RWC 71: Sacrificial Music

5 0 0
                                    

Head master's POV

Iniwan ko muna sila pansamantala upang kunin ang mga instrumento sa silid kung saan ko pinagawa ang tatlong pagsubok.

Tumagos na ako sa pader at tinignan sandali ang mga instrumento. Naglabas ako ng mabigat na buntong hininga. Alam ko naman ang mangyayari kapag ginamit ko ito o ng sinuman. Gayunpaman, hindi ako magpapatalo sa sumpa ng aking kapatid.

Head master, ano ang inyong gagawin? Gagamitin mo ba ang mga mahiwaga mong instrumento? Biglang tanong ng aking alagad na whole note. Hindi ko namalayan na sinundan pala ako nito. Di ko sya nilingon pero sinagot ko sya.

Ipapagamit ko sa mga mortal ang mga instrumentong ito. Kahit na ikamatay ko ito maging ng aking tirahan. Kailangan kong gawin ang sakripisyong ito para sa kapakanan nina Dianne. Agad kong inilabas ang aking plawta at sinimulang mag tugtog upang makuha ang mga instrumento.

Nagsimula na nga ang mga mahiwagang musika na kunin ang mahihiwagang gitara, tambol, silindro at alpa. Patuloy ako sa pagtugtog hanggang sa nakalutang na sila at tumigil sa harapan ko.

Halika na whole note, kinakailangan na tayo ng mga mortal. Kailangan matapos na ito. Sabi ko sa whole note at agad naman syang tumalima at sumunod sa akin. Sumunod din na ang mga instrumento papalabas ng aking museo.

Nadatnan ko na patuloy pa din sila sa paglaban sa mga palaka. Patuloy la din sa pagtugtog sina Xiara at Dianne kahit na kakaunti lamang ang nawawala dahil nga sa hindi sapat ang kapangyarihan ng musikang taglay nila. Si Bryce naman ay nakatuon sa pagpapalibot ng apoy sa mga palaka upang di makawala.

Nakita ako ng mga mortal at kita ko na napangiti silang lahat lalo na si Dianne. Basa ko sa isip nila na natutuwa sila dahil ipapagamit ko sa kanila ang mga mahiwaga kong instrumento.

Narito na ang mga instrumento. Gamitin nyo na ito. Wag na kayong magsayang ng panahon, patugtugin nyo na ito upang mapuksa na ang iyong sumpa. Malakas kong sambit sa kanya. Tumango lamang ito at sa pamamagitan ng kanyang mga tuod ay pinatugtog nya ng sabay sabay ang mga instrumento.

Kaagad na naglabas sila ng iba't ibang nota, tunog at musika na mas lalong nagpahirap sa sitwasyon ng mga palaka. Nakikita ko na mabilis silang naglalaho at nababawasan na ang kanilang bilang.

Habang tinutugtog nila iyon ay nakaramdam ako ng panghihina, ito na marahil ang sumpa. Mukhang unti unti na akong tinatanggalan ng kapangyarihan at buhay. Pero nanatili akong matatag. Dapat kong panindigan ang aking ginawang pasya.

Nagpatuloy ang kanilang pagtugtog at patuloy akong nawawalan ng lakas. Bumigat na ang aking pakiramdam at napaupo na ako. Agad naman akong inalalayan ng aking mga alagad upang tulungang makatayo, pero masyado na akong mahina upang tumayo.

Napansin ako ni Dianne at sya ay biglang nag alala sa aking kalagayan. Kaagad nyang ipinaubaya sa tuod ni Xiara ang pagtugtog sa biyulin at pumunta sa aking kinauupuan.

Head master, ano ang nangyayari sa inyo? Bakit nanghihina ka? Bakit nawawalan ka ng lakas? Sunod sunod na tanong na bakas ang pag aalala sa aking kalagayan. Agad sinabi ng aking alagad na whole note ang tungkol sa sumpa sa mga instrumento.

Pero Head master, bakit hindi ninyo sinabi na may sumpa pala iyon? Hindi na dapat sana kita pinilit at pasensya na dahil akala ko ay ayaw mo kaming tulungan. Sorry di ko talaga alam. Paumanhin nito sa akin pero agad ko syang hinawakan sa braso.

Wala ka dapat ipag alala. Buong buhay ko dito ay naging malungkot at makasarili ako. Pero dahil sa ginawa mo kanina, natutunan ko ang halaga ng isang kaibigan, pagiging matapang at handang tulungan sila sa oras ng pangangailangan. Yun ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob na tulungan kayo, kahit na buhay ko pa ang kapalit... Mahaba kong paliwanag sa kanya pero hindi ko na naituloy dahil nanghihina na ako ng lubos.

Head master, please wag ka pong mamatay. Hindi po namin kakayanin kung mawala ang taong tumulong sa amin. Lumaban po kayo Head master pakiusap.. Turan ni Dianne na tila nangingilid ang luha. Tila ba may kumurot sa aking puso nang nakita ko iyon.

Nararamdaman kong anumang oras ay maari na akong mawalan ng buhay. Kaya inaabot ko sa kanya ang mahiwaga kong plawta.

Dianne, gamitin mo ito upang dagdag lakas sa inyong musika. Kung di man ako palarin, nais kong ikaw na din ang mangalaga ng aking plawta. Noong una pa lang kita nakita sa aking paligsahan ay magaan na ang loob ko sayo. Yun din siguro ang dahilan kung bakit ipinagkaloob ko ang biyulin dahil alam kong nararapat ito sa kasing husay at lakas mo. Sabi kong muli sa kanya. Noong una ay tumatanggi ito, pero pilit kong iniaabot sa kanya ito.

Pakiusap Dianne, gamitin mo... Hinang hina kong tugon sa kanya.

Dianne's POV

Pakiusap Dianne, gamitin mo...

Tumulo na ang luha kong kanina pa nangingilid sa aking mga mata. Kanina pa ako naiiyak dahil sa mga sinabi nya sa akin. Noong una ay akala ko ay di nya talaga kami tutulungan pero di ako makapaniwala nang dahil sa akin ay tinulungan nya kami. Kahit na may sumpa ang kanyang mga instrumento.

Tumingin ako sa mga mata nya. Nagnhihina na talaga sya at halos di na sya makatingin ng maayos. Kaya tinatagan ko ang loob ko. Kinuha ko ang plawta sa kanya. Ayaw ko man na hayaan sya dito, pero ayoko din na masayang ang sakripisyo nya para sa amin.

Titiyakin kong mapupuksa namin sila. Dagli kong sabi sabay punta kay Xiara. Marami pa ding mga palaka kaya agad ko nang sinimulan ang pagtugtog ng plawta.

Tooottt... Tooott... Tooottt....

Naglabas ito nang kakaibang musika na iba sa tugtog ni Head master. Habang pinapakinggan ko ito ay malakas at mas matibay na musika ang aking naririnig. Kaya ipinagpatuloy ko ito ng buong puso at inspirasyon.

Dianne! Mukhang epektibo ang ginagawa natin! Dahil sa pinag sama samang musika ay mabilis na naglalaho ang mga palaka. At ilang sandali pa nga ay tuluyan na silang naglaho.

Yesss!! Nagtagumpay tayo guys!! Tuwang tuwa na sambit ni Bryce na lumipad pababa sa akin.

Sa wakas ay nalabanan natin ang aking bugtong na sumpa. Thank you sa inyong dalawa. Masayang pasasalamat nito sa amin. Biglang may itim na aura ang lumabas sa katawan ni Xiara  at biglang nabuo ang no. 14. Pagkatapos ay naglaho ito na parang bula, tanda na tapos na nga ang kanyang sumpa.

Dapat din nating pasalamatan si Head master. Kung hindi dahil sa mga instrumento nya ay baka hindi nakaligtas si Xiara. Tugon ni Bryce.

Lumapit kami kay Head master at nakita nga namin sya na wala ng buhay. Gulat naman nang nasaksihan ito nina Xiara at Bryce.

Oh my God! Bakit tila patay na si Head master?? Anong nangyari sa kanya?? Gulat na tanong ni Xiara. Kaagad naman na sinagot ni whole note ang tanong nya.

Hindi ako makapaniwala na nagawa nya ang sakripisyong iyon para sa atin. Di makapaniwalang tugon ni Bryce. Kita ko sa kanya na nalulungkot din sya sa nangyari.

Malaki ang utang na loob natin kay Head master, ano na ngayon ang gagawin natin? Tanong ni Xiara. Tahimik kaming lahat, nagbibigay ng kaunting katahimikan para sa pagkamatay ni Head master. Agad ulit na tumulo ang luha ko dahil sa pangyayari na syang tumulo sa aking kuwintas...

Mortal!! Tignan mo ang kuwintas mo, nagliliwanag! Sambit bigla ni whole note na syang ikinagulat ko din. Nagliliwanag ang violet kong kuwintas.

Mukhang makukuha mo na ang iyong kapangyarihan. Tignan natin kung ano ang magiging powers mo Dianne. Natutuwang banggit ni Bryce. Ikinatuwa ko na rin ito at agad na nagtransform

MAGIC WING ARISE!!!!





A/N: Hello guys sana po ay nag eenjoy kayo sa aking story. Ano kaya magiging powers ni Dianne???











Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon