Nakabalik na ulit kami dito sa Pampanga. Kanina pa ako iyak nang iyak dahil sa kahihiyang nangyari sa debut ni Georgianne.
"Ssh tahan na Amber. I'm sorry kasalanan ko kung bakit nangyari sayo yun. Wag ka mag-alala ako nalang ang mag-eexplain kina tito at tita. Please? Wag ka nang umiyak"
Ilang saglit pa tumahan na ako. Maliit na bagay lang naman yun. Tsaka 'di ko naman kasalanan. Yung fiancee ni Georgianne ang dapat sisihin. Hayyy nakakainis! Hindi ko sya dapat pinag-aaksayahan ng luha.
"Napaaga yata uwi nyong dalawa? Akala ko dun kayo matutulog... anong nangyari?" pahikab na tanong ni mama. Alas dos palang kasi ng madaling-araw. Nagising yata namin sya sa lakas ng iyak ko kanina.
"Ma? Pwede po bang bukas nalang natin pag-usapan kung bakit? Inaantok na po kami. Tsaka matulog ka na rin po. Sorry po sa abala"
Nagyakapan muna kaming tatlo bago matulog.
KINABUKASAN, halos mamanhid yung buong ulo ko sa sobrang sakit. Pinilit kong tumayo para uminom ng gamot.
"Good morning Amber! teka, ayos ka lang ba?" worried na tanong ni tito.
"Okay lang ako tito. Medyo masakit lang yung ulo ko. O-ouch!"
Kumuha sya ng gamot at isang basong tubig. Hindi maalis sa mukha nya ang pag-aalala. Bigla akong natawa dahil para syang constipated.
"Bat ka naman tumatawa dyan? Akala ko ba masakit ulo mo?"
"Tito naman kasi. Para kang constipated dahil sa itsura ng mukha mo. Sakit lang 'to ng ulo, don't worry. Malayo sa bituka"
At naghagikgikan kaming dalawa.
Nung hapon na, naisipan naming puntahan ang secret tambayan ni Tito.
"Tito, paano kung may kamag-anak ka na magkagusto sayo... a-anong gagawin mo?"
Tanong ko sa kanya out of nowhere.Napaisip sya saglit.
"Syempre normal reaction eh matutuwa. Pero kung serious confession talaga, sasabihin kong kalimutan nya nalang yung feelings niya para sakin. Kasi unang-una, magkadugo kami. At ikalawa, bawal sa angkan natin ang incest. Kahit naman sa ibang pamilya, pinagbabawal talaga 'yun"
Na-down ako bigla sa sagot ni tito. Ouch na ouch.
"Paanong bawal sa angkan natin ang incest? Like oo nga bawal naman talaga yun by any means. May mas deeper explanation pa ba?"
"Actually meron eh. Bakit mo nga pala natanong? don't tell me may gusto ka sakin? Hahahahahahaha"
"Paano kung oo?"
Tinitigan ko sya nang mata sa mata. Biglang sumeryoso ang mukha nya.
"Patay tayo dyan!"

BINABASA MO ANG
Love beyond blood
RomansThey say love knows no boundaries and I firmly contend that. Not until nakilala ko ang taong babali ng paniniwala ko sa magulo pero masayang mundo ng pag-ibig. Tunghayan ang kuwento ko na nagmahal, nasaktan, at nagmahal muli higit pa sa nararapat. ...