Mind's POV
Oh Mind kumain ka na muna. Alok sa akin ni Mound habang hawak ang isang plato na may pagkain.
Pasensya Mound wala akong gana eh. Ikaw na lang kumain nyan. Walang emosyon kong tugon. Wala kasi akong gana kumain dahil masyado akong maraming iniisip.
Naiintindihan ko Mind kung ano ang nararamdaman mo ngayon pero please kumain ka man lang kahit ito lang. Madilim na ang paligid at hindi ka pa kumain. Pakiusap ni Mound sa akin habang hawak hawak pa rin nya ang pinggan.
Siguro nga ay dapat na nga akong kumain. Maikli kong sagot sa kanya. Sayang naman ang preperasyon na ginawa ni Mound kung tatanggihan ko ito. Isa pa, ayoko naman pabayaan ang sarili ko dahil kailangan ko pa ng lakas upang harapin ang kung ano mang maaring mangyari.
Kay sarap naman nito Mound. Kakaiba ito sa ating pagkain ngunit may taglay din palang sarap ang mga pagkain ng mga tao. Papuri ko sa kanya ng sinimulan kong tikman ito.
Mabuti naman at nagustuhan mo ang pork steak with rice na ginawa ko para sayo. Pasasalamat naman nito sa akin. Hindi ko man alam kung ano yung pork steak with rice na kanyang binanggit pero hindi ko na masyadong inisip yun. Basta masarap sya.
Buti na lang pala pinilit kita kung hindi di mo masasabing masarap yan. Ngiting sabi nito. Natawa na lang ako sa sinabi nya.
Pasensya na talaga Mound, marami lang talaga akong iniisip. Sa kondisyon ngayon ni Riddle, sa pagkawala ng memorya ni Gravity, si Shadow na hanggang ngayon ay nasa paligid pa rin.. Sabi ni Mind na tila nalulungkot. Tinapik ko naman ito sa balikat nito.
Huwag mo masyadong isipin iyan. Pasasaan ba't matatapos din ang lahat ng ito. Iniisip ko rin nga sana matapos na agad na ito para malagay na sa katahimikan ang ating mga mundo. Pang aalo sa akin ni Mound. Napangiti ako sa sinabi nya. Nakakapag pagaan talaga ng loob ang aking kaibigan sa tuwing may problema o kapag malungkot ako. Kaya naman sya talaga ang pinakamalapit kong kaibigan sa aming mundo.
Maya maya pa ay biglang lumitaw muli ang librong Bugtong Bugtong ni Riddle. Mukhang kumikilos na naman ang sumpa. Ito na siguro ang senyales.
Nagbukas ang libro walang lumitaw na kung ano mang bugtong na nakapagbibigay sumpa. Sa halip ay mayroong lumabas na nilalang mula rito. May lumitaw na isang vortex mula roon na parang isang portal ang nililikha.
Maka ilang saglit pa ay may enerhiya na lumalabas mula sa puting vortex. Ang enerhiya ay lumalaki hanggang sa mabuo rito ang isang pigura ng tao.
Sandali paanong.. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko dahil ang lumabas mula sa libro ay walang iba kung hindi ang tagapangalaga ng Riddle World na si Clue!
Paano ka nakapunta rito?! Tanong din ni Mound na gulat na gulat sa ginawa ni Clue. Hindi kasi makapaniwala na nagawa nyang makatawid mula sa Riddle World hanggang dito sa Mortal World.
Mga sorsero, alam kong nagtataka kayo sa aking ginawa sapagkat ito ay kanyang itinago kahit pa sa inyong mga sorsero ang isa pang daan patungong Riddle World. Tugon ni Clue sa aming dalawa. Nagulat ako sa sinabi nya. Ang tangi ko lang alam ay ang daan na patungo sa Riddle World ay tanging ang puno ng balete sa may matarik na bundok.
May kakayahan ang libro upang dalhin ang sinuman sa Riddle World bukod pa sa paraang ginawa ninyo pati na ng mga mortal. At may kakayahan din ako upang gamitin ang libro bilang tulay sa pagitan ng dalawang mundo. Dagdag pa nito.
Pero paano mong nagawa iyon? Alam kong may kapangyarihan ka pero ang pagtawid mula sa isa pang mundo hindi ba't malakas na kapangyarihan ang kinakailangan para doon? Tanong muli ni Mound.
BINABASA MO ANG
Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy)
FantasyNgayon na alam na ng magkakaibigan na sila ay nasa panganib, kailangan nilang mapigilan ang kasamaan at panganib na paparating. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanilang mga isipan at marami nang mga nasawi ngunit kailangan nilang harapin ito bago...