RWC 38: I'm Sorry

12 0 0
                                    

Riddle's POV

Nakapila ako ngayon at medyo naiinip ako dahil masyadong mahaba ang pila. Jusko nagugutom na ako at kailangan ko ng kumain para man lang mawala ang sama ng loob ko kay Mind.

At isa pa ay mukhang natagalan sila. Ano naman kayang pinag uusapan nila? Sana man lang ay pinagsabihan ni Mound si Mind para mapagtanto nya na mali ang kanyang desisyon na sumama sa isang taong di kilala.

Pero bakit ganoon? Parang hindi lang galit nararamdaman ko. Parang may selos something pero ayoko namang mag assume at isa pa hindi naman ako gusto ni Mind.

Ms Riddle, kayo na po ang susunod sa pila. Biglang sabi ng isang babae. Lumingon ako sa kanya upang humarap sa counter ngunit nakita ko na malayo pa ako roon ngunit nagbibigay daan sya. Ngunit hindi lang pala sya. Lahat ng tao na nasa pila ay nagbigay ng daan upang ako ay mapakpunta sa counter.

Ngunit bakit ninyo ito ginagawa? Hindi naman makatarungan ito. Kayo ang mga nauna kaya marapat lamang na kayo ang unang makakuha ng pagkain. Paliwanag ko. Parang may kakaiba talaga sa kanila.

Ngunit huwag na kayong tumanggi Ms Riddle. Hayaan mong bigyan ka namin ng daan at pribilehiyo upang maunang makakain. Sambit ng isang ginang. Nakangiti naman ito sa akin at dahil na rin sa sinabi nila at nagugutom na ako, pumayag akong dumaan at pinasalamatan ko sila isa isa. Ngayon ay nasa harap na ako ng counter upang pumili ng makakain. Magsasalita sana ako ngunit nauna na ang cashier.

Alam ko na po ang inyong order Ms Riddle. Isa pong Big Mac na may kasamang pineapple juice, isa rin pong large fries at dalawang order ng Mcnuggets. At huwag nyo na pong intindihin ang bayad dahil mayroon nang magbabayad para sa inyo. Nakangiting tugon ng clerk at medyo kumislap ang kanyang mata. Hindi ko alam pero bakit konektado ang pagkislap ng kanyang mga mata. Na weweird na talaga ako sa mga pangyayari.

Maya maya pa ay dumating na ang aking order at akmang kukunin ko na ito ngunit bigla pang nagsalita ang cashier.

Waiter, kunin mo ang kanyang order. Ayaw daw nyang pagbuhatin si Ms Riddle kaya kunin mo na ito. Utos nya rito at lumapit agad ang isang lalakeng waiter at kinuha ang aking gamit. Nagpasalamat naman ako sa kanya at sa cashier.

Dito po tayo Ms. Riddle. Paggiya sa akin ng waiter. Nagtataka rin ako kung paano nila nlaaman ang aking ngalan kahit ngayon pa lang kami magkakilala. Napakaweird indeed. Samantalang yung ibang customer ay parang normal lang na kumakain at ang iba ay nakatingin sa akin. Pero bakit yung mga nakapila may kakaiba sa kanila. Parang nagbago ang ihip ng hangin.

Hinatid ako sa isang lamesa na kung saan may nakita akong isang papel na tila isang sulat. Kinuha ko muna ito bago ilapag ang aking pagkain.

Ano na naman kaya ito at ano naman kaya ang nilalaman ng liham na ito? Tanong ko sa aking sarili habang binbuksan ko ang papel. At ito ang tumambad sa aking mga mata....


Mahal kong Riddle,

Alam kong malaki ang galit mo sa akin Riddle pero tama lang na magalit ka kasi hindi kita sinunod sa ipinagbilin mo. Patawarin mo sana ako kung ikaw ay aking sinuway at nawa ay mahanap mo sa iyong puso ang iyong kapatawaran

Nagmamahal ng lubos,

Mind

Halo halong emosyon ang aking madarama ngayon. Hindi ko lang mawari kung postibo o negatibo ito. Maya maya pa ay may lumapit sa akin at may tangan syang bulaklak na sobrang pamilyar ang amoy.

Riddle alam kong nagkamali ako at nagsisisi ako kaya sana tanggapin mo ito para na rin makabawi ako. Sabi nya sabay abot mg bulaklak. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba ito o hindi dahil sa sobrang gulat.

Ikaw ba ang dahilan kung bakit kakaiba ang ikinikilos ng mga tao ngayon? Usisa ko sa kanya ngunit na sa halip na sya ang sumagot ay sumulpot naman si Mound sa likod nito.

Oo Riddle, ginamit ni Mind ang kapangyarihan nya upang pagsilbihan ka. Heto kasi ang naisip nyang paraan para makabawi sayo at humingi din sya ng mga bulaklak na paborito mo. Sagot ni Mound. Mukhang nag tandem ang dalawa ah.

Hindi ko alam kung dapat ako matuwa Mound, hindi pa rin talaga ako nakakalimot sa mga pangyayari. Malumanay kong tugon. Nakita ko na napayuko si Mind dahil akala nya na bigo sya sa paghingi ng tawad sa akin. Hindi ko alam kung bakit may tumusok sa aking puso nang gawin nya iyon. Parang nasaktan ako.

Mabuti pa kumain na muna tayo. Mungkahi ni Mound at inaya sya sa tabi nito ngunit pinili nya na umupo sa tabi ko at nagulat ako nang bigla nya akong yakapin.

Riddle, I'm Sorry.. Nagulat ako sa sinabi nya. Paano nya nalaman ang salitang iyon?

Tinuro ko sa kanya iyon Riddle. Sagot sa isip ko ni Mound. Napasulyap ako at nag iwan ng isang makahulugang ngiti. Dapat ko na bang patawarin si Mind?

Riddle Sorry na po, ipinapangako ko na hindi ko na uulitin ito. I'm Sorry Riddle, I'm Sorry. Pagpapatuloy na paghingi ng tawad ni Mind sa akin.

Sa tingin ko ay maari ko na syang patawarin. Isa pa, ramdam ko sa salita nya ang sinseridad at tagos sa puso ang sinasabi niya. Kaya handa na akong patawarin sya.

Mind pinapatawad na kita. Sagot ko sa kanya. Humarap sya sa akin at nagpakawala ng isang matamis na ngiti at niyakap muli ako at this time gumanti na rin ako.

Salamat Riddle! Pangako di na talaga ito mauulit. Pasasalamat nito.

Sige na hayaan mo na yun. Mabuti pa kumain ka na alam kong napagod kang kontrolin ang mga tao kaya kumain ka na. Paanyaya ko sa kanya.

Ayos lang iyon Riddle kung ikaw naman ang dahilan kahit gaano pa yan kahirap, gagawin ko basta para sa diwatang katulad mo. Matamis na tugon nito. Suss binola pa ako ni Mind, pero infairness at maeffort talaga si Mind. Yun din ang dahilan kung bakit ko din sya pinatawad agad.

Yieee kinikilig ang isang sorcerer dyan! Pambubuska ni Mound pero sa halip na mainis ako ay nakaramdam ako ng mabilis na pagtibok ng puso. Eh paano ba naman nakakakilig ang mga sinambit ni Mind eh.

Kinuha ko na lang ang isang Big Mac at kinagat ito dahil gutom na gutom na talaga ako sabay inom ng aking pineapple juice. Sina Mind at Mound ay kasalakuyang kausap ang isang babaeng waiter upang manghingi ng order.

Ilang sandali pa ay tila bigla akong nahilo. Dumodoble ang aking paningin at tila kakaibang antok ang aking nadarama. Dahil nahilo ako ay naibagsak ko tuloy ang baso ng pineapple juice at nahulog sa sahig na nakakuha ng atensyon sa kanilang dalawa.

Riddle! Anong nangyayari sa iyo? Nag aalalang tanong ni Mind. Malapit na talaga akong mawalan ng malay at ang aking huling nakita ay ang babaeng waiter na nakangisi sa akin bago tuluyang magdilim ang paligid.

















Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon