RWC 64: Rescue And Action

18 0 0
                                    

Cedric's POV

Ahhh!! Halos sabay sabay naming sigaw habang mabilis kaming dinadala sa baba dahil tinulak kami ni Clue. At naniniwala ako na hindi si Clue yun dahil bakit nya naman gagawin sa amin yun??

Guys kailangan nating lumipad! Bulalas ni Mark at sinusubukang ikampay ang kanyang mga pakpak pero mistulang hindi kumikilos ito. Ako man ay sinubukan ko pero wala talaga. Masyadong malakas ang motion namin pababa.

Paano na ngayon yan?? Nahihintakutang tugon ni Anne. Wala na akong ibang alam na paraan kung hindi ito.

Saklolo!! Tulungan nyo kami! Malakas kong bulyaw. Maya maya pa ay nakita ko na may mga nagtutukisang matataas na bato ang nasa baba. Kapag nagtuloy tuloy ito, maaring mahati ang aming mga katawan. Please sana hindi pa namin katapusan ito!..

Maya maya pa ay nakarinig ako ng isang malakas na bigwas na nagmumula sa itaas. Tinignan ko ito at nakita ko ang isang parang leon na may pakpak ng agila ang lumapit sa amin. Habang binibigwas nya ang kanyang pakpak ay parang tumatakbo rin ito sa hangin.

Mabilis itong lumapit sa akin at ginamit nya ang kanyang tuka upang makuha ako at inilagay sa likod nya. Sinunod naman nya sina Mark at Anne. Habang ako ay nakatulala sa Griffin na ito. Isang Griffin ang syang tumulong sa amin. Pero ang mga Griffins ay legendary crearures kaya nagulat ako na mayroon dito sa Riddle World ang katulad nya.

Bigla nya kaming inilipad pataas malayo sa mga nagtutulisang mga bato. Phew.. Mabuti na lang talaga ant may nagligtas sa amin kung hindi ay baka tsugi na kami ngayon.

Naramdaman ko na lang ang paglapag ng Griffin sa lupa kaya naman ay agad na akong bumaba habang inaaalayan ko sina Mark at Anne. Bakas pa rin sa kanila ang takot sa muntikan naming kamatayan.

Maraming salamat sa iyo! Kung hindi dahil sa iyo, baka patay na kami ngayon. Taimtim kong pasasalamat sa kanya habang hinhimas ko ang ulo nito. Wala naman itong reaksyon at tumingin na lamang ito sa paligid na parang may hinahanap.

Ano naman kaya ang hinahanap nya? Tanong naman ni Mark. Sinundan ko ang tingin nito at medyo naglakad ito at inaamoy amoy ang paligid.

Ang mabuti pa ay tulungan na lang natin sya. Suhestiyon nya. Tumango naman ang dalawa at sabay sabay kaming lumapit sa kanya.

Hinarap ko naman ito at tinanong. Ano ba ang hinahanap mo??

Yung nilalang na muntikan nang magpahamak sa iyo. Biglang sagot nito. Nagulantang naman ako sa biglaang pagsagot nito. Alam ko na maaring nakakapagsalita ang mga hayop dito pero sadyang nakakagulat pa din. Lalo pa't kaboses nya pa si...

Clue?! Natutunugan kita. Sa boses mo palang ay alam kong ikaw yan. Bigla kong sagot sa kanya. Tumingin naman ito ng seryoso sa akin pero hindi naman galit.

Hindi ito sumagot sa aking tanong bagkus ay nabalutan ang kanyang katawan ng maliwanag na puting enerhiya. Maya maya pa ay nawala ang hugis ng katawan ng griffin at pumalit rito ang isang pigura ng tao. At tama nga, si Clue nga!

Kumusta mga mortal o dapat ko bang sabihing mga diwata? Panimula nito sa amin.

Hindi pa naman kami lubos na diwata. Mga mortal pa rin kami na may kapangyarihan ng tulad sa diwata. Paliwanag ko.

Mabuti naman at nananatili ang inyong kababaang loob pero hindi iyan ang aking ibig isipin. Maari nyo bang sabihin kung sino ang tumulak sa inyo na halos ikasawi ninyo? Tanong nito habang nakatingin ng diretso sa aming mga mata.

Ahmm tinulak kami ng isang nilalang na nagbabalat kayo na ikaw Fairy Clue, at ito ang syang nagpahamak sa amin. Pero alam naming hindi ikaw yun. Maari may kumopya lang ng inyong wangis upang gawan kami ng masama. Hindi ko lang mawari kung ano at bakit. Mahaba kong salaysay sa kanya.

Kung ganoon ay nagpakita na naman sya... Maikli nitong bulong pero rinig pa rin namin. Nagtaka naman ako sa sinabi nya. Ang tinutukoy nya kaya ang syang tumulak sa amin?

May alam ka ba kung ano o sino iyon Clue? Tanong ni Mark habang akbay si Anne. Ito talagang Mark na ito sa kahit anong moment o scene eh may pa akbay o yakap na ganap. And to think na minsan nya rin akong pinagselosan ah.

Paumanhin pero di ko alam kung sino sya. Ang mabuti pa ay pumasok na tayo sa aking tirahan. Malalim na ang gabi baka kung ano pang mangyari. Tugon nito sabay lakad papunta sa loob ng bundok. Halata ko sa kanyang ekspresyon na may itinatago sya. Bakit naman kaya ayaw nyang sabihin yung nalalaman nya?

Pero hinayaan ko na lang at naglakad na rin papasok sa loob. Hindi ko na gustong usisain pa sya dahil baka mainis lang ito sa akin.

Narito na nga pala ang lunas na kailangan ni Riddle ngayon. Heto na ang bunga galing sa Eternitree. Bungad ko nang makapasok na kami sa makinang nyang tirahan. Tumingin lang ito sa akin na parang natutuwa ito pero hindi talaga sya nakangiti. Hindi ba nya kaya yun?

Salamat naman at nagtagumpay kayo sa pagkuha nito. Wika nito nang maibigay na ni Mark sa kanya ang prutas mula sa Eternitree.

Pero paano natin maidadala ito sa kinaroroonan nila? Tanong ni Mark kay Clue.

Maari kong dalhin ang bungang ito sa inyong mundo sa pamamagitan ng isang engkantasyon. Isang engkantasyon na maaring dalhin ako sa kinaroroonan nina Riddle. Pagtugon nya rito.

Sa paanong paraan? Tanong muli nya.

Alam nyo naman na si Master Riddle ang may hawak ng libro at nanggaling kaming lahat sa libro na iyon kaya naman dadalhin ko ang sarili ko sa mundo ninyo sa pamamagitan ng libro. Sa madaling salita, lalabas ako sa libro ni Master Riddle. Paliwanag muli nito. Naging panatag ang loob ko dahil hindi magtatagal ay gagaling na rin sya.

Kung gayon ay hayaan mong samahan ka namin. Alok ko sa kanya pero umiiling lamang ito.

Hindi kayo maaring sumama dahil si Riddle at ako lang may kakayahan nun. Tanging kaming dalawa lang ang maaring lumabas at pumasok sa Riddle World na hindi dumadaan sa lagusan. Mahabang paliwanag muli nito. Maaring yung tinahak naming bundok ang syang tinutukoy nyang lagusan na nasa isang puno ng balete. Hindi ko batid na kaya pala nila yun.

Kung ganoon ay good luck na lang sa iyo Clue. Pagbati ko na kang dito. Bigla namang nagtaka ang kanyang mga mata.

Tila hindi ko maunawaan ang iyong salita. Anong ibig sabihin ng katagang iyon? Tanong naman nito. Nakalimutan ko nga pala na hindi pala sya sanay sa salita ng nga tao.

Ahh ang ibig kong sabihin ay mag ingat ka at nawa ay maibigay mo yan sa kanya. Tugon ko sa kanya. Nawala na ang bahid ng taka sa kanyang mata.

Ang mabuti pa ay dapat sundan niyo na ang kinaroroonan ng iyong mga kaibigan. Suhestiyon nito.

Pero Clue, malalim na ang gabi. Delikado na upang kami ay maglakbay. Isa pa, hindi namin alam kung nasaan ang Fluditorium. Pagtanggi ko.

Huwag kayong mangamba dadalhin ko kayo roon. Ihanda nyo na lang inyong sarili. Sagot naman nito. Mabuti naman at mag teteleport kami. Akala ko ay lilipad kami papunta roon eh. Madilim na kaya.

Naglapit na kami tas biglang nagsalita ng engkantasyon si Clue.

Teleporsio Fluditorium!

Maya maya pa ay naramdaman ko na naglaho na kami at papunta na kami sa Fluditorium












Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon