Unang Pagkikita

35.6K 318 7
                                    

Matapos ang ilang buwang pakikibaka ko sa stress at idagdag mo pa ang ilang linggong puno ng sleepless nights, sa wakas bakasyon na rin namin! Matagal ko ring hinintay ang season na 'to dahil gusto ko namang marelax mula sa madugong pag-aaral. Sabik na sabik na nga akong magpahinga at mag-unwind eh. Yun bang wala akong poproblemahing mga assignments, projects o research papers. Yung tipong hindi na rin ako magsasawa sa mukha ng mga professors ko na hindi naman lahat mababait at pasensyoso (at lagi pang nakasimangot!).

"Nak nakahanda na ba lahat ng gamit mo? Wala ka na bang nakalimutan dyan? Ilang minuto na lang at aalis na tayo. Excited na akong umuwi ng Pampanga. Dalian mo ang kilos ha, ayokong madelayed tayo".

Nakakaloka talaga 'tong si mama. Alam nya namang kagabi pa lang eh abala na ako sa pag-aayos ng gamit. Mabagal kasi ako kumilos kaya naisip kong mag-ayos na agad kagabi para naman kinabukasan eh ready to go na ako.

Halatang-halata sa kilos l, pananalita at mindset ni Mama ang excitement. Actually sya talaga ang nakaisip ng lahat ng ito. From the expenses down to schedules inasikaso nya. Approximately 12 years na rin kasi mula nang lumuwas kami ng Maynila kaya ganito na lang ang paghahanda ni Mama sa muli naming pag-uwi. Kamusta na kaya ang mga kamag-anak namin? Buhay pa kaya 'yung mga alaga kong bulaklak? Doon pa rin kaya nakatira yung mga kalaro ko? Excited na akong masagot lahat nang 'yan!

"Ikaw naman Ma! Naka-ready na po lahat kagabi pa. Alam ko naman pong babatukan nyo ako kapag on the spot akong kumilos. I love you ma! Hahaha"

Ako nga pala si Louise Amber Lopez. 19 years old at 2nd year Masscom student sa UP Diliman. Loveless since birth huhuhu. Sa looks, okay naman ako eh. Hindi ako manang manamit at hindi rin kikay. Sa talino, average lang din. Paminsan-minsan nakakauno pero hindi pa naman ako nakakatikim ng tres and below. Dalawa lang kaming magkapatid. Parehong girl. My mom's an accountant kaya magaling syang magmanage when it comes to expenses at home and work while my dad's a journalist kaya sa kanya ako natuto ng maraming bagay about medias, journalism and lahat ng related dito. Sa kanya ako nainspire na maging media practitioner in the future.

Nakasakay na kami ngayon sa bus. Katabi ko syempre si Mama na kausap sa phone ang tito ko (which is nasa Pampanga) at sa kabilang side naman namin nakaupo sina papa at si ate. Dalawahan lang kasi ang seat. Buti nalang din at hindi airconditioned ang bus na 'to dahil madali akong mahilo at masuka. Hindi talaga ako sanay bumiyahe.

Napansin kong siksikan sa loob ng bus. Sabi ng operator eh last na byahe na ito ngayong araw kaya maraming mas pinili nalang na makisabay kahit na no choice sila kundi tumayo lang. Medyo kulob at talagang nakakahilo ang umiikot na hangin sa bus kaya naisipan kong tumingin nalang sa labas ng bintana para hindi masuka. Wala rin kasi akong magawa eh. Hindi ko rin naman maintindihan yung movie na nasa TV. Ayoko ring gamitin yung cellphone ko dahil baka malowbat pa.

"Talaga ate? Kasama mo si Amber ngayon? Buti naman at napapayag mo syang sumama! Excited na akong makita siya"

Bigla akong napalingon kay Mama nun na kausap pa rin si tito sa phone. Weird.

Bakit naman ata ako natanong ni Tito? Ah, baka miss nya na ako. Sa isip ko, nakaramdam ako ng kilig. Naiimagine ko yung mukha ni Tito.. siguro sobrang gwapo na nya. Habulin na rin siguro siya ng mga babae. Chinito kasi tapos matangkad at tama lang ang hubog ng katawan. Yan lang yung huli kong naaalala sa kanya since bata pa ako nung huli kaming tumira sa probinsya.

Patuloy pa rin ang tawanan nila ni Mama. Naconscious tuloy ako bigla. Naglabas ako ng salamin mula sa bag ko. Chineck ko kung okay lang ba ang hitsura ko. "Okay naman pala". Nang satisfied na ako eh itinago ko na yung salamin. Baka mahalata pa ni mama na nagpapaganda ako kay Tito.

Ay shit. Anong nagpapaganda kay Tito, Amber? Erase that thought. Ano bang pake ko kung panget man ako sa paningin ni Tito? Tito ko naman sya diba.

4 hours na ang nakalipas.

Naramdaman ko na ang pagkalabit sa akin ni mama. Nakatulog pala ako sa pag-iisip kay Tito.

Pagkababa namin ng bus, naghintay muna kami ng 20 mins. Susunduin raw kami ni Lolo. Medyo nahilo ako kaya kumain muna ako ng snacks at uminom ng tubig. Buti pala at may dala akong bottled water.

"Amber, napaghahalataan ka namang gutom nyan. Hahahahahaha! Easy lang baby girl"

"Ate naman! Palibhasa kasi baboy ka na kaya di mo na kailangan kumain ng marami hahahahahaha "

"Baboy ka dyan? Ang sexy ko kaya. Ikaw nga dyan yung baboy eh. Kita mo oh, ang lakas mo kumain. Diet kasi ako no. Omg kaya walang lalaking nagtatangkang manligaw sayo eh. Umayos ka kasi Amber hahaha "

Ang sakit talaga magsalita ng ate ko. Ay teka. Mataba ba talaga ako? Naconscious ulit ako sa hitsura ko. Paano kung makita ako ni Tito na ganito? Edi di na nya ako magugustuhan? No way! Ayokong maturn off siya sakin.

Pero ughh. Wala nga sabi akong pake diba? Mabuti nga tong mataba para di ako mapansin ni tito mamaya. Duh, gaya nga ng sabi ko, Tito ko naman sya.

Dumating na rin sa wakas yung van. Halatang medyo luma na 'yon dahil medyo faded na ang kulay. Plus, may mga cracks sa bintana at may mga kalawang na rin. Pagkahinto, biglang lumabas ang isang napakagwapong nilalang. Hihimatayin yata ako sa kilig! Bakit ba kasi sya ngumiti. At yung abs. Fuck naman! Bakat na bakat sa t-shirt nya. Walang duda, si Tito nga yun!

Napalingon sya bigla sakin. Nakaramdam ako ng pangangatog ng tuhod. Feeling ko hinihigop nya ako sa mga titig nyang iyon. Yung hilo ko nawala bigla!

"I guess ikaw na yan Amber! Long time no see pamangkin"

Oh my goodness. Tinawag nya ako! Gusto kong magsalita kaso napipi na ata ako sa sobrang kabog ng dibdib ko. Ayan na sya! Lumalapit na sya sakin. Mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Nanlalamig na rin ang buong katawan ko sa kaba at excitement.

"Walang duda at ikaw na nga yan! Finally nagkita na rin ulit tayo sa wakas Amber!"

At niyakap nya ako ng sobrang higpit. God! Instant surprise ba 'to?

Love beyond bloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon