Riddle's POV
Nandito kami pa rin sa parke kung saan nagpapahinga kami ni Mind mula sa pamimili ng damit sa Mall. Maya maya pa ay may nararamdaman akong may tumatawag sa akin.
Mind lumayo muna tayo rito. May natawag sa akin. Sabi ko sa kanya at dinala naman ako ni Mind sa madilim na bahagi ng parte ng parke at pinalitaw ko ang tumatawag sa akin. Nakita ko naman ang pigura ni Clue. Si Clue lang naman ang itinalaga ko bilang tagapagbantay ng Riddle World.
Kumusta ang mga mortal? Ayos lang ba sila? Tanong ko.
Mabuti lang po ang lagay nila Master Riddle kaya lang po ay nagtataka ako kung bakit sila ang inyong napili na maging tagapangalaga ng kuwintas di hamak na mortal lamang sila. Tugon ni Clue. Nagulat naman ako sa sinabi na panghuhusga ni Clue kaya agad ko syang pinagsabihan.
Clue! Oo maaring mga mortal sila ngunit wala kang karapatan na husgahan mo sila. Malaki ang tiwala ko sa kanila dahil alam kong kahit wala silang karanasan sa mahika ay nasisiguro ko na makukuha nila ang mga codex. Malakas na sabi ko. Aba hindi dapat husgahan ni Clue ang mga mortal dahil pinagkakatiwalaan ko sila ng lubos at alam kong kaya nila iyon.
Ngunit bakit hindi po ninyo sinabi ang tungkol sa akin at maging sa mapa at kuwintas? Tanong ni Clue at batid kong isa rin ito sa pinagtataka nya. Sasagutin ko sana pero sumingit si Mind.
Sinadya iyon ni Riddle upang maging isang karanasan ito sa mga mortal at para na rin magabayan mo sila. At sinadya din ni Riddle na hindi ipaalam ito para mag silbing aral at inspirasyon ito sa kanila na ang mahika ay hindi madaling makuha kundi pinag iisipan at pinagtitiyagaan. Aba! Eh yun yung sasabihin ko eh. Binasa nya na agad ang utak ko! Natawa na lang si Mind sa reaksyon ko. Napalingon agad si Mind kay Clue kaya lumingon din agad ako. Nabasa ko na kung hindi lang gwapo si Mind ay gagawin nya itong aso. Hmppp! Ang lakas naman ng loob nitong sabihan si Mind ng ganoon!
Clue! Narinig namin yun! Sabay pa naming sabi. Nagulat na naman ako sa nangyari naming pagkakasabay ng pagsasalita.
Paumanhin Masters. Hindi na po mauulit. Tumango naman kami bilang pag sang ayon.
Kumusta na po pala ang paghahanap kina Master Mound at Master Gravity? At bakit po pala iba ang histura ninyo? Tanong nya sa amin. Hindi pa pala namin nahahanap si Mound at Gravity.
Hindi pa rin namin nahahanap sina Mound at Gravity pero patuloy pa rin ako sa pakikipag telepathy sa kanila at kailangan namin na magpalit ng kasuotan upang iwas atensyon sa mga tao. Nandito kami sa isang lugar na kung tawagin ay Maynila. Pag balita ko.
Sya nga po pala dalawa na sa mga mortal ang nakapag patunay sa kanilang sarili para sa mga kuwintas. Yun ay ang dalawang mortal na kung tawagin nila ay Cedric at Xiara. Mabuti naman at na unleash na ng dalawang mortal ang kanilang kapangyarihan. Mainam ito dahil kakailanganin na ng kanilang grupo ang kapangyarihan dahil marami silang pagdadaanan na pagsubok sa Riddle World.
Salamat sa impormasyon Clue kung wala ka nang sasabihin ay mamahinga na kaming dalawa. Alagaan mo ang mga mortal at huwag mo silang pababayaan. Nagkakaintindihan ba tayo Clue? Sabi ni Mind habang nakatitig ng diretso kay Clue.
Opo Master Mind, ako po ang bahala sa kanila. Pagkatapos nito ay nagpaalam na sya sa amin at bumalik na kami sa upuan kung saan kami nakaupo kanina.
Mind nagatataka ka ba kung paano tayo na contact ni Clue dahil nasa Riddle World sya samantalang nasa Mortal World tayo. Inunahan ko na si Mind sa pagsasalita at nagtagumpay naman ako na gulatin sya. Akala nya sya lang marunong bumasa ng isip. Ako rin kaya noh.
Inunahan mo na naman ako Riddle eh. Himutok ni Mind.
Inunahan mo rin kaya ako kanina. Dapat ako ang magpapaliwanag kay Clue pero inunahan mo ako. Sabi ko sa kanya. Nagbago naman ang histura ni Mind na tila tuta na naman ang mata.
Patawarin mo na ako oh. Kung alam ko lang kung paano humingi ng tawad dito sinabi ko na. Paumanhin ni Mind. Hindi ko mapigilan na matawa sa histura ni Mind dahil sadyang ang kisig kisig nito. May tawag dito ang mga tao eh ano nga ba iyon??
Bakit ka naman natatawa ka sa akin? Nguso ni Mind sa akin.
Wala lang, ang "Cute" mo kasing tignan. Hahahaha. Tugon ko sa kanya habang natawa. Naalala ko na ang salitang cute. Yun ang bagay na deskripsyon pag ganito ang mukha niya.
Mukhang maganda ang salitang yan ah, pero alam mo rin ba ang salita kapag nanghihingi ng paumanhin? Tanong nya.
Sorry ang salitang ginagamit kapag humihingi ng tawad. At isa pa, di mo kailangang humingi ng tawad. Sabi ko sa kanya.
Pero "sorry" pa rin talaga ah. Sana patawarin mo ako. Sambit nya. Ba yan Mind, wala ka namang ginawang masama eh. Hayy naku.
Huwag kang humingi ng tawad. Hindi mo kailangang gawin yun. Nagkakaintindihan? Sabi ko sa kanya. Tumango naman ito kaagad bilang pagsang ayon.
Riddle paano na natin mahahanap sina Mound at Gravity? May kakayahan ba tayo para matukoy ang lugar nila? Tanong ni Mind sa akin habang nakangiti. Alam nyo hindi ko talaga alam kung nagmamaang maangan si Mind o talagang hindi nya alam. Kasi alam nya naman kung paano eh.
Alam mo Mind, sadya ba talagang hindi mo alam o gusto mo lang ako kulitin? Medyo naiirita kong tanong sa kanya. Pero tuloy pa rin ito sa pagngiti sa akin.
Eh mas maganda kapag ikaw ang nagsasalita. Kaya sige na sabihin mo na kung paano. Tugon nya at patuloy pa rin sa pagngiti. Hindi ko rin mapigilan na ngumiti dahil ang cute nyang ngumiti.
Hayy naku Mind. Heto maari natin gamitin ang ating kapangyarihan upang matukoy natin ang enerhiya nila. Maaring nagbalat kayo sila pero hindi pa rin nawawala ang taglay nilang kapangyarihan. Paliwanag ko sa kanya.
Kaya simulan na natin Riddle ang paghahanap sa kanila.
Ginamit ko ang aking kakayahan upang matukoy kung nasaan sila samantalang si Mind ay hinawakan ang magkabilang sentido upang i focus ang isip sa paghahanap sa kanila. Maya maya ay biglang nagsalita si Mind.
Riddle may nararamdaman akong enerhiya pero negatibo. Mukhang may ibang nilalang sa paligid. Sabi ni Mind sa akin. Naramdaman din iyon ng aking kapangyarihan kaya medyo kinabahan ako. Kakaunti na lang ang mga tao kaya panigurado ako na nasa paligid lang ito.
Ano na ang gagawin natin Riddle? Kaba nitong tanong sa isip ko.
Maglakad na tayo palayo rito. Sagot ko sa kanyang isipan.
Tumayo na kaming dalawa at paalis na kami sa parke nang may biglang mabilis na tumusok kay Mind.
Aghhhh! Sumigaw si Mind ng dahil sa sakit. Inalalayan ko naman si Mind mula sa pagkakabagsak at nakita ko sa likod nya at dahilan ng pagkakabagsak nya.
Shadow Arrow.

BINABASA MO ANG
Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy)
FantasyNgayon na alam na ng magkakaibigan na sila ay nasa panganib, kailangan nilang mapigilan ang kasamaan at panganib na paparating. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanilang mga isipan at marami nang mga nasawi ngunit kailangan nilang harapin ito bago...