Cedric's POV
Kaagad naman naming tinahak ang daan papunta sa Wood maze pagkatapos tanungin ni Bryce sa mapa ang daan papunta sa Wood maze. Sa pangalan pa lamang nito ay mukhang may bagong pagsubok kaming haharapin, nakatitiyak ako na kinakailangan ng talas ng isip kung pano makalabas. After all, isa itong maze kaya kahit paano ay alam ko na ang goal dito.
Kung ano pa man ang naghihintay na pagsubok sa maze na ito, tiyakin natin na makakalabas tayo... ng buhay. Panimula ni Bryce habang naglalakad kami. Tumango naman sila at natitiyak ko na alam nila kung anong ibig ipunto ni Bryce doon.
Grabe talaga ang Riddle world noh, maraming mga kakaibang nilalang na may kakaibang kapangyarihan. Akala ko dati masarap magkaroon ng magic, mahirap pala sya. Biglang sabi ni Xiara.
Tama ka dyan Xiara, kaya dapat magpakatatag lang tayo para hindi masayang ang tiwala ng mga sorcerers sa atin. Tugon naman ni Bryce sa kanya. Na realize ko din na parehong blessing at curse ang mga powers namin. Blessing kasi may kakaiba kang kapangyarihan di tulad ng ibang tao, curse dahil maraming pagsubok at panganib ang kailangan mong malagpasan.
Huwag kayong susuko guys. Malayo na ang narating natin para tayo ay sumuko. Isa pa, ako ang dahilan kung bakit umabot tayo sa ganito. Kaya gagawin ko ang lahat para makabawi sa inyo. Sambit naman ni Anne na tila malungkot pero matatag ang kanyang ekspresyon. Inakbayan naman siya ni Mark.
Hindi mo kailangang humingi ng tawad. Lahat kami ay nagkasala sayo kaya dapat lang na harapin din namin ito. Wag mong sisihin ang sarili mo Mako. Pang aalo ni Mark sa kanya na syang ikinagiti naman ni Anne.
Sa ganitong pag uusap ay namalayan na lamang namin na nasa entrance na kami ng Wood maze.
Ang maze ay napapalibutan ng mga kahoy na 10 feet tall lang at lahat sila ay dikit dikit na may mga nakataling baging at mga ibat ibang kulay ng bulaklak. Nandito pa lang ako sa bukana pero ramdam ko na ang hirap ng aming papasukin.
Ang mabuti pa ay mag transform na tayo kaagad bago pa may pumigil sa atin. Suhestiyon ko naman sa kanila. Sumang ayon naman sila at agad na sumigaw ng Magic Wing Arise.
Hayaan nyong gumawa ako ng perimeter search sa area na ito. Sinubukan kong mag perimeter search sa lugar na ito. Gumamit muli ako ng gadget upang ma scan kung ano ang nasa loob. Ito ang syang ginamit ko din para ma analyze ang Slow river.
Cedric, ano ang bagay na iyan? Tanong naman ni Bryce sa akin habang lumilipad papunta sa maze ang aking ladybug.
Iyan ang makakatulong sa atin. Once na makapasok na ang ladybug robot na yan sa loob, i scascan nya ang information about sa maze at babalik sya dito upang makita natin. Paliwanag ko naman sa kanya. Namangha naman si Bryce sa aking gadget. Well, sinubukan ko lang iapply ang technology and creativity kaya naisip kong gumawa ng tinatawag ko na ngayong InfoBug.
Pero nung kakapasok lamang nito sa maze ay biglang nagbuga ng mga yellow spores ang mga bulaklak kaya bumagsak at nagmalfunction ang ladybug.
Mukhang delikado ang spores ng mga bulaklak na iyan. Paano tayo makakapasok nyan? Tanong ni Mark na tila kinakabahan sa masaksihan. Sa tingin ko ang mga bulaklak ay nagbibigay depensa sa mga pumapasok pero bakit?
Hayaan nyong kausapin ko ang mga bulaklak. Nature's Call! Nagsambit si Xiara ng engkantasyon at may parang energy waves na dumadaloy sa kanyang mga kamay at tila kinakausap nya ang mga bulaklak sa paligid. May pumalibot din sa kanyang hangin at doon ay parang bumubuo sila ng connection.
Mula sa pagkakapikit ay dumilat na ito at tila hindi maganda ang timpla ng kanyang mukha.
Nakausap ko ang mga bulaklak. Sila ang nagsisilbing depensa sa mga taong pumapasok sa kanilang tirahan. Limang klase ng bulaklak ang narito at limang klase din ng spores ang kanilang binubuga. Pero hindi ko na alam kung anong klase ang mga iyon at anong epekto ng mga spores. Diretsong sambit ni Xiara.

BINABASA MO ANG
Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy)
FantasyNgayon na alam na ng magkakaibigan na sila ay nasa panganib, kailangan nilang mapigilan ang kasamaan at panganib na paparating. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanilang mga isipan at marami nang mga nasawi ngunit kailangan nilang harapin ito bago...