Blame

2.3K 28 3
                                    

AMBER'S POV

"Hindi totoo yang sinasabi mo! Hindi ko kayang pumatay ng tao lalo na't tinuring ko pa siyang kaibigan"

Tama naman talaga ang sinasabi ko. Hindi ko nga alam na patay na si Carla so paanong ako ang pumatay? 

"Tanga ka ba o nagtatanga-tangahan ka lang? Hindi mo alam? Sigurado ka? Eh hindi ba't kasama ni Carla si Anderson t  ang tangina niyang kapatid nung nangyari ang pamamaril? Ibig sabihin nandun ka rin sa pinangyarihan. Kung parehong nabaril si Caarla at Jared nung oras na yon, dalawa ang rason. Ikaw o yang syota mo ang mamamatay tao"

Naguguluhan ako sa mga sinasabi ng lalaking 'to. Oo alam kong patay na si Jared. Yun lang. Hindi ko talaga alam na nandun si Carla sa pinangyarihan. Anong gagawin ni Carla sa school ko? Buntis pa man din siya at dis oras na ng gabi. Teka lang nalilito talaga ako.

"Utang na loob naman ho. Wala talaga akong alam sa sinasabi mo. Ang alam ko lang patay na si Jared dahil may bumaril sa kanya habang may isa pang di kilalang tao ang nadamay. Iyon lang ang impormasyon na ibinigay sa amin ng mga pulis. Wala talaga akong alam sa mga ibiniintang mo!"

May mga pulis na nagsidatingan kaya napatigil ang lalaki sa pagwawala niya.

"Tama ang sinasabi ni Ms. Amber. Wala ho siya sa pinangyarihan ng krimen. Ngayon lang po naman naberipika na suicide ang ginawa ni Mr. Jared kaya siya namatay. Base din sa imbestigasyon namin ay si Jared mismo ang may dala ng baril at siya ang pumatay kay Ms. Carla"

Natahimik ang lahat sa sinabi ng head chief ng mga pulis. Lumingon sa akin ang boyfriend ni Carla at kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagsusumamo. Napabuntung-hininga ako ng malalim. Sobra din akong nalulungkot sa nangyari kina Jared at Carla. Pero kasi ngayong alam ko na ang totoo, mas nangibabaw ang galit kaysa awa. 

"Sir, alam niyo rin po ba ang dahilan kung anong ginagawa ni Carla sa pinangyarihan ng krimen? Nagtataka lang ho ako kasi buntis yun eh. At isa pa hindi niya alam ang school ko. Paano siya napunta doon at bakit siya binaril ni Jared?"

Umiling lang ang pulis. "Iyon ang patuloy pa naming inaalam. Sa ngayon, hinihintay muna naming gumaling si Mr. Anderson dahil malaki ang maitutulong niya sa kaso. Sa kanya nakasalalay ang katotohanan since wala namang ibang witness na nakakita sa krimen"

Tumango-tango ako at pinasadahan ko ng tingin si Anderson. Gising na siya pero tulala pa din. Nakatingin siya sa akin at tumulo ang luha sa kanang mata niya.

Love beyond bloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon