RWC 28: Breakfast Affection

12 0 0
                                    

Riddle's POV

Nagising ako ng may biglang akong naamoy na sariwang samyo ng bulaklak. Agad akong nagising at nakita ko na galing iyon sa rosas na nasa paso na syang hawak ni Mound.

Mound, hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nagbabago. Malimit mo pa rin akong akitin sa mga bulaklak. Si Mound, dahil na rin sa kakayahan nya sa lupa ay nakakalikha sya ng pinakamayamang at masustansyang lupa na kapag ito'y itinanim mo ng kahit anong binhi ay bubunga ito ng pagkaganda ganda.



Mabuti pa sa mga bulaklak nya naakit ka. Sabi ni Mind na may tinig na nagtatampo. Ano naman kaya ang problema nito?


Ang aga aga aking kaibigan, nagpapacute ka kay Riddle. Halika na nga at kumain na tayo. Nakahanda na ang almusal. Paanyaya ni Mound. Nagsalita naman si Mind sa isip ko.


Riddle ano yung nagpapacute? Nagpapacute ba sayo? Inosenteng tanong nya. Pinipigilan kong hindi matawa sa kanyang tanong. Napaka inosente talaga ni Mind sa mga ganitong bagay. Pero hindi ako tatantanan nito hangga't di ko sinasagot.




Ibig sabihin nun nagpapaakit para mapansin sya ng isang babae. Tugon ko sa kanya.

Edi kung gayon ay naakit kita? Gumana ba yung pagpapacute ko? Sabi ni Mind na tila natutuwa sa isipan nya.

Oo, medyo nakakaakit. Ang kisig mo kasi eh. Bigla kong napagtanto ang mga sinabi ko. Hala nasabi ko kay Mind na guwapo sya! Nakuu poo. Mind naman kasi eh.



Hahaha di ko alam na nakikisigan ka sa akin, pero ayos lang yun kasi nagagandahan din ako sayo. Ang ganda mong diwata. Turan ni Mind sa aking isipan. Biglang namula ang aking pisngi sa tinuran nya. Ano ba itong nararamdaman ko? Parang natuwa ako sa sinabi nya.



Hay nako kayong dalawa, kakain ba kayo o maglalambingan lang kayo dyan? Nagulat kaming dalawa kaya napaharap kami kay Mound. Nakapalumbaba sya at tila naiinip. Hayyy nakalimutan ko na may kakayahan din sya sa isip gaya namin.


Huminto na kami sa aming pag uusap at sa pagkain lamang ang aking atensyon. Masarap ang mga pagkain na inihain nya. French Fries, Sinangag at Bacon. Kilala ko ang mga pagkain na ito dahil minsan ko nang natikman ito sa mga oras na namamalagi ako rito sa mundo ng mga tao.


Hmmm ang sarap nito Mound. Maraming salamat sa mga ito. Pasasalamat ko.

Syempre naman Riddle, eh paano yun ang request ni Mind. Nagulat ako sa tugon niya. Ha? Anong nirequest?


Sabi ko kasi sa kanya na kapag naghanda sya ng makakain ay gusto ko yung masasarapan si Riddle at yung tipong mabubusog sya. Nung una nga ay ayaw pero dahil sa pamimilit ko ay pumayag sya sa gusto ko basta tulungan ko daw sya sa pagluluto. Tugon ni Mind bago pa man ako makalingon at magtanong sa kanya. Wais talaga ito sa kanyang kapangyarihang taglay. Bihasang bihasa.


Hayy nako Riddle, ginamit nya lang ang kapangyarihan nya para matulungan nya ako pero di talaga sya nagluto ng mano mano. Pambubuska ni Mound. Tinitigan sya ni Mind at tumawa lang si Mound bilang reaksyon.


Okay lang yun Mind, gusto ko po ngang magpasalamat sayo dahil tinulungan mo si Mound sa pagluluto kahit sa pamamagitan lamang ng iyong mahika. Salamat ah. Sambit ko bilang pasasalamat. Nahiya naman si Mind at yumuko dahil sa pambubuska sa kanya ni Mound pero inangat ko ang ulo nito. Napatigil ako saglit dahil cute talaga sya. Guwapo at makisig. Kaya siguro ay pinagtitinginan sya ng mga babae kung saan kami napunta.


Huwag ka nang mahiya. Ayos lang iyon. Sabi ko sa kanya. Ngumiti naman ito ng bahagya at niyakap ako.

Salamat Riddle ah kasi nagustuhan mo. Sambit nya. Niyakap ko na lang sya pabalik pero tinutukso na kaming dalawa ni Mound kaya kumalas na ako. Ayokong isipin nya na gusto ko sya kasi hindi ko sya gusto. Hindi nga ba?


Sana ako naman ang magustuhan mo.



Sa di inaasahan ay may nasagap ang aking isip ngunit mahina lamang ang boses pero natitiyak ko na galing kay Mind yun. Gusto ko sana syang tanungin kung ano ang sinabi nya nang biglang lumitaw ang libro sa harapan ko. Biglang nagbago ang histura nina Mind at Mound na tila nag aalala.

Bumuklat ang libro at lumitaw ulit ang mga salita:

Oras na para maningil

Bugtong na Buhay, dapat nang makitil!

Mukhang ang susunod na biktima naman ng Bugtong Bugtong ang pupuntiryahin nito. Maya maya bumuklat ang mga pahina na ito na tila may hinahanap. Maya maya pa ay may bilog na enerhiya na lumabas at nagsimulang umalis.



Hindi ko hahayaan na makaalis ka. Soil Orb! Lumikha sya ng bolang gawa sa putik at buhangin at ibinato nya ito sa bilog na enerhiya ngunit tumalbog lamang ito at bumalik sa kanya.





Ahhhhh! Tumalsik sya sa pader at sinaklolohan sya agad ni Mind at nakita ko na ang bolang enerhiya ay tumagos sa pader at nagsimulang lumayo. Panigurado ako na pupuntang muli ito sa Riddle World para kumitil ng buhay. Kung sino man ang kanyang puntirya ay mag ingat ng mabuti at nawa ay gamitin nila ang kapangyarihan na aking iginawad sa kanila.






















Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon