Cedric's POV
Answer Me First!
Yan ang mga salitang tumambad sa aming harapan matapos na hawakan ito ni Clue. Ano kaya ang ibig sabihin nito?
Ano ang kailangan naming sagutan Clue? Tanong ni Mark na tila nalilito rin sa nakita.
Hindi ko rin batid ngunit hayaan ninyong alamin ko.
Inilapat nya ang kanyang daliri at pumikit ito na tila binabasa ang nilalaman ng kanyang isip. Maya maya pa ay tinanggal nya rin ito.
May mga 3 bugtong na kailangan ninyong sagutin upang mabuksan ang mapa nang makita ninyo ang kinaroroonan ng mga codex. Sagot nito. Nakuu! May kailangan pa palang gawin bago mabuksan. Bakit hindi sinabi sa amin ito ni Riddle ang tungkol sa mga to?
Pero paano kapag hindi namin ito nasagutan? Tanong naman ni Dianne. Bumuntung hininga muna si Clue at sinagot ang tanong ni Dianne.
Hindi na muling mabubuksan ang mapa at lalong hindi nyo na malalaman kung nasaan ang mga codex. Kaya siguraduhin ninyo na masasagutan ninyo ang tatlong bugtong. Pahayag nya na ikinagulat ko at maging ng iba. Hindi pwede! Isang mali lamang at hindi na namin malalaman ang kinaroroonan ng mga codex. Nakuu kailangan naming mag focus dito.
Sa tingin ko mas makakabuti kung isa lamang sa atin ang sasagot. Yung alam natin na matalino at Academic Excellence with High Honors. Sabi ni Bryce. Teka sandali ako ba yung tinutukoy nila? Hala mukhang ako nga dahil lahat sila nakatingin sa akin. Oo may natatamo akong mga academic excellence awards pero para sa akin hindi naman ako ganun katalino.
Naku Bryce! Hindi ko kaya yan, iba na lang. Baka magkamali pa ako dyan. Sabi ko sabay kamot sa ulo.
Kaya mo to Cedric! Jusko maning mani mo lang ito. Sabi Ni Bryce
Jusko ikaw kaya ang pinaka matalino sa amin. Dagdag ni Xiara. Pero di talaga ako convinced. Hindi naman sa nagpapakipot ako pero parang ganun na rin iyon. Basta AYOKO.
Cedric please? Ikaw yung maasahan namin dito eh. Ang tali talino mo! For sure kaya mo to. Sige na Cedric please? Pakiusap ni Dianne habang nakahawak sa braso ko. Nanlambot naman ako sa pakiusap ni Dianne kaya pumayag na ako. Natuwa naman silang lahat.
Sandali anong ginawa ko?? Paano ako napapayag ni Dianne? Hay naku wala naman na akong kawala.
Humanda ka na Cedric, lilitaw na ang mga letra. Sabi ni Clue.
Lumutang na nga ang mga letra at nagkumpul kumpol ito at nagbuo ng isang bugtong
May Sungay, hindi hayop
Hindi tao, tumatakbo
Hmmmm panigurado ako na gamit ito at hindi sya tao at hayop base sa description. Ano bang bagay ang may sungay at tumatakbo? Hmmm hindi kaya sasakyan ito....
Ahhh alam ko na Bisikleta! Sagot ko. Kita ko naman na naglaho na ang bugtong palatandaan na nasagot ko ito. Tuwang tuwa naman sila sa aking tagumpay.
Sumunod naman ay ito:
Aling lumilipad sa mundo
Ang panay buto?
Hala mukhang mahirap ito ah. Kung hayop naman ito eh ibon lang naman ang mga nakakalipad, at hindi sila puro buto dahil may mga balahibo sila. Hindi kaya sasakyan ulit ito...
Ahhhh Eroplano! Naglaho naman agad ang bugtong at nagtagumpay na naman ako. Akalain mo yun! Mahirap pero nasagot ko agad.
Ang panghuling bugtong, nawa'y magtagumpay ka. Paalala ni Clue
At ang panghuling Bugtong:
Dalawang Balon
Lalim ay paahon
Oh my God! Ang huli ngunit mas mahirap kaysa sa iba. Dalawang balon na paahon, meron ba nun?
Hala mukhang bokya tayo nito. Kailangan kong mag isip ng paraan para mabuksan namin ang mapa. Isip Cedric Isip.
Maaring bagay ito na magkadugtong ngunit parang wala naman yatang ganoon at panigurado na may butas ito. O di naman kaya parte ng katawan ng tao na may dalawang butas...
Ayun! Ilong! Ilong ang sagot! Pasigaw kong sabi. Naglaho naman kaagad ang bugtong at nagtagumpay nga ako.
Nice one Cedric!! Pagbati ni Mark at Anne na sabay pang sabi. Nagulat pa si Anne at napatitig kay Mark at tinitigan din sya nito na parang nang aakit. Namula tuloy si Anne, Mark talaga eh! Galing magpakilig ng babae eh.
Sabi ko naman sayo Cedric kaya mo yan eh. Bati nina Bryce, Dianne at Xiara. Nagpasalamat naman ako sa kanilang lahat.
Binabati kita Cedric dahil nabuksan mo ang mapa at hindi lang yan, mukhang napatunayan mo na ang iyong sarili sa suot mong kuwintas. Pahayag ni Clue. Ano daw?
Kinapa ko ang kuwintas ko at nakita ko na nagliliwanag ito at kumikinang ang pagiging abuhin nito or pagka grey nito. Pero bakit? Nagsagot lang naman ako ng mga bugtong ah.
Dahil pinatunayan mo ang katapangan sa pagsagot ng mga bugtong kahit na may mangyayari kapag hindi ito nasagot. At isa pa sa angking galing mo rin. Turan niya na tila sinagot ang nasa isip ko. Oo nga pala may kakayahan syang magbasa ng isip. Nakakaflatter naman.
Salamat po Clue, sayo rin kuwintas dahil napatunayan ko na ang sarili ko sayo. Sabi ko habang hinawakan ko ito. Nakuu e di katulad ni Xiara ay maiuunleash ko na ang powers ko!
At dahil nabuksan nyo na ang mapa. Maari nyo na itong tanungin kung saan ang hinahanap ninyo. Pahayag ni Clue. Haa?? Kakausapin namin ito? Pambihirang mapa!
Ehem. Pinraktis muna ni Bryce ang boses bago tuluyang nagsalita. Mapa, maari mo ba ituro sa amin kung nasaan ang emerald cape na isa sa mga codex?
Bigla naman itong nagpalitaw ng tatlong lugar. Yung parang style lang ng Map ni Dora hahahaha. Pero mas cool naman ito. Sa una ay may parang malaking sapa, sa pangalawa ay may gubat na maraming ibon at sa huli ang makintab na color green na kuweba.
Kung ganoon ay kailangan naming dumaan sa Slimy Island. Pagkatapos ay dadaan tayo sa Owl Wing Forest at ang huli sa Emerald Cave kung saan matatagpuan ang Emerald Cape. Pagbasa ni Bryce sa mga lugar. Nakuu ang daming lugar at yung iba roon parang nakakatakot puntahan.
Kung ganoon ay kailangan ninyo nang magpahinga para makaalis kayo agad. Mayroon ako ritong tig tatlong silid. Piliin nyo kung sino gusto nyong kasama at pindutin nyo lamang ang mga bato.
At syempre alam nyo naman na si Mark at Anne ang magksama. Naku hindi papayag si Mark na magkahiwalay yang si Anne. Mamimiss nya kasi eh hahahahaha. Ewan ko nga ba kung anong nakain ni Mark at naging sobrang sweet at malambing kay Anne.
Si Bryce at Xiara naman ang magksama. Nung una ay ayaw ni Xiara pero nagpumilit sya kay Xiara at sa huli napapayag nya ito at kami ni Dianne ang magkapartner.
Pinindot ko na ang nakausling bato at gulat ko na tumaas ang bato at nakita ko na may dalawang kama na gawa sa tagning tagni na dahon at may tila kumot na gawa sa balahibo ng hayop. Nakuu mukhang masarap ang tulog namin nito!
BINABASA MO ANG
Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy)
FantasíaNgayon na alam na ng magkakaibigan na sila ay nasa panganib, kailangan nilang mapigilan ang kasamaan at panganib na paparating. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanilang mga isipan at marami nang mga nasawi ngunit kailangan nilang harapin ito bago...