RWC 33: Emerald Cave

10 0 0
                                    

Dianne's POV

Dianne! Nagulantang ako ng marinig ko ang malakas na boses ni Bryce na tinawag ang pangalan ko.

Ay pasensya na Bryce, may iniisip lang ako. Eh paano ba naman di ko talaga makalimutan yung babaeng tumulong sa amin. Masyadong syang misteryoso at maganda. Ika nga, beautiful stranger.

Nandito na tayo sa Emerald Cave Dianne, kaya halina't tayo'y pumasok na para agad na makuha na natin ang emerald cape. Nagmamadaling sabi ni Bryce at sumunod naman ang lahat sa pagpasok nya.

Namangha kami sa ganda nung nagsimula kaming pumasok sa loob. Kay ganda ng mga emeralds! Ang kikinang at ang kikintab! Kahit nga siguro ikiskis mo sya sa pader ay makinang at makinis pla rin ito. Nakadikit sila sa batong pader ng kuweba na nagbibigay liwanag na nakapagbibigay sapat na liwanag para makakita kami sa loob.

Ang ganda naman dito, parang gusto kong makakuha ng isa sa mga emeralds sa sobrang ganda. Manghang wika ni Xiara at akmang hahawakan nya ang isa nang hinawakan ni Bryce ang kamay ni Xiara. Napatigil si Xiara nang hawakan sya ni Bryce pero nagulat din ako nang napatigil si Bryce at napatitig lang kay Xiara. Hindi ko sure pero may something ba tong dalawang to?

Huyy Bryce, wala ka bang sasabihin kay Xiara? Pag singit ko sa kanilang dalawa. Natauhan naman agad si Bryce sa sinabi ko.

Ahmm Xiara, huwag mong hawakan o tangkain na kunin yan. Baka may mangyari kasing masama. Alam mo naman, nag iingat lang ako. Paliwanag nito kay Xiara.

Oo di ko nahahawakan kaya please bitawan mo na kamay ko. Sabi ni Xiara na tila nangangalay na. Binitiwan agad ito ni Bryce at nag sorry sa kanya, tumango lamang ito at magpatuloy na sa paglalakad. Kita ko na masaya ang mukha nito habang naglalakad.

Ang saya ng mukha mo Bryce ah, nahawakan mo lang yung kamay nya eh. Bulong ko sa kanya.

Shhh wag kang maingay Dianne baka marinig nila. Saway ni Bryce sa akin.

Aysus kunyari ka pa eh, may gusto ka kay Xiara ano? Pang uusisa ko sa kanya.

Wag kang maingay ah, oo may gusto ako sa kanya. Ang lambot nga ng kamay nya eh napatigil tuloy ako kasi ang sarap ng feeling na mahawakan mo sa kamay yung taong gusto mo. Tuwang tuwa na bulong ni Bryce sa akin. Napangiti naman ako, sabi na eh. May gusto sya doon eh.

Dianne wag mong sabihin kay Xiara ah. Pleasee. Pagmamakaawa nito.

Oo basta pangako mo na sasabihin mo yan sa kanya. Kondisyon ko.

Oo, mag iipon lang ako ng lakas ng loob para masabi sa kanya iyon. Sabi ni Bryce. Aysowsss nakuha pa nitong maging mahiyain. Eh kapag nanghihingi ng pagkain ito sa akin dati sa school parang sya yung may ari. Hayyy nakakamiss yung school. Sana talaga pag nagawa na namin ito, matapos na ang kaguluhan.

Guysss tignan nyo ohhhhh! Bulalas ni Cedric at sinundan ko ang direksyon ng kanyang daliri at nakita ko ang nagniningning na tela na nakapatong sa isang tronong gawa din sa emerald. Nakuu eto na yata yung emerald cape! Ang isa sa apat na codex.

Mukhang iyan na ang emerald cape. Halika at kunin na natin para makaalis na tayo agad rito. Humahangos na sabi ni Anne pero agad syang pinigilan ni Mark.

Mako, huwag tayong padalos dalos. Hindi tayo sigurado kung ligtas ba nating kunin ang emerald cape dahil nasa isang trono ito. Kaya malamang ay mayroong nagbabantay dito kaya kumalma ka muna. Paalala ni Mark kay Anne.

Tama ka nga Mark, kaya dapat malaman natin kung sino ang nagbabantay dito sa kuweba at humingi ng permiso sa kanya. Pag sang ayon ni Anne.

Pero paano natin malalaman? Hindi naman pwedeng basta basta tayong sumigaw at baka akalain nila na kalaban tayo. Tugon ko sa kanilang lahat. Lahat ay napaisip kung paano nga ba namin malalaman kung may naninirahan ba rito o wala.

Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon