Third person's POV
Sa tulong ng mahika ni Mark at dahon na ibinigay sa kanya ng Twin Flowers ay nakabalik na nga sa dating wisyo ang kanyang mga kaibigan. Lahat sila ay nagtataka kung paano sila nakalabas. Ngunit isinalasay naman ni Mark ang lahat ng nangyari, kasama ang pagiging siraulo nila.
Nahiya na natatawa ang iba sa inilahad na salaysay ni Mark at tila ba hindi sila makapaniwala sa kanilang mga inasal. Pero lahat naman ay nagpasalamat sa kanya dahil sa lakas at tapang nito. Mas lalo pang humanga si Anne sa kanyang kasintahan.
Napansin nilang lahat na mag gagabi na kaya napag desisyunan nilang magpahinga sa isang malawak na damuhan. Nagsipag upo na silang lahat at kitang kita sa kanila ang pagkahapo.
Clue's POV
Nakakaramdam ako ng kakaibang sensasyon sa aking katawan. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Tila may tumatawag sa akin. Kaya pinalitaw ko gamit ang aking mahika upang makita ang tumatawag sakin.
Nakita ko si Riddle, hindi maayos ang kanyang histura. Madumi ang kanyang kasuotan at parang nag iisa lamang sya. Nagkapagtataka naman.
Master Riddle, ano ang nangyari sa inyo? Bakit ganyan ang inyong kalagayan? Pag aalala kong tanong.
Kailangan mong pigilan si Shadow. Batid kong nariyan na sya paakyat ng bundok at bubuksan nya ang portal. Nais kong labanan mo ang kanyang mahika. Hindi maaring makapasok sya sa mundo ninyo. Tugon ni Master Riddle na bakas sa kanya ang pag aalala at takot. Ako ay nagulat sa kanyang balita. Hindi maaring makapasok ang sorserang iyon, tiyak na pakay nyang kuhanin ang iba pang codex na kinukuha ngayon ng mga mortal.
Nasaan ang iba pang mga sorsero Master? Bakit hindi nyo sila kasama?? Tanong ko sa kanila. Ano kaya ang nangyari sa iba ko pang mga Masters?
Hindi sumagot si Riddle ay bagkus ay iniharap nito ang tatlo pang mga sorsero. Lahat sila ay tila nakakulong sa kulungan na may mga nakabantay na mga Shadow creatures. Ibig sabihin nakakulong silang apat.
Sandali, alam ko ang lugar na ito. Ito ang...
Naramdaman ko na unti unting nagbubukas ang portal na nagmumula sa mundo ng mga tao. Nagulantang ako nang maramdaman ko iyon. Nandito man pero abot ito ng aking kapangyarihan.
Clue, huwag mo na kaming alalahanin. Pigilan mo si Shadow sa abot ng iyong makakaya. Pigilan mo sya sa masama nyang balak. Hindi ko mapapatawad ang aking sarili kapag nagtagumpay syang mabuksan ang Gate of Oblivion!
Yun na lamang ang huling sinabi ni Master Riddle at kasabay noon ay mawala na ang connection namin. Hindi na ako nag aksaya ng panahon ay nagpalit ako ng anyo bilang isang agila at kaagad na lumipad papunta sa portal.
Nasa panganib ang mga sorsero maging ang Riddle World. Matindi man ang pagnanais kong matulungan sila, pero kailangan ko munang pigilan si Shadow.
Nang makarating ako dito ay bukas na ang portal. Kaya naman agad akong nagsambit ng spell para isara ito.
Baleteris Riddlesa Closessa!
Sa pamamagitan ng spell na iyon ay na manage ko na unti unting isara ang portal ngunit agad ko ding naramdaman na may itim na mahika na binubuksan ang portal. Napapantayan ko naman ang lakas nya kaya patuloy ako sa pagpapanatili ng aking mahika.
Ilang sandali ay bigla kong naramdaman na parang dumoble ang kapangyarihan na lumalaban sa aking mahika. Malakas ito pero hindi negatibong enerhiya. Ito ay malakas na positibong enerhiya ngunit paano naman magkakaroon si Shadow ng mahikang ganon?
Ahhh!! Nanghihina na ako! Kailangan kong..... Patatagin... Ahhh.. Dumadaing na ako dahil mas malakas na ang kalaban ko at dahil dito, matagumpay nyang naiwaksi ang kapangyarihan ko na sapat upang matumba ako sa aking kinatatayuan.
Patawarin mo ako Master Riddle, mas malakas ang kanyang kapangyarihan. Hindi ko sya napigilan.
At gaya nga ng inaasahan, iniluwa ng portal ang masamang sorsera. Galak na galak itong pinagmasdan ang Riddle World na tila ba ay kanya nang pagmamay ari. Tumingin naman ito sa akin na umiilaw ang kanyang lilang mata at nakangisi ito.
Ikaw pala ang humahadlang sa pagbukas ko ng portal. Mahusay ang iyong pagsubok na pigilan ako pero di hamak na mas malakas ang taglay kong lakas diwata. Unang pahayag nito sa akin na may tonong pang iinsulto.
Hindi kita hahayaan na magtagumpay Shadow! Ang mga sorsero at sorsera pa rin ang mananaig. Buong lakas kong sabi sa kanya. Nagbago ang kanyang ekspresyon sa aking sinabi at biglang humalakhak.
Hahahahaha. Ang mga sorserong pinagmamalaki mo ay nakakulong kung saan sila nababagay. Hindi nila ako napigilan sapagkat taglay ko ang makapangyarihang libro at ang mga codex na hawak nila! Ipinakita nito ang dalawang codex kasama ang bitbit nitong libro.
Hindi maari!! Naagaw nya ang Bugtong Bugtong!
Kaya naman pala lubhang malakas ang kanyang mahika, dahil hawak nya ang libro.
Mukha nasisindak ka na sa aking ipinamalas. Basang basa ko ang iyong isip diwata. Pambubuska nito sa akin. Hindi ko man matanggap pero totoo ang kanyang tinuran.
Hindi ka magtatagumpay sa iyong balak hanggat hindi mo ako matatalo. Akma akong magpapalit ng anyo pero..
Shadow Shock! Nagpakawala ito ng boltahe ng itim na mahika na syang nagpatigil sa aking pagpapalit anyo at paggalaw ng aking katawan.
Arghhh! Gusto ko man iangat ang aking katawan pero pinipigilan ako ng enerhiya ng boltaheng iyon.
Hindi ako makapapayag na magiging hadlang ka sa aking mga plano kaya dahil sa iyong pagmamalaki ay ikaw ay parurusahan ko!
Shadow Chains! Nagsambit sya ng isang spell at may mga lumabas na tila mga maitim na galamay na pumulupot sa akin at hinila ako..
Ahhhhhh!! Huli kong nasabi bago ako nito tuluyang mahila papasok sa kanyang mga palad.
Bryce's POV
Bryce! Bryce!
Nakarinig ako ng boses sa aking isip. Boses ito ng aking Inner Dragon.
Ano ang nais mong sabihin Inner Dragon? Tanong ko sa aking isipan.
Nakakaramdam ako ng negatibong enerhiya sa Riddle World. Hindi maganda ang daloy ng enerhiya, tila ba may masamang aura sa paligid. Madiin na bulong ni Inner Dragon. Ano naman kaya ang tinutukoy niya? Bigla akong nagkaroon ng pangamba sa aking puso.
Alam mo ba kung ano ito? May mangyayari ba sa aming masama? Tanong ko sa kanya.
Hindi ako nakatitiyak pero isa lang ang alam ko, malapit na syang magtagumpay at kayo ang kukumpleto sa kanyang balak kapag nagtagumpay syang makuha ang nais sa inyo. Pagbibigay pangitain ni Inner Dragon. Hindi ko sya maintindihan sa kami ang kukumpleto, target nya ba kami o ang..
Of course! Ang mga Codex! Isa lang alam kong sorserang may malaking pagnanais na makuha yun.
Batid ko na kung sino ang tinutukoy mo Inner Dragon at kung bakit kami ang kukumpleto, pero ano sa tingin mo ang dapat naming gawin?
Tapusin nyo na ang huling misyon Bryce, kunin nyo na ang huling codex. Pagkatapos, ihanda nyo ang inyong sarili sapagkat mapapalban kayo sa masamang elemento. Panukala ni Inner Dragon. Nakakatuwa na meron akong katulad ni Inner Dragon, bukod sa malaking tulong ay mabuti pang magbigay ng payo.
Salamat Inner Dragon, maasahan ka talaga. Pasasalamat ko. Nag iwan lang ito ng mainit na enerhiya bilang tugon.
BINABASA MO ANG
Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy)
FantasyNgayon na alam na ng magkakaibigan na sila ay nasa panganib, kailangan nilang mapigilan ang kasamaan at panganib na paparating. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanilang mga isipan at marami nang mga nasawi ngunit kailangan nilang harapin ito bago...