Bryce's POV
Dumilat ako at napansin ko na wala nang kahel na liwanag na lumukob sa akin kanina. Tinignan ko ang aking sarili at nagulat ako sa nasaksihan ko.
Nakasuot ako ng orange suit at may mga dragon patterns na tila design sa suit ko. Napansin ko rin tumayo din ang aking buhok at parang may glitters ito na kulay orange. Nakasuot naman ako ng kahel na pantalon at kumikinang pa ang tela nito. Ang pakpak ko naman naghahalong red at orange ang kulay at ito ay flame inspired. May suot naman akong boots na may parang may nakadikit na dragon stickers. Nice!
Wow Bryce, napaka astig ang iyong kasuotan! Manghang papuri ni Mark.
Salamat, nagpapasalamat din ako sa dragon flame dahil iginawad nya ang kapangyarihang aking minimithi. Pasasalamat ko.
Wow! So ang kapangyarihan mo pala ay apoy? Tanong ni Anne.
Oo ngunit ayon sa isang dragon ay ito daw ang pinakamalakas na elemento sa mundo ng mahika kaya hindi ito basta basta apoy lamang. Paliwanag ko sa kanila. Kagaya ko ay hindi rin sila makapaniwala sa narinig. Sadya naman talagang mahiwaga ang magic.
Guys sa tingin ko ay magpahinga na kayo masyado na kayong napagod. Hayaan ninyong tapusin ko ang laban na ito. Sabi ko sa kanilang lahat.
Sigurado ka bang kaya mo? Maari ka naman naming tulungan. Turan ni Anne.
Hindi Anne, marami na kayong nagamit na lakas at huwag kayong mag alala, makukuha natin ang codex. Paniniyak ko sa kanila.
Mukhang nadagdagan ang lipi ninyong may mga kapangyarihan. Ngunit tignan natin kung matatalo mo ako gamit iyang bago mong kapangyarihan. Biglang litaw ni Shaldem sa harapan naming lahat at nagmamayabang nyang sabi. Bigla tuloy nagbago ang aking ekspresyon at tila nag iinit ang aking loob. Kailangan na naming matalo sya upang makuha na namin ang codex na kailangan namin.
Kung gayon ay lasapin mo ito. Flame Ball! Lumikha ako ng isang malaking apoy at itinama kay Shadow ngunit agad din syang naglaho ngunit kakaiba ang pagtingin ko sa kanyang paglaho dahil nakikita ko ang usok nya at pumunta sya sa dingding at nagpalipat lipat sa mga emeralds. Paano ko kaya nakikita yun samantalang ang iba di naman nakita ang paraan talaga ng paglalaho nya.
Sapagkat isa din yan sa kapangyarihan mo. Dahil ang apoy at usok ay magkaugnay kaya nakikita mo ang paraan ng kanyang paglalaho. Tugon ng isang tinig na nagmumula sa aking isip. Nagulat ako sa tinig nya ngunit nakuha ko ang punto nya. Parang may pagkakatulad sya sa kasabihang " When there is fire, there is smoke". Kaya agad akong nagsambit ng isang spell.
Smoke Detect! May tila gas na lumabas sa aking kamay at hinayaan ko ito na lumabas sa aking palad at napukaw ang aking atensyon sa isang emerald na kumikinang ngunit may bahid ng kahel ito kahit pa na berde ito. Kaya naman agad kong tinamaan ito at nakakapang gulat dahil nasira ito at dumaing si Shaldem sa sakit kaya napalitaw sya at bumagsak sa sahig
Wow Bryce, mukhang malakas ang kapangyarihan mo dahil hindi nahigop ng emeralds ang kapangyarihan mo at kaya mo rin itong sirain. Puna ni Cedric. Ibang klase ka talaga Dragon Flame! Ngayon ay matatalo ko na talaga sya.
Sumuko ka na Shaldem, hindi ko na nais na may masaktan pa kaya ibigay mo na lang sa amin ang Emerald Cape. Hindi mo na magagamit ang kakayahan mong magtago sa mga emeralds. Sabi ko kay Shaldem ngunit sa halip na sumuko ay natawa lamang ito ng bahagya.
Sa tingin mo ba susuko ako ng ganun ganun lang? At sa tingin mo ba yun lang ang kakayahan ko? Nagkakamali ka Bryce dahil hindi mo pa nakikita ang pinakamalakas kong sandata. Pananakot nito sa akin. Medyo kinabahan ako sa sinambit nya pero nagpakatatag ako.
BINABASA MO ANG
Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy)
FantasiNgayon na alam na ng magkakaibigan na sila ay nasa panganib, kailangan nilang mapigilan ang kasamaan at panganib na paparating. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanilang mga isipan at marami nang mga nasawi ngunit kailangan nilang harapin ito bago...