Anne's POV
Pagdilat ko nang aking mata ay wala nang nakalukob na liwanag sa akin. Tumingin ako sa paligid at kita kong manghang mangha sila sa nakita. Tiningnan ko ang aking sarili at nagulat naman ako sa nasaksihan.
Nakita ko na naging dilaw ang buhok ko at may dalawang nakapony tail dito. Mayroon din akong wristbands na gaya ni Wonderwoman na color silver. Ang pakpak ko naman ay glow in the dark at makinang talaga. Mayroon akong dress na color yellow na may glitters pa. At ang suot ko paimbaba at color yellow din na maikling shorts. May heel boots din akong kasing liwanag ng araw.
Wow Mako, nakuha mo na ang powers mo! Napatunayan mo na ang sarili mo sa kuwintas! Manghang mangha na sabi ni Mark. Lumipad ako patungo sa kanya at hinawakan ko ang kamay nya.
Oo, maaring naramdaman nya ang tibay ng pagmamamhal ko sayo kaya agad na nyang iginawad ang kapangyarihan na ito. Kita ko naman na yumuko si Mark nang kaunti at tila nag bublush ito. Alam nyo magaling tong magpakilig si Mark pero kiligin din syang tao. Hahahaha
Maya maya may umikot ikot na hangin sa akin, narito na naman ito. Pumasok ito sa tenga ko at may ibinulong tapos agad itong lumayo.
Anong sinabi nya sa iyo Mako? Tanong ni Mark.
Shining Sun. Yun yata ang kapangyarihan ko. Ang liwanag ng araw! Salamat sa kapangyarihan na iginawad mo sa akin. Masayang masaya kong sabi.
Bumaba na ako at nakisabay na rin sina Xiara at Cedric sa pagbaba namin at kita ko sa kanila ang saya at galak dahil nadagdagan na ang may kapangyarihan sa amin. Maya maya lumipad patungo sa amin si Owlria.
Sige subukan mong saktan ang mahal ko, wag kang magkakamaling saktan sya. Banta ni Mark habang bumuo ng isang bolang tubig sa kanyang palad. Gayundin ang ginawa nina Cedric at Xiara. Ngunit nanatiling kalmado si Owlria.
Wag kayong mangamba, hindi ko na kayo muling sasaktan. Nalaman ko na mali ang aking ginawa, mali na ipagpilitan ko ang sarili ko sa isang taong hindi ako kayang mahalin. Kaya humihingi ako ng tawad sa inyo mortal lalong lalo na kay Anne. Paumanhin. Wika nya sabay luhod sa harapan ko. Agad ko naman syang pinatayo.
Hindi Owlria, hindi mo kailangang humingi ng tawad sapagkat alam kong nag iisa ka at wala kang mahal sa buhay. Ngunit mula sa gabing ito ay hindi ka na mag iisa dahil mga kaibigan mo na kami. Pang aalo ko sa kanya at ngumiti naman ito at niyakap ako.
Salamat Mortal, wala man akong kabiyak ngunit nagkaroon naman ako ng mga totoong kaibigan. Salamat sa iyo! Sabi nya habang mahigpit ang yakap ni Owlria sa akin. Bigla namang may humila sa akin at tinanggal ang mga braso ni Owlria.
Oh Owlria, tama na yan. Nagseselos ako eh. Sabi ni Mark na halata sa boses nya na nagseselos. Grabe naman sya. Parang niyakap lang eh. Hayy naku pero love ko yan hahaha.
Mako wag ka nang magselos, hindi mo na kailangang pagselosan si Owlria. Sambit ko sa kanya.
Kahit na Mako, ayokong may nayakap sayong iba. Ako na lang yayakap sayo. At niyakap naman ako ng mahigpit na mahigpit. Grabe sya oh hahahahhaa.
Hayaan mo Mark, hindi na ako muling hahadlang sa inyong pag mamahalan. Dahil nasaksihan ko kung gaano ninyo kamahal ang isa't isa. Paglilinaw nya.
Kaya Owlria Friends lang kayo okay? Sabi ni Mark. Kumunot naman ang noo nito.
Anong ibig sabihin nang friends? Naguguluhang tanong ni Owlria.
Ibig sabihin nun magkaibigan, gusto lang ni Mark na maging magkaibigan lang tayo. Pagpapaliwanag ko.
Ahh ganoon ba, masusunod mortal. Magkaibigan lamang kami ni Anne at hindi na hihigit pa. Tapat na pagsasabi nito. Nakahinga naman ako ng maluwag.
Ngunit Pinunong Owlria, paano na ang inyong laban? Ipagpapatuloy nyo pa ba ito? Tanong nung nagbantay sa aming kuwago mula sa isang tabi. Nandoon pa rin sya kasama sina Bryce at Dianne. Siguro naman pwede naman na silang pakawalan at itigil na ang laban. Friends na kami eh.
Masusunod aking kaibigan, pakawalan mo na ang kanyang mga kaibigan at ititigil na natin ang laban. Wala nang magaganap na ganoon. Biglang utos ni Owlria. Nakuu nabasa na naman nya ang isip ko. Nagtaka ang kuwago ngunit agad naman syang sumunod at sinalubong nila ako na galak na galak dahil sa bago kong kapangyarihan at dahil sa ligtas na kami.
Hahayaan ko na kayong makatawid sa aking gubat, ngunit mayroon lamang akong isang pakiusap sa inyo. Sabi ni Owlria. Ano naman kaya ang kondisyon nito?
Maari bang dito na kayo magpalipas ng gabi? At bukas na lamang kayo ng umaga pumunta sa emerald cave dahil ako naman ang dahilan kung bakit nandito kayong lahat at ako rin ng dahilan ng iyong pagod kaya hayaan niyong makabawi ako sa inyong lahat. Pakiusap ni Owlria. Nag usap usap kami at nakita naman namin na wala namang masama sa offer nya at isa pa, pagod na rin ang lahat at dis oras na nang gabi. Kaya pumayag kami sa gusto nya na syang ikinatuwa nya.
Ngunit Owlria, saan kami mamamahinga? Tanong ni Xiara.
Ang isang kaharian ay hindi mawawalan ng tulugan at higaan kaya halika sundan ninyo ako. Alok nito. Lumipad naman kami pataas at binuhat nina Xiara at Cedric sina Dianne at Bryce.
Lumipad sya nang matayog habang nakaladlad ang tila pakpak nyang costume. Nagtataka pa rin ako kung paano to nakakalipad nang walang pakpak. Maya maya ay iginiya nya kami papunta sa isang napakalaking puno. Maraming butas ang mga ito na kasyang kasya ang tao.
Narito na tayo mga mortal, heto ang aming silid tulugan naming mga kuwago. Malamig ang loob nyan at komportable. Kaya maari kayong makahiga riyan. Paliwanag nya. Napanganga talaga ako kasi isipin mo napakalaking puno tapos may parang isang kuwarto kada butas.
Dinala nya kami sa pinagitnang butas at napakaganda ng loob. Malawak ang loob at may malambot na kama na gawa sa kahoy at may mga bote na may mga lamang alitaptap na nagsisilbing lampshade wowwww.
Kay ganda naman ng mga lamparang ito. Ang ganda! Paghanga ko.
Kung nagagandahan ka dyan, kunin mo na iyan. Regalo ko iyan bilang pasasalamat dahil sa ating pagkakaibigan. Gulat ako sa sinabi ni Owlria. Talagaa? Ibibigay nya sa akin ito?!
Kunin ko ba ito Mako? Tanong ko kay Mark. Nagtanong lang dahil baka nagseselos na naman ito.
Oo naman, kunin mo na iyan. Siguro naman hindi mo sya matatanggihan? Sabi ni Mark habang nakangiti sa akin.
Yieeee salamat! Ang supportive talaga ng Boyfriend ko! Pasasalamat ko sa kanya.
Walang anuman Mako, kung saan ka masaya, susuportahan kita. I love you Mako. Pa cute nitong sambit. Heto na naman ang aking pisngi na nangangamatis hahahahha.
I love you din po Mark! Sabi ko pabalik at malapad ang ngiti nito at hinalikan ako ng saglit.
Kinuha ko na ang parang lampshade at nagbalik na rin kaming lahat sa dating anyo. Naghanda na kami sa aming pagtulog. Malaki ang kama na ito at kasya yata ang sampung tao. At ang mas ikinagulat ko pa na si Owlria lang ang natulog dito. Sa kanya lang ang space na ito.
Handa na sana ako sa pagtulog nang makita ko si Owlria na nakasquat lang sa isang branch.
Hindi ka pa ba tutulog Owlria? Tanong ko sa kanya. Tumawa naman ito ng mahina.
Hahahaha nakalimutan mo ba na isa akong pinuno ng mga kuwago kaya kung ano ang gawain ng mga kuwago yun din ang gawain ko. Sabi nito. Ay shungaaa! Oo nga pala, nocturnal nga pala sila. Bukas pa sila matutulog ng umaga.
Pasensya na, sige matutulog na ako. Antok na sabi ko at nahiga ako agad.
Owlria's POV
Magkaparehas talaga kayo, hindi na ako nagulat kung bakit sayo iginawad ang kuwintas na iyan. Sabi ko sa aking isip.
BINABASA MO ANG
Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy)
FantasiNgayon na alam na ng magkakaibigan na sila ay nasa panganib, kailangan nilang mapigilan ang kasamaan at panganib na paparating. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanilang mga isipan at marami nang mga nasawi ngunit kailangan nilang harapin ito bago...