RWC 36: I Am Shaldem

14 0 0
                                    

Bryce's POV

Nagmulat ako ng aking mata at tanging berde ang aking nakikita sa aking paligid. Kinusot ko ang aking mata upang mas lalo ko itong maaninag. Tama ba itong nakikita ko?

Nasa loob ako ng Emerald?? Gulat kong tanong sa sarili ko. Hindi ko alam kung paano ako napunta basta ang pagkakaalam ko ay may humila lang sa aming dalawa ni Dianne at nawalan ako ng malay.

Sinubukan kong hampasin ang emerald pero tila matibay at sobrang tigas nito kaya napasapo ako agad ng kamay. I can't believe it! Kahit emerald sya pero kasing kapal sya ng Diamond!

Maya maya pa ay tila lumiwanag ng bahagya ang emerald at bigla ko nakita ang nasa labas. Nakita ko na may nakahilera rin na emerald sa kanan at kaliwa ko. Dalawa sa kaliwa at tatlo sa kanan. Hindi ko naman makita kung sino ang mga ito. Ang tangi ko lang nakikita ang outer structure ng emerald.

Pakawalan nyo ako dito! Kung sino ka man, pakawalan mo na kami! Sigaw ko sa loob pero tila ako lamang ang nakakarinig.

Ilang saglit ay lumiwanag din ang mga ibang emerald at nakita ko sina Mark at Anne sa kaliwa at habang sina Xiara, Cedric at Dianne ay nasa kanan. Agad akong lumapit sa kanan at sumigaw.

Guyss ayos lang ba kayo?? Tanong ko sa kanila. Sumasagot sina Cedric, Xiara at Dianne pero di ko sila marinig.

Mark at Anne naririnig nyo ba ako?? Lipat ko naman sa kabila pero tanging pagtaas at pagbaba lamang ng bibig ang aking nakikita. Bakit di ko sila marinig at bakit di nila ako marinig? Paano kami magkakaintindihan nito?

Mabuti naman at gising na kayo mga mortal. Nagustuhan nyo ba ang inyong makikinang na silid? Biglang umalingawngaw ang kanyang boses sa kuweba. Nagulantang ako ng marinig ko iyon kaya agad akong sumigaw.

Kung naririnig mo ako, magpakita ka! Huwag kang duwag! Alam kong naririto ka lang, humarap ka sa amin ngayon din! Buong tapang ko sabi.

HAHAHAHA! halakhak nito ng malakas at biglang nagsipagbagsakan ang mga emeralds na nakadikit sa kisame ng kuweba at nagsipagbagsakan pero himala na di ito nasisira.

Nakakatawa ka Mortal, ikaw na nga itong bihag ko. Ikaw pa ang may lakas ng loob ang sigawan ang isang tulad ko. Pagtugon nya na tila nag eecho lang sa kuweba.

Sino ka ba? Ano ba ang kailangan mo sa amin? Tanong ko sa kanya. Maya maya ay bigla syang lumitaw sa harapan naming lahat.

Isa syang babae na tila ang katawan nya ay emerald. Parang emerald na korteng tao ang histura. As in lahat ng parte ng katawan nya ay purong emerald. Mayroong 7 emerald shards na nakapatong paikot sa kanyang ulo at ang kanyang dibdib ay may diamond shaped na emerald. Ang kanyang mga daliri ay may singsing ang bawat isa na may batong emerald. Mayroon din syang hawak na scepter na may emerald na bilog na nakapatong dito at nagliliwanag ito.

Isa isa nya kaming tinignan at isa isa nya kaming pinakawalan ng isang ngisi.

Ako lang naman si Shaldem, ang tagapagbantay ng isa sa mga Codex dito sa Emerald Cave. At tama kayo ng iniisip, ako ang may dahilan kung bakit kayo nandyan at nakakulong at huwag na kayong magtatangka na kumawala dyan dahil hindi iyan basta ordinaryong emerald. Pakilala nito sa aming lahat.

Mukhang hindi kayo tagarito, sino ba kayo at saang lugar ba kayo nananahan? Usisa nito sa amin.

Mga mortal kami Shaldem at taga mortal world kami. Sagot ko sa kanya. Nagulat sya sa nalaman nya.

Ngunit bakit suot ninyo ang mga kuwintas na iyan? Saan ninyo nakuha ang mga iyan at ano ang kailangan ninyo sa aking tahanan? Sunod sunod nyang tanong. Nagsalita naman si Cedric at sya ang sumagot sa mga tanong ni Shaldem. Hindi ko man marinig ngunit alam kong alam nya kung ano ang kanyang sinasabi.

Hmmm kailangan nyo pala ang kasangkapan na aking binabantayan na syang may kakayahan upang mabuksan ang Gate Of Oblivion at inutusan din kayo ng mga sorsero na sina Mind at Riddle na sya ring nagbigay ng mga kuwintas upang maging sandata ninyo, pero hindi ako nakukumbinsi, kailangang patunayan nyo sa akin na karapat dapat kayo para sa codex na nasa aking pangangalaga. Sambit nya at tila tumatanggi na ibigay ang codex sa amin. Sinagot siya ni Xiara at sana makumbinsi nya si Shaldem na ibigay ang codex sa amin.

Isa lang ang paraan, kailangan ninyo akong matalo sa isang laban. At kapag natalo ninyo ako, ipinapangako ko sa inyo na ibibigay ko sa inyo ang emerald cape. Pero kapag natalo ko kayo, sisiguraduhin ko na makukulong kayo dyan habang buhay. Kondisyon nito. Naku po, may magaganap na naman na isang laban ngunit kung ito lamang ang paraan, handa akong sumoporta sa kanila.

Kaya mga mortal, pumapayag ba kayo? Tanong nito sa amin. Nagtinginan ang bawat isa sa amin at tumango ako bilang pagsang ayon sa gagawin nila. Kaya sinagot ko sya.

Oo pumapayag na kaming lahat, basta siguraduhin mo lang na tutuparin mo ang pangako mo. Pagsang ayon ko. Kumislap ang mga emerald eyes nito na tila natutuwa.

Kung gayon, dapat maganda ang ating lugar na ating paglalabanan. Pagkatapos nyang magsalita ay itinaas nya ang kanyang scepter at lumiwanag ang bilog na emerald dito. Nasilaw kami kaya napatakip kaming lahat ng mata.

Pagmulat ko ay nakita ko na lumitaw kaming lahat sa isang malawak na parte ng kuweba pero parang wala namang pinagbago, may mga emeralds na nakadikit dito. Ang pinagkaiba lamang ay malawak ito na para syang isang battlefield. Ewan ko rin sa mga ito, lagi silang may naka ready na battlefield.

Dito magaganap ang laban at hindi nyo na kailangang sabihin kung sino ang mga lalaban sa inyo dahil alam ko naman kung sino lamang ang mga makakalaban sa akin at yun ang mga mayroong kapangyarihan. Kaya kayong dalawa.. Itinutok nya ang scepter sa aming dalawa ni Dianne at dinala nya kami sa isang gilid at may beam na lumabas sa kanya at bigla na lamang kami napapalibutan ng mga emeralds. Para silang nag swiswirl na walang tigil na umiikot sa amin. Sinubukan king hawakan pero may kung anong force field na humarang sa akin.


Hindi kayo makakawala dyan, dahil naglagay ako ng force field dyan para kung sakali na gusto nyong pumuslit at kunin ang Emerald Cape. Paniniguro nya. Grabe naman toh, di naman namin gagawin yun. Ang judgmental nito ni Shaldem.

At kayo kung ako sa inyo ay magtrasform na kayo. Biglang harap ni Shaldem sa kanila. Isa ito sa ipinagtataka ko, paano nya kami nakikita eh di naman namin sya makita kanina? Ano kayang klaseng mahika ang mayroon sya at bakit hindi sya nadetect ng Analyzer ni Cedric.

Magic Wing Arise! Sumigaw na silang apat at lumiwanag ang kanilang mga kuwintas at nagtransform na sila. Nainggit tuloy ako sa kanila. Kailan kaya ipagkakaloob ng kahel na kuwintas ang aking kapangyarihan at ano kaya ito?

Simulan na natin ang laban guys. Lipad mga kasama. Pamumuno ni Mark sa kanila at lumipad naman sila paitaas. Unang tumira sina Cedric at Anne.

Logic Wave!

Dazzling Spiral!

Papalapit na ang enerhiya kay Shaldem ng itaas nito ang kanyang scepter at kasabay nun ay tumama ang dalawang enerhiya pero tila walang nangyari kay Shaldem at ngumisi man lang ito sa kanila.

What? Hindi man lang sya natamaan? Gulat na bulalas ni Xiara.

Subukan naman natin Xiara. Sabi ni Mark at naghanda na sila sa pag atake.

Hydro Sphere!

Dancing Leaves!

Nagsanib pwersa ang kanilang kapangyarihan at papalapit na ang kanilang enerhiya nang itaas nyang kanyang scepter at tumama muli ito doon pero ilang saglit ay parang wala na namang ulit nangyari. Bakit walang epekto ang kanilang mga kapangyarihan?

Yun na ba yun mga mortal? Huh! Ngayon tikman nyong muli ang inyong mga kapangyarihan. At mula sa kanyang scepter ay biglang lumabas ang apat na enerhiya na itinama nila kay Shaldem. Nagulat sila ngunit agad ding nakagawa nang mga shields ang bawat isa.

Kung gayon ay may kakayahan ang kanyang scepter na maabsorb ang ating mga kapangyarihan. Mukhang kailangan natin itong pagplanuhan ng maayos. Turan ni Cedric. Kaya nyo yan Guys! Nananalig kami sa inyo, matatalo nyo rin sya.




















Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon