Anne's POV
Pinipilit kong magkawag sa Malaking kuwagong ito pero sadyang malalakas ang kanyang mga kuko. Nakita ko si Mark na sumusunod sa amin. Natuwa naman ako ng makita ko siya.
Ililigtas kita Mahal ko, ililigtas kita! Buong tapang na sabi ni Mark. Lumipad sya ng mabilis at nagsambit ng isang spell.
Cascade Bubble!
Nakulong kami sa isang bubble at sa bilis ng paglipad nito ay nabunggo ang kuwago. Ngumiti naman ako kay Mark at ginanthihan nya rin ang ngiti ko.
Sa tingin mo ba makukulong nya ako rito?! Nagkakamali sya mortal. Nagulat ako sa sinabi ng kuwago. Akalain mong nagsasalita ito.
Air Slash! Naglabas sya ng bilog na razor na gawa sa hangin at inihagis nya ito sa bubble. Unti unti itong nahiwa at kalaunan ay nasira. Kaya ang ending habulan scene ulit.
Saan mo ba ako dadalhin ah?! At bakit mo ba ako kinuha? Tanong ko sa kanya.
Dahil dadalhin ka namin sa aming panginoon. Gayundin ang ginawa ko sa iyong mga kaibigan. Dinala ko na sila sa aming panginoon. Sagot nito.
Ano ba ang pakay nya sa amin? Tanong ko ulit.
Hindi ko maaring sabihin. Siya na ang magsasabi sa inyo. At isa pa nandoon na ang mga kaibigan ninyo. Pati na rin ang dalawang may pakpak, nakuha ko na rin. Ang lakas naman nitong kuwago na ito. Nagawa nyang talunin sina Xiara at Cedric nang mag isa lamang. Kaya di hamak na baka matalo nya rin si Mark.
Water Bolt!
Rinig kong spell ni Mark ngunit agad na umiwas ang kuwago.
Kung ako sa inyo ay sumama ka na lang ng matiwasay sa amin maging ang kasintahan mo kung ayaw ninyong masaktan. Sambit nya sa amin.
Sige sasama ako, pero pakawalan mo ako para makausap sya. Sabi ko.
Masusunod Mortal. Nakahinga naman ako ng maluwag nung dinabi nya iyo ngunit ang sumunod na ginawa nya ay talagang ikinatakot ko.
Agad nya akong binitawan at pinakawalan mula sa kanyang mga kuko kaya ako ay bumagsak at nagsisigaw ako. Tinatawag ko ang pangalan ni Mako para tulungan ako.
Maya maya naramdaman ko na lang na may sumalo sa akin. Idinilat ko ang mga mata ko at nakita ko ang mukha nya na sobrang nag aalala. Napangiti na lang ako ng bahagya.
It's okay Mako, ligtas ka na. Sabi nito at ngumiti sya ngunit di maiiaalis sa kanya ang mukha nyang nag aalala.
Akala ko.... Hindi na natuloy ang aking sasabihin ng gawaran nya ako ng sobrang lambot at sincere na halik. Gumaan naman ang loob ko sa halik na iyon.
Akala mo lang iyon Mako, diba sabi ko naman sa iyo nandito lang ako kapag kailangan mo ako. Hindi na muli kita pababayaan Mako, hinding hindi. Sabi nya ng buong sensero.
Salamat Mark, mahal na mahal kita Mako. Sensero ko ring sabi na ikinalapad ng ngiti nya kaya muli nya akong hinalikan sa labi.
I love you too Mako. Halika at iligtas natin ang mga iba nating kasamahan. Sabi nya sa akin at handa na syang lumipad pero pinigilan ko sya.
Huwag Mako, ang mabuti pa ay sumunod na lamang tayo sa kuwagong iyan. Nasa kanilang pinuno ang ating mga kaibigan. At isa pa hindi mo sya makakaya dahil natalo nya ang kapangyarihan ni Cedric at Xiara ng mag isa. Kaya sundin na lamang natin sya. Pagbibigay impormasyon sa kanya. Nakita ko naman sa kanya ang pagdududa at paghihinala.
Ngunit Mako, paano kung niloloko nya lang tayo?
Magtiwala ka sa akin Mako, naniniwala ako sa kuwagong iyan. Pagpilit ko.
Pero Mahal ko... Hindi ko na sya pinatapos dahil agad kong hinila ang ulo nya upang halikan sya. Agad naman syang tumugon.
Please Mako? Just trust me please? Pagmamakaawa ko. Ngumiti na ito at hinawakan ang kamay ko.
Sige na Mako, I trust you na. Hinalikan mo naman ako eh. Loko nyang sabi. Gusto ko sanang kiligin pero pinipigilan ko.
Ano na Mortal? Huwag na kayong maglandian dyan kung gusto nyong makita ang mga kaibigan ninyo. Nagulantang kaming parehas dahil nasa harapan namin ang malaking kuwago. Napasimangot naman ako, di naman kami naglalandian grabe ka!
Sundan ninyo ako. Utos niya sabay lipad. Nakasimangot tuloy ako pero nagulat ako nang halikan nya ulit ako. Grabe ah! Nakakarami na sya ah.
Hayaan mo na sya Mako, wag ka nang sumimangot kundi hahalikan ulit kita kahit nalipad tayo. Banta nito sabay lapit ng mukha niya bahagya. Napansin ko na nalipad na pala kami. Di ako nainform.
Maya maya pa ay may nakita akong isang malaking clearing kung saan parang malaking bilog ng lupa na may nakapaligid na puno na may butas lahat sa gitna.
Lumipad ang ibon pababa at sinundan namin sya ni Mark paimbaba at nakita namin ang mga kaibigan ko at sa galak ko ay nayakap ko sina Dianne at Bryce.
Guys buti nalang at di nya kayo sinaktan, anong nangyari dito? Tanong ko sa kanila.
Dinala nila kami rito dahil gusto daw tayong makita ng kanilang panginoon. Hindi nya nga sinasabi kung bakit eh. Sabi ni Dianne na tila natatakot na.
Ngunit sina Cedric at Xiara, nasaan sila? Tanong naman ni Mark na nasa tabi ko. Hindi nila sinagot ang tanong nya at sa halip ay umalis sila at lumapit sa nakahigang Cedric at Xiara na tila nawalan ng malay. Sa gulat naming dalawa ay lumapit kaming agad.
Anong nangyari sa kanila? Bakit sila nahimatay? Nag aalalang tanong ni Mark.
Yung malaking kuwago na dumagit sa amin, gumamit sya ng Air Slash dahil pagdating namin dito ay sinubukan nilang atakihin ito. Paliwanag ni Dianne. Napatingin kaming lahat sa kuwago.
Wala akong magagawa, yun lamang ang paraan para hindi nila ako masaktan at madala ko kayo sa aming panginoon. Sabi ng kuwago na tila seryoso. Nakita ko naman na nakayukom ang palad ni Mark at tila galit ito sa tinuran ng kuwago kaya naman agad kong hinawakan ang pisngi nya.
Mako please wag mong gawin kung anong iniisip mo, wag na natin syang labanan at hayaan na muna nating makilala ang kanilang panginoon. Sabi ko sa kanya. Nanlambot naman ang histura nito at niyakap ako at ibinagsak nya ang ulo nya sa balikat ko. Niyakap ko rin naman sya pabalik.
Kroooooo Kroooooo!
Nagulantang kami ng marinig namin ang ugong ng ibang kuwago na papunta sa amin bale sampu silang lahat na pumunta sa amin. Dumapo naman sila sa mga malalaking sanga ng puno sa paligid.
Parating na ang aming panginoon, humanda na kayo. Sabi nung kuwago na kausap namin kanina.
At maya maya pa ay may lumipad paitaas at naka kulay itim sya at may maskara sa mata. Lumanding ito na may posture pa na tila nag bobow. Tila nakacostume ito na may pakpak na nakakonekta sa mga braso nya. Malamlam ang mata at may katangkaran.
Ikaw ba ang panginoon ng mga kuwago? Tanong ko.
Ako nga, ako si Owlria. Ang panginoon ng mga kuwago at maging ng Owl Wing Forest. Sabi nya sabay umugong na parang kuwago at gayundin ang ginawa ng ibang kuwago.
BINABASA MO ANG
Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy)
FantasyNgayon na alam na ng magkakaibigan na sila ay nasa panganib, kailangan nilang mapigilan ang kasamaan at panganib na paparating. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanilang mga isipan at marami nang mga nasawi ngunit kailangan nilang harapin ito bago...