Anne's POV
Hindi kami agad nakapagsalita sa pagpapakilala nya lalo na ako. Dahil ang dami kong tanong at palaisipan sa isip ko.
Unang una, hindi ko aaklain na ang pinuno ng mga kuwago ay isa ring tao na may tila owl costume na may maskara pa. Ang mata nya ay tila kuwago, bilugan ngunit hindi naman nanlilisik.
Pangalawa, ang boses nya ay kahalintulad nung boses na nagsabi sa amin na hindi namin mapapasok ang Owl Wing Forest hangga't may araw pa. Hindi ko rin alam kung bakit ganito ang lugar nila.
At panghuli, kung sya nga ang kumausap sa amin kanina ay malamang sya rin ay gumawa ng spell na sobrang ikinatalsik namin. Pero sa laki nyang iyan ay nagawa nya kaming patalsikin lahat. Hindi talaga ako makapaniwala.
Lahat ng mga iniisip nyo tungkol sa akin ay totoo. Ako ang kumausap sa inyo kanina at ako rin ang gumawa ng Airway para paalisin sa gubat kanina. Sabi ni Owlria. Ang galing naman ng pinuno na ito. Marunong ding magbasa ng isip ng sinuman.
Tama ka Anne, may kapangyarihan akong magbasa ng isip ng sinuman. Kaya wala kayong maitatago sa akin. Gulat naman ako nang bigla namang nagsalita ulit itong si Owlria. Hayyy sige na kayo na marunong magbasa ng isip.
Bakit mo ba kami ipinatawag dito at ano ba ang kailangan mo sa amin? Matapang na sabi ni Mark.
Ipinatawag ko kayo dahil alam ko ang balak ninyo, nais nyong tumawid sa aking gubat upang makapunta sa Emerald Cave at kunin ang codex. Ngunit mayroon kayong dapat lagpasan. Paliwanag nito. At ano naman kaya ang lalagpasan namin?
Ang pinuno ng mga kuwago, kailangan ninyong matalo ito sa isang laban. Ako iyon at wala nang iba. Matapang na na sabi nito.
Tinatanggap ko ang hamon mo, lalabanan kita ng mag isa. Matapang na tugon ni Mark. Nagulat naman ako sa tinuran ni Mark kaya naman agad ko syang hinawkan sa braso.
Mark, hindi mo sya kakayanin. Nakita mo naman kung gaano sya kalakas kanina diba? Takot kong sabi sa kanya. Humarap naman ito sa akin at tila nagtampo. Mark hindi ito panahon para magpacute ka sa akin!
Mako naman eh, akala ko pa naman i checheer mo ako. Huwag ka pong paghinaan ng loob. Support mo naman ako oh. Sabi nito na tila nagpapacute sa harapan ko. Hindi ko naman maiwasan na mamula kahit nag aalala ako sa kanya. Mark kasi ehh sobrang cute eh.
Mark natatakot lang ako, hindi natin lubusang alam ang kanyang kakayahan. Baka matalo ka nya. Nag aalalang sabi ko sa kanya. Hinawakan nya naman ang kamay ko at pinisil ng bahagya.
Mako basta't nasa tabi kita, hindi ako susuko. Trust me this time okay? Sabi ulit nya na tila asong nagmamakaawa. Nanlambot naman ako at pumayag na ako sa nais nya kahit natatakot ako. Naniniwala akong kaya ng mahal ko yan.
Handa na ako Owlria, simulan na natin ito. Sabi ni Mark kay Owlria na nananatiling kalmado at tila chill lang.
Binibigyan kita ng pagkakataon na gisingin ang iyong mga kasama. Labanan ninyo akong tatlo habang ako ay mag isa lamang. Sabi ni Owlria. Bakit nya naman naisip iyon? Dapat nga ay matuwa sya dahil si Mark na lang ang natitirang may malay pero bakit nya pinagigising ang mga maaring tumalo sa kanya dahil sa dami nila?
Hindi nag aksaya si Mark na lumikha ng munting agos ng tubig sa kanyang palad at binuhos ito sa mga mukha nilang dalawa. Agad naman na nagising ang dalawa at tila nagtataka kung ano ang nangyari. Ipinaliwanag sa kanila ni Mark ang lahat.
Maya maya pa ay sabay sabay nilang sinabi na sila'y handa na.
Kung ganoon, simulan na ang laban. Mga mortal, magsitabi muna kayo. Bantayan mo sila aking alagad. Malakas na sabi ni Owlria at yumuko ang kuwago na kausap namin kanina at tinipon kaming tatlo at pinatabi sa isang gilid. Sumunod na lang kami pero naramdaman ko na hinila ako ni Mark at napayakap ako sa kanya. Niyakap nya rin ako ng sobrang higpit.
Mahal ko, pwede po bang magrequest? Maamong tingin nya sa akin na nakakatunaw talaga. Kapag ganito tumingin si Mark eh mas lalo akong naiinlove.
Ano po yun Mark? Tanong ko sa kanya.
Pwedeng isang good luck kiss naman po dyan? Sabi nya habang nangungusap ang kanyang mga mata. Shems! Tumatalon na yung puso ko sa sobrang kilig. Pero makakatanggi ba ako kay Mark?
Pumayag ako sa gusto nya at ngiting ngiti naman sya. Nilapit ko ang mukha ko at binigyan sya ng halik pero peck lang hahahaha. Ngumuso tuloy si Mark sa ginawa ko.
Mako kiss sabi ko eh, di peck. Tampo na ako. Ngusong sabi nya. Natatawa naman ako sa histura nito. Paalis na sana ito nang hinila ko sya at hinalikan ng sobrang diin. Ginantihan din nya ako ng halik na sobrang lalim.
Hmmm ano masaya ka na? Tanong ko sa kanya. Tumawa naman ito sa akin at niyakap ako.
Sobrang saya ko Mako, akala ko talaga di mo ako hahalikan eh. Hayaan mo, para SAYO ang laban na ito. Sambit nito at kumindat pa. Yieeeeee gusto kong magpapadyak sa kilig pero nakakahiya sa mga kasama ko. Kiniss ako sa noo bago sya tuluyang umalis. Sumama na rin ako sa kuwago kasama nina Bryce at Dianne.
Nasa gitna na sila na tila bilog na lupa. Nakaabang sina Mark para ihanda ang kanilang mga atake pero si Owlria ay nananatiling kalmado. Bakit ba sobrang chillax to?
Binibigyan ko kayo ng pagkakataon upang maunang umatake. Sambit ni Owlria. Naunang umatake si Cedric.
Logic Wave! May mga nilabas syang makislap na energy beam at tinira niya ito kay Owlria.
Wing Blast! Hinampas ng kanyang braso ang energy beam paliko at sa gulat ko ay nagtagumpay nga sya. Paano nya nagawa yun?! Maski si Cedric ay di rin makapaniwala. Tapos ay biglang tumingin si Owlria na may ibig sabihin. Bakit naman ganun sya makatingin?
Tignan natin kung maliko mo pa ito. Ivy Wrap! Sinambit iyon ni Xiara at may lumabas mula sa ilalim ng lupa na malaking green vine at handa na itong puluputin si Owlria.
Aeroslice! Isang bigwas lamang ng kanyang braso ay nahiwa nya ito ng pira piraso. Napanganga na naman ako sa ginawa nya. Ang lakas bess. Humarap ulit sya sa akin at umangat ng kaunti ang bibig nya na tila ngiti pero konting ngiti lang.
Water Bolt! Sambit naman ng mahal na mahal kong si Mark at kinilig pa ako dahil pagkatapos nyang itira ay kinindatan pa ako at nag salita ng I Love You ngunit sa labi lamang kumbaga lip talk.
Air Slash! Ginamit nya na ang dalawang kamay at ikinampay nya ang tila costume na kapang pakpak at may lumabas na mga razor na hangin at nahiwa ang Water Bolt. Humarap sya sa akin. Hindi ko alam pero bakit kakaiba ang tingin na ito kaysa kanina. Parang may selos something.
Yun na ba yun mga Mortal?! Huh! Airway!! Ikinampay nya ang dalawang pakpak na kapa nya at lumabas ang malakas na hangin
Ahhhh! Tumilapon silang lahat at dumausdos sa lupa. Tumingin naman ako kay Owlria at nagulat ako nang kinausap nya ako.
Yan na ba ang pinagmamalaki mong mortal? Huh?! Mahina sya Anne, mahina sya. Sambit nya sa aking isipan.
Sino ba ang tinutukoy mong mortal? Naguguluhan kong tanong sa kanya.
Edi sino pa ba, yung taong mahal mo! Malakas nyang sabi sa akin pero hindi naman galit. Hindi pa rin sila makatayo sa lakas ng impact ng Airway.
Ano bang problema mo sa kanya? Tanong ko ulit sa isip nya. At nagulat ako sa tinuran nya
Dahil mahal nya yung taong mahal ko rin, at ikaw yun! Mahal kita Mortal, at nais kong ikaw ang maging kabiyak ko upang mamuno sa Owl Wing Forest.
BINABASA MO ANG
Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy)
FantasiNgayon na alam na ng magkakaibigan na sila ay nasa panganib, kailangan nilang mapigilan ang kasamaan at panganib na paparating. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanilang mga isipan at marami nang mga nasawi ngunit kailangan nilang harapin ito bago...