RWC 66: The Memory Returns

9 0 0
                                    

Gravity's POV

Tagumpay na naman ako tulad ng inaasahan sa pagnakaw ng isa pang mamahaling gamit. Kinuha ko lang naman ang kanyang magandang pitaka dahil na rin sa nilalaman nitong pera na maari ko na na namang gamitin para sa aking sarili.

Hinabol nya ako nung oras na iyon, syempre mas mabilis pa rin akong tumakbo kaysa sa kanya. Pumunta ulit ako sa mga eskinita kung saan madalas kong nilulusutan at kung saan dito rin ako sinusundan ng mga pulis.

Napadako muli ako sa pader kung saan ay kinorner ako ng mga pulis noong nakaraang araw pero katulad ng mga nakaraang taon ay lagi silang bigo at nasasaktan. Ewan ko nga ba sa kanila, alam nilang wala silang laban pero hinahabol pa rin nila ako.

Kaya ginamit ko ang kapangyarihan ko upang lumutang pahakbang sa malaking pader at saka nagpatuloy sa paglipad. Laking pasasalamat ko nga sa kapangyarihan ko dahil napapadali lahat ng mga gawain ko at nananakaw ko lahat ng naisin ko.

Habang nalutang ay kaagad kong tinignan ang pitaka at nakita ko na naglalaman ito ng sampung libong piso at malulutong pa ito.

Hmmmm kung sinuswerte ka talaga ay bago pa ang mga perang ito. Galak kong sambit habang sinisiyasat ko ang mga ito. Mukhang maganda ang simula ng aking araw.

Binilisan ko ang aking paglipad patungo sa madilim na kagubatan
kung saan ang aking tirahan. Nang marating ko na ito ay agad na akong lumapag.

Nakarating na rin sa wakas! Sabi ko habang nagpakawala ng isang malakas na buntung hininga.

Nilakad ko ang daan patungo sa aking tirahan nang biglang makaramdam ako ng nilalang sa aking likod. Parang may umaaligid na anino sa aking likod. Agad naman akong lumingon ngunit pagtingin ko ay wala naman.

Kung may ibang nilalang na naririto, magpakita ka kung ayaw mong gamitan kita ng aking kapangyarihan. Pagbabanta ko habang nagbuo ng enerhiya sa aking dalawang palad bilang paghanda.

Pero habang hinihintay ko ito ay wala namang nagpakita sa akin. Tanging ihip ng hangin at lagaslas ng mga nalalaglag na dahon ang naririnig ko.

Hay baka guni guni ko lang yun. Tugon ko na lang sa aking isip at nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad.

Nang malapit na ako sa aking tirahan ay nakarinig na naman ako ng nabaling sanga kaya lumingon ako sa aking kaliwa dahil doon ko ito narinig.

Mayroon bang tao dyan? May tao ba na sumsunod sa akin? Tanong ko ulit dahil baka talaga may sumusunod sa akin. Hinintay ko ulit kung may magpapakita pero wala namang lumitaw na kung ano mang nilalang.

Hay baka kung anong hayop lang yun. Kagaya nung una ay di ko na lang din inintindi ito at lumapit na ako sa pintuan ng aking tirahan saka ginamit ang kapangyarihan ko upang angatin ang malaking bato at ibinalik ko ito nang ako ay pumasok na.

Napaupo ako sa ninakaw ko na sofa dahil sa pagod. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang biglang nakarinig ako ng kalabog sa labas.

Ang lakas nun ah, ano kaya yun? Tanong ko sa aking sarili tapos ay akma akong lalabas pero bigla akong nawalan ng balanse dahil isa na namang kalabog kaya napaupo ako.

Nang tatayo na ako ay pumukaw ng aking mga mata sa isang sulok. Kumikinang ito at nagbibigay ng kaunting liwanag na para bang napapalibutan ng mga bituin. Na curious ako dito dahil ngayon ko pa lang nakita ito.

Pupuntahan ko sana ito upang tignan pero may bigla na namang pagyanig ng lupa kaya naman nainis na talaga ako kaya agad kong tinanggal ang bato sa aking tirahan at nakakita ako ng nilalang ngunit hindi lang ito isa kung hundi ay apat sila.

May dalawang lalake at babae na parang mga tao na pinalilibutan ang nakaupong babae ngunit kakaiba sya sa kanila dahil lila ang buong kasuotan nito pati ang kapa nito ay lila din. Ang mga mata rin nito ay may bahid ng lila.

Kaya naman sinamantala ko ang kanilang pag uusap at kinontrol ko ang kanilang paggalaw sa pamamagitan ng aking mga kamay.

Huwag na kayong gumalaw! Walang saysay ang ginagawa nyo.  Malakas kong sabi sa kanilang apat. Lumapit na ako sa kanila at tinignan sila ng isa isa.

Sino ba kayo?! Bakit ba dito kayo nag aaway away sa kagubatan? Ginagambala nyo ang aking pamamahinga. Tanong ko sa kanila

Gravity! Makinig ka sa akin, kami ito na mga kaibigan mong sorsero at sorsera. Isa ka sa amin Gravity, kaya maniwala ka at pakawalan mo na kami. Turan ng isang babaeng puti ang kasuotan at ang kanyang mata ay nagmamakaawa.

Anong Gravity ang sinasabi nyo? Ako ang Gravithief at Grace ang tunay kong pangalan. Huwag nyo ngang bilugin ang ulo ko! Galit kong turan sa kanila dahil nakapagtataka naman ang kanyang sinabi. Di kapanipaniwala.

Tama yan Grace! Huwag mo silang pakinggan. Binibilog lamang nila ang utak mo dahil gusto ka nilang patayin at nakawin ang mga gamit mo. Kaya unahan mo na sila! Sambit naman ng isang babae na kulay lila ang kasuotan at matalas ito kung tumingin sa akin. Ahhh! Di ko na alam kung sinong paniniwalaan ko.

Gravity makinig ka, alam kong kinupkop ka ng mag asawang magnanakaw at tinuring ka nilang anak. Turan ng isang matipunong lalaking pula ang kasuotang damit. Nagulat ako at pati na ang mga mata nila ay nanlaki. Paano kaya nya nalaman yun?

Nalaman ko yun dahil nabasa ko sa nilalaman ng isip mo. Hanggang ngayon di mo nakakalimutan ang kanilang pagkamatay kaya ikaw ay nagpapatuloy sa pagnanakaw upang ipaghiganti sila. Sabi nito na tila nga ba nababasa nya ang nilalaman ng aking alaala. Hindi ako makapaniwala, mga sorsero talaga yata sila.

At alam ko rin na huling kataga ang sinabi ng iyong ama na hanggang ngayon ay inaalam mo pa kung anong ibig ipahiwatig nito. Ngayon ay sinasabi ko sayo na kami ang nawawala mong alaala. Isa kang sorsera at Gravity ang pangalan mo. Hindi ka talaga nakatira dito ngunit pinadala lamang kayo rito upang protektahan ang mga codex. Mahabang paliwanag ng lalake. Lubha akong nagulat, ngayon ko pa lang sila nakilala pero parang may kirot lahat ang sinabi nya. Alam nya ang bawat detalye ng buhay ko.

Kung totoo ang mga sinasabi mo, paano mo mapapatunayan sa akin yan? Tanong ko sa kanila ngunit nagugulumihanan pa rin.

Huwag kang magpapaniwala sa kanila Grace! Mga manloloko sila! Singit ng babaeng nakalila. Ang aura nito ay nakakakilabot at parang masama di tulad ng sa kanila ay positibo at banayad lamang ang kanilang aura. Kaya posibleng nagsasabi ang lalake ng totoo.

Kung papakawalan mo kami, maibabalik ko ang memorya mo. Kondisyon nito. Gagawin ko na sana para na rin malaman ko ang totoo pero nagsalita na naman ito na huwag akong maniwala. Kaya naman nainis na ako.

Manahimik ka nga! Mula sa pagkontrol ko sa kanya ay itinulak ko ito sa pamamagitan ng aking kamay na nagbigay ng malakas na pwersa at tumalsik naman ito sa isang puno.

Hanggang ngayon pa rin ay di ka pa rin nagbabago, madaling maubos ang pasensya mo. Turan ng isa pang lalake na dilaw ang kasuotan nito. Gwapo rin ito pero mas malaki ang pangangatawan nito kaysa sa isa. Nagtaka pa din ako pero nangibabaw ang kaisipang matagal na nga nya akong kilala.

Kaya agad ko nang tinanggal ang mahikang pwersa ko sa kanila.

Salamat Gravity at pinakinggan mo kami at naniwala ka sa akin. Ngayon hayaan mong maibalik ko ang memorya mo. Tugon naman nito. Tumango na lamang ako sa kanya bilang pagpayag. Ipinuwesto nya sa magkabilang ulo ko ang kanyang kamay pero di nakahawak.

Titigan mo ako. Tignan mo ang aking mata. Tumingin naman ako dito at nakikita ko ang medyo light na pula sa kanyang mata. Parang nakakaantok tignan ito at medyo nahihilo ako. Maya maya ay nag usal sya ng isang engkantasyon.

Memorium Chanelli Resturbanshi!

Memorium Chanelli Resturbanshi!

Remindio Memorium Gravity!

Remindio Memorium Gravity!

Mas lalong bumibigat ang aking pakiramdam sa ulo. Parang lumolobo ang aking utak pero hindi naman masakit. Mas lalong lumalabo ang paligid, hindi ko na kaya. Kaya agad akong nawalan ng malay at nagdilim na ang buong paligid.








Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon