Xiara's POV
Pagkasabi nya ng bugtong na iyon ay lumitaw ang mga igat mula sa ilalim ng sapa. Nakakadiri ang histura ng mga igat dahil talagang nababalutan sila ng slime.
Ngayon, matatalo nyo kaya ang mga ahas ko? O baka maging mga tanghalian na lamang nila kayo? Hahahahaha. Sambit nya habang tumatawa.
Ngayon na ang tamang oras Cedric. Kailangan na nating gamitin ang kapangyarihan natin. Sambit ko sa kanya.
Tama, mga kasama ang mabuti pa ay tumabi na muna kayo at hayaan ninyong kami na ang tumalo sa mga ahas ni Emilyo. Sabi ni Cedric.
Mag iingat kayo Xiara at Cedric. Alam kong kaya ninyo iyan. Sabi ni Anne habang inaakay naman siya ni Mark para tumabi dahil hindi pa nila nakukuha ang mga kapangyarihan na taglay ng kanilang kuwintas.
Ang mga kasama nyo ay nagsipag tabi na ngunit kayo ay naririto pa rin. Tingnan natin kung may ibubuga kayo. Sabi nung Emilyo. Nandidiri pa rin ako sa histura nya dahil puro slime talaga ang katawan niya at walang buto o dugo.
Nagkatinginan na kami ni Cedric at sumenyas na ako upang magtransform. Tumango naman si Cedric at sabay na naming isinigaw ang Magic Wing Arise!
Maya maya pa ay nagliwanag kaming dalawa ni Cedric. Nakita ko na color grey ang liwanag nya samantalang sa akin ay color green. Mas lalo pang lumukob ang liwanag kaya napapikit ako.
Pagdilat ko ay wala na ang liwanag at namangha naman ako sa nakita ko kay Cedric. Color grey ang suot nito maging ang sapatos na suot ay color grey. Meron naman syang hood na color grey ngunit mayroong parang green spot sa tuktok ng hood at sa magkabilang tenga. Meron din syang pakpak na color green na parang triangular net ang histura. Ang salamin nito ay nawala kaya naman kitang kita ang grey nitong mata.
Namangha rin naman ako sa suot kong color green na may kadugtong na palda na parang talulot ng mga bulaklak na color pink. Ang natural din ng mga boots kong green at may tila stickers ng flower ang nakalagay. Nature din ang theme ng aking mga pakpak na leaf shaped sa magkabila. Mayroon din akong mahabang tela na color pink na nakabalot sa braso pero hanggang wrist ko lang. Napansin ko rin ang mata ko na color green.
Wow Xiara! Ang ganda ng transformations natin! Excited na akong malaman ang mga kakayahan natin. Tuwang tuwa na sabi ni Cedric. Ako rin naman noh! Once in a blue moon lang siguro mangyari ito kaya excited ako dahil pangarap lang ito ng marami pero nasa harapan ko na.
Hmmm pwede na, mukhang may ibubuga naman. Pero tingnan natin kung makakaya ninyo ang aking mga ahas. Sambit ni Emilyo na walang ekspresyon o bahid ng pagkamangha. Inutusan na niya ang mga igat na sugurin kami. Nagsipag gapang ang mga ito ngunit mas mabilis gumalaw kaysa sa ibang igat. Maaring dahil na rin puro slime ang paligid.
Pero Cedric, paano natin magagamit ang powers natin? Hindi naman natin alam ang magic spells natin. Sambit ko. Nagitla rin sya at tila kinakabahan. Lumapit na ang mga igat at biglang nagsipag slide palapit sa amin kaya naman iwas lang kami ng iwas. Patuloy sila sa ganoong gawain at kami iwas lang kami ng iwas dahil hindi pa namin alam ang dapat sabihin. Wala bang clue para malaman namin?
Sandali oo nga si Clue baka alam niya! Pero dapat hindi malaman ni Emilyo ang tungkol sa kanya. Kaya ang ginawa ko ay kinausap ko na lang sya sa isip ko.
Clue!Clue! Naririnig mo ba kami?! Ano ba ang mga taglay naming kapangyarihan! Tanong ko sa pamamagitan ng isip.
Ano yan lang ba ang kaya ninyo? Eh wala naman pala kayong binatbat eh! Mga igat, Slime Gun! Biglang utos ni Emilyo. Humarap sa amin ang mga igat at tumira sila ng mga slime ang ginawa ko ay lumipad ako pataas at gayundin ang ginawa ni Cedric.
Nakaramdam ako ng malakas na pag ihip ng hangin sa harapan namin. Pumasok ang mga ito sa tenga namin at narinig ko na parang may ibinulong.
N...AT.....U...RE......
Pagkatapos kong marinig iyon ay lumabas ang hangin sa kabilang tenga ko at agad na lumayo. Humarap naman ako kay Cedric.
Xiara may ibinulong sa akin ang hangin. Technology daw sabi ng bulong nya. Sabi Ni Cedric.
Sa akin naman ang sinabi ay Nature. Hindi kaya yun ang kakayahan natin? Pero paano natin sasabihin yun? Tanong ko kay Cedric.
Maari nga na iyon ang kakayahan natin. Siguro magsambit tayong mga spells na may kinalaman sa kapangyarihan natin. Katulad nung nga napapanood natin sa mga movies. Baka ganoon lang din ang proseso. Hinuha nya. May punto sya roon at baka nga iyon ang dapat naming gawin.
Cedric! Xiara! Tulungan ninyo kami! Rinig kong Sigaw ni Mark kaya naman agad kaming lumipad pababa. Nakalimutan ko palang hindi pa nila kayang gumamit ng kapangyarihan. Nakita na naka stuck sila sa puno at dinuduraan sila ng mga igat ng slime gun kaya naman hindi sila makaalis.
Sa Wakas ay bumalik na rin kayo! Akala ko ay tumakas na kayo. Ngising sabi ni Emilyo.
Hinding hindi kami tatakas sa iyo! Ngayon tikman mo ang bagsik ng kapangyarihan namin. Lakas loob na sabi ni Cedric. Nakita ko na pumikit muna ito na tila may iniisip samantalang lumalapit ulit sa amin ang mga igat.
Digital Blast! May mga lumabas na kapangyarihan na tila kuryente sa mga palad ni Cedric. Tumama naman ito sa ilang igat at nagpira piraso sila. Wow! Magic!
Ikaw naman Xiara, ganun lang din ang gawin mo.
Maya maya ay nagimagine ako kung anong spell ang pwede na related sa nature. May naisip na din ako!
Venus Flytrap! Naisip ko ang halaman na ito kaya naman ay lumitaw na isang malaking Venus Flytrap at nilulon nito ang isang kumpol ng igat at ito ay biglang nagdisperse.
Malalakas talaga ang inyong mga kapangyarihan. Pero hindi yan sapat para matalo ninyo ang aking mga Ahas! Malakas nyang sambit habang nag susummon ulit ng mga igat.
Digital Web! Gumawa naman si Cedric ng isang web na bilog na gaya sa internet at kinulong ang iba at nakuryente sa loob ang lahat ng igat.
Nakita ko na may slime gun na tinitira ang mga igat kaya agad akong lumipad. Bumaba ulit ako para magsambit ng isang spell.
Magical Vine Wrap! May lumitaw na mga magic vines na mahahaba at pinag pupulupot nito ang mga igat hanggang sa mamatay ang mga ito. Si Cedric ay patuloy pa rin sa pagkulong at pagkuryente sa mga igat gamit ang digital web.
Naku po! Ang dami pa nila! Sambit ni Cedric dahil dumami ulit ang mga igat pagkatapos naming patayin ang karamihan sa kanila. Lilipad sana kami pataas pero tinira kami ng slime gun sa aming mga pakpak kaya ayun hindi kami makalipad.
Tingin nyo ba na hahayaan ko kayong makalipad ulit? Ngayon patas na ang laban. Sabi ni Emilyo habang suot ang nakakalokong ngiti.
Kaya ayun patuloy pa rin kami sa paggamit ng Digital Web at Magical Vine Wrap. Hindi kami susuko. Kaya namin ito!
BINABASA MO ANG
Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy)
FantasyNgayon na alam na ng magkakaibigan na sila ay nasa panganib, kailangan nilang mapigilan ang kasamaan at panganib na paparating. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanilang mga isipan at marami nang mga nasawi ngunit kailangan nilang harapin ito bago...