RWC 51: Mystery Lullaby

18 0 0
                                    

Dianne's POV

Ngayon ay kailangan na nating matunton ang kinaroroonan ng Ruby Sword. Turan ko. Hindi naman sa nagmamadali kong sabi pero kailangan na kasi talaga naming makuha yun.

Tignan mo na Bryce sa mapa mo kung saan ang daan patungo roon. Pakiusap ni Xiara kay Bryce. Habang kinakausap sya nito ay tila nakatitig lamang ito sa kanya at hindi pinapakinggan ang sinasabi nito.

Bryce narinig mo ba ako?? Magmadali ka na at palubog na ang araw. Turan ni Xiara kay Bryce. Natauhan naman ito at agad na umayos ng ekspresyon.

Ahh oo eto na nga Xiara. Pasensya na kung natulala ako. Paumanhin ni Bryce kay Xiara.

Ano ba kasing nangyayari sa iyo at parang wala ka sa sarili mo? Tanong ni Xiara na tila naninibago sa ikinikilos nya.

Ikaw kasi ang ganda mo. Anas ni Bryce. What? Tama ba narinig ko? Sinabihan nyang maganda si Xiara?

Haa? Ulit na tanong nya.

Wala, mabuti pa tatanungin ko na ang mapa. Pang iwas nya. Mukhang nadudulas na si Bryce ah. Tingin ko bet na bet ni Bryce si Xiara. Kaya lang medyo mahihirapan sya ligawan ito. After all, hindi pa yata nakakamove on ito kay Francis.

Pagkaisip ko rito ay biglang bumalik ang mga alaala nila. Na mimiss ko na sila, na mimiss ko ang mga kaklase ko. Hindi ko akalain na aabot sa punto na kailangan pa naming pumunta sa Riddle World para mapuksa lamang si Shadow. Nang dahil sa kanya kaya nalason ang isipan ni Anne, sinamantala ang kanyang galit at hirap na natamo mula sa mga mapangabuso naming mga kaklase kaya nagawa niyang mapatay ito.

Kasalanan din namin ito, wala kaming nagawa upang tulungan sya. Hinayaan kaming maisahan ng aming mga kaklase.

Dianne tignan mo na ito, mukhang mahaba muli ang ating paglalakbay. Boses ni Bryce na nagbasag sa aking pagiisip isip. Lumapit na lamang ako sa mapa upang tignan ang daan.

Nakita ko ang apat na lugar na kung saan ito ang kailangan naming daanan para makuha ang Ruby Sword.

Unang una ko nakita ang isang malaking auditorium na nagngangalang Fluditorium. Hindi ko alam kung anong mayroon sa lugar na ito pero parang hindi naman sya nakakatakot.

Pangalawa naman ay parang isang kuweba na kung saan may mababaw na tubig sa labas ng kuweba. Tinatawag itong Sirenymph Cove. Hindi ko lang sure kung anong meron sa loob pero mukha namang maganda

Pangatlo naman ay ang isang maze na kung saan gawa sa kahoy ang mga dingding nito na may nakadikit na mga bulaklak dito. Ayon sa mapa, tinatawag itong Wood Maze. Actually hindi rin sya nakakatakot in fact na eexcite ako sa maze na iyan.

At ang panghuli naman isang malawak na lubak lubak ang lupa at walang kahit anong nakatayo rito. Ang tawag naman dito ay Shower Ruins. Dito ako nagtaka kung bakit shower ang tawag dito pero wala namang tubig o ulan? Mukhang isa itong palaisipan sa akin at malamang dito rin matatagpuan ang Ruby Sword.

Ngayong nakita na natin ang mga lugar na dapat nating daanan. Mabuti pa ay puntahan na natin agad ang Fluditorium. Sabi ni Bryce na sinangayunan naman naming dalawa ni Xiara. Inutusan na ni Bryce ang mapa ang direksyon patungo rito. Sumunod naman ang mapa at kami ay agad na lumipad upang matunton ito. Syempre binuhat ako ni Xiara wala pa kasi akong mga pakpak eh.

Someone's POV ( Riddle World)

Toooo... Toooo... Tooo...

Narito ako sa aking paboritong puno na aking sinasandalan at pinapatunog ko ang aking plawta habang papalubog ang araw. Kay gandang pagmasdan ang paglubog ng araw.

Hanggang sa tumigil ako sa pagtugtog ng aking plawta dahil sa pagod. Kailangan ko nang ipahinga ang aking sarili. Kaya napasandal ako sa punong ito.

Natuwa ako dahil sa musikang hatid ng aking plawta maging ang masdan muli ang paglubog ng araw ngunit ako pa rin ay hindi masaya. Hindi pa rin ako nasisiyahan sa mahiwaga kong buhay.

Maayos ang aking buhay dito sa Riddle World. Mayroon akong mahikang plawta, makisig ang aking histura, magagara ang aking mga damit, sagana sa pagkain at may marangyang tirahan na may mga tagasunod. Pero sinasabi ng aking puso na parang may kulang, na para bang may ninanais ako na hindi ko malaman kung ano.

Ano pa ba ang kulang sa buhay ko?? Yan ang lagi kong iniisip. Lagi naman akong tumutugtog ng aking plawta at lagi ko rin sinisilayan ang paglubog ng araw na kahit papaano nakakapag pagaan ng loob ko pero hindi talaga nakasasapat para maibsan ang nararamdaman kong kalungkutan.

Malapit na nga palang dumilim kaya agad na akong tumayo sa puno upang bumalik na sa aking tahanan. Malapit na ako sa aking tahanan ng makakita ako ng mga nilalang na may pakpak ang paparating sa aking tahanan. Agad akong nagtago sa malalaking puno upang alamin kung sino ang mga ito.

Dianne's POV

Pagkatapos ng ilang minutong paglipad, narating na namin ang Fluditorium. Actually maganda ang Fluditorium kahit na labas pa lang ang nakikita namin. Malaki at makintab ito. At talagang makikita mo na ang mga pintura na ang pattern ay mga nota at plawta. Siguro ay mahilig sa musika ang mga nakatira rito.

Hayy grabe Dianne ang bigat mo ah. Daing ni Xiara matapos nya akong ilapag.

Grabe sya oh, di naman ako mataba pero salamat ah dahil tinulungan mo ako. Pasasalamat ko sa kanya.

Mukhang ito na nga ang Fluditorium. Lapitan natin upang malaman natin kung sino ang mga naninirahan dito. Suhestiyon ko at agad din silang sumang ayon. Papunta na kami sa may malaking auditorium nang may biglang..

Tooottt.. Toooott... Tooottt....

Bigla kaming nakarinig ng tunog na galing sa isang plawta na para bang isang lullaby song ang dating. Nakaramdam ako ng pagkapagod at pagkaantok at hanggang sa bumagsak na nga ako at dumilim ang paligid.


Someone's POV

Gumana ang aking Sleeping spell sa kanila salamat sa mahiwaga kong plawta na nagbigay ng kakaibang tunog upang sila ay makatulog ng mahimbing.

Lumapit na ako sa kanilang tatlo at napansin ko na mukhang kakaiba kaysa sa mga nilalang dito at ngayon lang ako nakakita ng mga nilalang na may pakpak. At ang mas lalo ko pang ikinagulat ay isa sa kanila ay wala palang pakpak. Ano kayang mga nilalang ang mga ito?

Mga alagad, lumabas kayo ngayon din. Tawag ko sa aking mga tagasunod at lumabas naman ang mga alagad ko.


Sila ay inyong dalhin sa isang silid upang makapagpahinga. Utos ko sa kanila. Nagtaka naman ang lahat lalo na ang punong alagad.

Ngunit Pinuno, hindi ba't dapat silang ilagay sa ating maingay na kulungan? Tanong nito.


Hindi natin sila ilalagay roon dahil wala naman silang kasalanan. Pinatulog ko lamang sila dahil hindi ko sila kilala kaya natakot ako na may maari silang gawin sa aking tahanan. Paliwanag ko. Naniwala naman ang aking mga alagad kaya agad nilang punagtulung tulungang buhatin ang mga nilalang papunta sa isang silid tulugan.


Pumasok na rin ako sa aking tahanan at dumiretso na rin sa aking silid dulot ng pagod at pighati, dagdagan pa ng mga taong basta na lamang papasok sa iyong tahanan pero ko pa rin sila ikinulong. Ibig ko pang makilala kung sino sila at ano ang pakay nila.

Inilagay ko ang aking plawta sa tabi ng aking lampara na isa sa nagsisilbing liwanag sa aking silid. Humiga na ako sa aking kama upang maibsan ang aking pagod at agad na nakatulog.


























Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon