RWC 80: Ruby Sword

6 0 0
                                    

Bryce's POV

Guys! Kailangan na nating makuha ang codex. Wala na dapat tayong aksayahin na panahon. Sapat na ang ating pagpapahinga at tingin ko  lahat naman ay nakabawi na ng lakas. Mabilis kong sabi sa kanilang lima.

Oh Bryce, parang balisa ka yata. Ayos ka lang ba? Tanong ni Anne na may halong pagtataka. Di ko talaga kasing maiwasan na medyo magmadali at mataranta dahil hindi biro ang sinabi ni Inner Dragon. Iyon ay ang kanyang babala na di dapat ipagsawalang bahala.


Hindi naman sa ganoon. Mas maganda na rin siguro na matapos na natin ang misyon at ngayong gabi ang tamang oras para tapusin ito. Tugon ko naman kay Anne.

May point sya dun guys, para agad na nating maibigay ang 2 codex sa mga sorcerers. Pagsang ayon ni Cedric.

Kung ganoon ay lead the way Bryce! Aniya ni Xiara.

Agad ko namang binunot ang mapa sa aking bulsa at inutusan ko itong ituro ang kinaroroonan ng Shower Ruins.

Papalubog na ang araw at panigurado mababawasan na ng liwanag dito sa Riddle World kaya dapat ay mas lalo kaming mag ingat.

Hindi naman kami binigo ng mapa at itinuro nito ang daan na halos 100 metro lang ang layo. Kaya agad naming tinahak ang daan patungo Shower Ruins.

Tignan nyo yung ulap doon sa malayo, parang may kakaiba. Turan bigla ni Dianne. Lahat naman kami ay lumingon at kinabahan ako sa aking nakita.


Ang mga ulap ay naging itim at parang nababalutan ng anino. Hindi naman ito thundercloud dahil wala namang kidlat. Ito na nga ba ang sinasabi ni Inner Dragon?

Hindi ko gusto ang histura ng mga ulap na iyan. Parang ang creepy. Sambit ni Dianne at tila nanginginig pa. Ngayon ko lang napansin na lumamig ang simoy ng hangin, binabalot nito ang aming mga katawan at tila pumapasok sa aking buto.

Kung ano man ang mga ulap na iyan, huwag nyo nang pansinin. Tumuloy na tayo. Pinagkibit balikat ko na lamang iyon upang hindi sila mag alala. Ayoko naman na mabalot sila ng pangamba. Kaya nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Hanggang sa nakarating kami sa isang malawak na patag na lupa na may mga bloke ng mga bato sa paligid. Kapansin pansin din na ang lahat ng mga bato ay hugis asteroid.

Ito na ang Shower Ruins, nakarating na tayo sa ating destinasyon. Panimula ko.

Kakaiba ang lugar na ito, parang walang nakatira at puro mga bato lang ang nasa paligid. Pagbibigay obserbasyon ni Mark. Wala ka talagang makikita na anumang uri ng buhay o nilalang dito.

Paano natin hahanapin ang Ruby Sword? Tanong ni Xiara. Napaisip ako sa tanong nya, wala ka talagang makikita ni isang bagay kaya maaring nakatago ang Ruby Sword.


Hindi natin alam ang histura ng Ruby Sword. Maaring malaki ito o maliit, siguro nasa loob sya ng isa sa mga bato dito. Suhestiyon ko.

Pero madaming bato dito Bryce. Isa pa, baka mawalan tayo ng lakas kung iisa isahin natin sila ng ating kapangyarihan. Pagsalungat ni Anne. May punto ang kanyang sinabi, maliban na lamang kung may maaring makatulong sa akin.

Bam!

Cedric, gamitin mo ang skills mo at mag sagawa ka ng perimeter search dito. Kayo naman ay inspeksyunin nyo ang mga bato kung may something na kakaiba ba. Ako naman ay may kakausapin lang. Pagbibigay ko ng order sa kanila. Sumunod naman agad sila at naglilibot sa mga bato samanatalang si Cedric ay nagsisimula nang mag tatype ng kung ano ano.


Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon