Clue's POV
Nagsipagpasok na silang lahat sa mga kuwarto na aking itinuro at nang masiguro ko na nakapasok na sila. Kinuha ko ang Silver Mirror sa pagitan ng bitak sa dingding. Kinuha ko na ito at binanggit ang Conactea Riddle!
Lumitaw naman sya sa mirror at humarap sya kasama ang isa pang sorsero na si Mind. Kilala ko ang kasama nya sapagkat naikuwento na rin ito sa akin ni Riddle maging ang iba pang mga sorcerers.
Kumusta ang mga mortal? Ayos lang ba sila? Tanong ni Riddle.
Mabuti lang po ang lagay nila Master Riddle kaya lang po ay nagtataka ako kung bakit sila ang inyong napili na maging tagapangalaga ng kuwintas di hamak na mortal lamang sila. Sabi ko ng may pagtataka. Eh kasi ni minsan ay hindi nya sa amin ito ipinahahawak pero sa mga mortal ay nagawa nyang ibigay? Hindi naman tama iyon.
Clue! Oo maaring mga mortal sila ngunit wala kang karapatan na husgahan mo sila. Malaki ang tiwala ko sa kanila dahil alam kong kahit wala silang karanasan sa mahika ay nasisiguro ko na makukuha nila ang mga codex. Malakas na sabi nya. Sabagay, may punto sya roon. Pero nagaalangan pa rin ako sa kakayahan nila. Baka hindi lamang sila magtagumpay.
Ngunit bakit hindi po ninyo sinabi ang tungkol sa akin at maging sa mapa at kuwintas? Isa din yan sa ipinagtataka ko. Bakit hindi sinabi ni Master ang tungkol sa akin at sa kailangang gawin sa mapa at maging sa dapat muna nilang patunayan ang sarili nila sa mga kuwintas. Sinabihan kasi ako ni Master kagabi na may darating na mga mortal rito kaya inaasahan ko na alam na nila ang dapat gawin.
Sinadya iyon ni Riddle upang maging isang karanasan ito sa mga mortal at para na rin magabayan mo sila. At sinadya din ni Riddle na hindi ipaalam ito para mag silbing aral at inspirasyon ito sa kanila na ang mahika ay hindi madaling makuha kundi pinag iisipan at pinagtitiyagaan. Sabi naman ni Master Mind sa akin. Naku Master kung hindi lang maganda ang histura mo baka gawin kitang aso hahahaha.
Clue! Narinig namin yun! Sabay pa nilang sabi. Naku lagot! Nabasa pa nila ang sinabi ng utak ko.
Paumanhin Masters. Hindi na po mauulit. Tumango naman sila bilang pag sang ayon.
Kumusta na po pala ang paghahanap kina Master Mound at Master Gravity? At bakit po pala iba ang histura ninyo? Tanong ko sa kanila. Napansin ko kasi na hindi na naka suot ng puting damit at puting kapa si Master Riddle at hindi rin naka suot ng pulang damit at pulang kapa si Mind. Naka suot sila ngayon ng simpleng damit at pantalon silang dalawa.
Hindi pa rin namin nahahanap sina Mound at Gravity pero patuloy pa rin ako sa pakikipag telepathy sa kanila at kailangan namin na magpalit ng kasuotan upang iwas atensyon sa mga tao. Nandito kami sa isang lugar na kung tawagin ay Maynila. Pag balita nya.
Sya nga po pala dalawa na sa mga mortal ang nakapag patunay sa kanilang sarili para sa mga kuwintas. Yun ay ang dalawang mortal na kung tawagin nila ay Cedric at Xiara.
Salamat sa impormasyon Clue kung wala ka nang sasabihin ay mamahinga na kaming dalawa. Alagaan mo ang mga mortal at huwag mo silang pababayaan. Nagkakaintindihan ba tayo Clue? Sabi ni Master Mind habang nakatitig ng diretso sa akin.
Opo Master Mind, ako po ang bahala sa kanila. Tugon ko sabay yuko ng bahagya. Naglaho naman ang kanilang mukha sa salamin at bumalik na ito sa dati. Itinago ko na ulit ito sa bitak ng dingding at nagpasya nang tumungo sa aking sariling kuwarto upang magpahinga.
Mark's POV
Lumabas na kami ng aming kuwarto at nandoon na sa lamesa sina Xiara, Cedric, Bryce at Dianne. Nakuu kami na lang pala ang hinihintay! Pasensya na binigyan ko pa kasi yung mahal ko ng MarKisses ko eh hahahahaha.
BINABASA MO ANG
Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy)
FantasyNgayon na alam na ng magkakaibigan na sila ay nasa panganib, kailangan nilang mapigilan ang kasamaan at panganib na paparating. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanilang mga isipan at marami nang mga nasawi ngunit kailangan nilang harapin ito bago...