Mind's POV
Natapos na kaming kumain lahat ng biglang tumayo si Riddle.
Halina kayong dalawa. Huwag na tayong magsayang ng oras. Hanapin na natin si Gravity bago pa lumala ang sitwasyon nya. Sambit nito sa aming dalawa. Napatingin naman kami ni Mound na may pagkagulat. Iba ang sigla ngayon ni Riddle sa misyon na ito. Parang mas lalo syang naging aktibo.
Bakit tila nagmamadali kang hanapin natin sya? Panigurado naman ako na hindi kalayuan dito sa maynila si Gravity. Isa pa, maayos naman ang lagay nya yun nga lang ay wala syang maalala. Panimula ni Mound sa kanya. Biglang nawala ang sigla nito at napalitan ng pagkadismaya. Nagulat ako sa reaksyon ni Riddle sa kanya. May nasabi bang mali si Mound?
Mound alam mong hindi katiyakan ang kaligtasan nya. Oo maaring may kapangyarihan sya pero paano pag natunton sya? Hindi tayo sigurado sa maari nilang gawin dahil nga namulat si Gravity sa kasmaaan dahil sa pagkawala ng kanyang memorya. Sagot ni Riddle kay Mound na para bang ipinaiintindi nya rito ang kanyang nararamdaman. Tama naman sya, hindi biro ang kalagayan ni Gravity ngayon lalo pa't masama ang kanyang imahe dito sa mundo ng mga tao.
Kaya pakiusap, hanapin na natin ang ating kaibigan. Huwag na natin syang hayaang magdusa pa sa maling pananaw. Nagmamakaawa na sambit ni Riddle. Si Mound naman ay napayuko at tila ba nahihiya.
Pasensya na Riddle, hindi ko dapat sinabi iyon. Paumanhin sa iyo. Paghingi ng tawad nito. Lumapit naman si Riddle dito at inangat ang ulo nito.
Ayos lamang iyon kaya maari bang dalhin mo kami kung saan mo huling namataan si Gravity. Pakiusap nito habang nakangiti ito sa kanya. Si Mound naman ay nakangiti din na tumango sa kanya. Hinawakan nya ang kamay naming dalawa.
Oopss dito na lang ako baka may magselos sa akin. Biglang lipat ng hawak ni Mound mula sa kamay ay napunta sa braso ni Riddle. Nagtaka naman ito sa sinabi nya pero di naman nya inintindi ito. Hindi na lang ako nagsalita bagkus ay hinawakan ko na lang din ang kamay ni Mound.
Wala namang malisya sa akin kung hawakan nya eh kasi pinakamatalik ko syang kaibigan at alam nyang may pagtatangi ako kay Riddle.
Bigla na lang kaming lumitaw dito sa isang daan na napapaligiran ng mga dingding na para bang isang masikip na daanan.
Dito ko sya huling nakausap na kalaunan ay kinailangan kong gamitan ng kapangyarihan upang mapigilan syang magnakaw kaya lang nakatakas sya. Pagsasalaysay ni Mound. Totoo ang sinasambit nya dahil ramdam ko ang mahika nina Mound at Gravity dito. Ramdam ko ang ilang bahid ng kapangyarihan nila dito.
Kung gayon ay paano natin sya matutunton? Tanong ko sa kanila. Hindi sila sumagot pero batid ko na nag iisip sila. Basa ko base sa takbo ng kanilang isipan.
Tulong saklolo!! Bigla akong nakarinig ng isang malakas na hiyaw na patungo sa direskyon namin. Kaagad kaming kumilos at nagsimulang maglaho.
Mabuti na lang ay nakapaglaho kami agad dahil saktong pagkalaho namin ay pumunta dito ang isang babae na may hawak na wallet at humahangos na tumatakbo. Nung pagkatingin ko sa kanya ay biglang nagkaroon ng positive ray nang makita ko sya sa mata. Nakasisiguro ko na si Gravity ito. Kahit pa na medyo nagbago ang wangis nito ay nakilala ko pa rin sya.
Maya maya pa ay bigla nyang pinalutang ang kanyang sarili at kaagad na umalpas sa pader na dapat sana ay huling daan na nya saka pinagpatuloy ang paglipad palayo sa humahabol sa kanyang lalaki
May ganoon talagang kapangyarihan si Gravity. Dahil kaya nyang kontrolin ang paggalaw, paglutang o pagbigat ng isang tao o bagay at hindi lang iyan, kaya rin nyang manipulahin ang lahat ng bagay na ukol sa kalawakan. Kaya sya ang sorsera ng kalawakan.
BINABASA MO ANG
Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy)
FantasíaNgayon na alam na ng magkakaibigan na sila ay nasa panganib, kailangan nilang mapigilan ang kasamaan at panganib na paparating. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanilang mga isipan at marami nang mga nasawi ngunit kailangan nilang harapin ito bago...