagulat kaming lahat dahil nakarinig kami ng mga emerald na nagkakalansingan. Pagtingin ko sa itaas ay nakikita ko ang mga berdeng mata ng mga paniki.
Naku po, nagising na ang mga paniki. Mukhang mapapalaban tayo. Sambit ni Xiara na halatang kinakabahan.
Pero paano sila? Alalang tanong ni Mark.
Mukhang kailangan muna natin itong i postpone at harapin muna natin ang mga ito. Inilapag ni Cedric ang cellphone sa isang bato at nilagyan ng Digital Room bilang proteksyon. Kasabay din noon ang paglapit ng mga paniki sa amin. Kaagad akong kumilos.
Ray of Crystal Light! Naglabas ako na tila light wave at at natamaan silang lahat nito at tila nasilaw sila kaya napatakip ng pakpak.
Good job Mako. Now it's my turn, Wet Force blast! Bigla namang naglabas ng blue na enerhiya si Mark at natamaan naman ang ilan sa kanila.
Anne watch out! Water Bolt! Rinig ko namang sigaw ulit nya at tila kinalaban nito ang isang green ray. Nagulat ako na naging emerald ang bolts ng tubig at bumagsak ito sa lupa pero nakapagtatakang hindi ito nasira.
Phewww. Salamat Mako, kung di dahil sayo baka naging emerald na ako. Pasasalamat ko sa kanya. Kinurot nya lang ako sa pisngi.
Anything for you Mako. Just next time be careful ha Mako. Ayokong mapahamak ka. Sagot nito sa akin at tila nag aalala.
Guys mamaya na kayo mag usap. Papalapit na ulit sila. Rinig kong bulalas ni Xiara. Nakita ko na naglabas ang ilan sa kanila ng Emraldfying Ray.
Ako na ang bahala, Digital Room! Binalot naman kami ni Cedric ng kanyang shield. Pero tila hindi umaayon ang kapangyarihan namin para sanggain ito dahil agad itong naging emerald kaya ang nangyari nakulong kami sa loob ng emerald.
Naku po, mukhang naisahan tayo ng mga paniki. Ngayon nasa loob na tayo ng emerald. Sabi ni Cedric at tila nagkakamot ng ulo.
Susubukan kong wasakin ito. Golden Shower Power! Naglabas sya na tila mga yellow na bulaklak na kumpol kumpol at itinama nya ito sa emerald pero parang naabsorb lang nito ang kapangyarihan ni Xiara.
Let me try, Megawatt! Naglabas sya na tila malakas na boltahe na grey na kuryente at itinama sa Emerald pero nahigop lang ito ng emerald.
Magsanib pwersa tayo Mako. Suhestyon ko. Sumangayon naman sya.
Aqua Jet!
Blinding Ray!
Nagsama ang water at sun energy namin pero kung ano ang nagyari kanina ay sya ring nangyari sa amin.
Mukhang hindi ito basta basta emerald. Mukhang may mahika rin ito dahil hindi sya madaling masira. Pahayag ko. Ano na kayang gagawin namin ngayon? Paano na kami makakatakas?
Hahahahaha. Rinig kong tawa na umaalingawngaw sa kuweba. Nagulantang ang lahat ng marinig iyon.
Sino kaya yun? Sya kaya yung nilalang na kumuha kina Dianne at Bryce? Tanong ni Xiara.
Kung sino ka man! Magpakita ka sa amin! Huwag kang duwag! Sigaw ni Mark.
Ha! Ang lakas ng loob mong sigawan ako at sabihan ng duwag pero sino ngayon ang naisahan?! Hahahhaha. Sabi ng misteryosong nilalang na iyon.
Pakawalan mo na kami rito! Ibalik mo na sa amin ang mga kaibigan ko! Pakikiusap ko sa kanya.
Hindi maari mortal. Patawad ngunit bihag ko na kayo. Insiduo Raya Sloumber!
May sinambit sya na isang spell yata yun na hindi ko maintindihan at lumiwanag ang loob ng emerald at namalayan ko na nahimatay sina Xiara, Mark at Cedric at ako ang huling bumagsak dahil tila sa mahikang bumabalot sa akin.
BINABASA MO ANG
Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy)
FantasyNgayon na alam na ng magkakaibigan na sila ay nasa panganib, kailangan nilang mapigilan ang kasamaan at panganib na paparating. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanilang mga isipan at marami nang mga nasawi ngunit kailangan nilang harapin ito bago...