Dinala ako ni Anderson sa isang mamahaling restaurant sa loob pa rin ng resort. Nung una nag-alangan pa ako kung doon ko gustong kumain or what.
"Mukhang mahal mga pagkain diyan B. Busog pa naman ako eh. 'Wag na tayong kumain diyan. Please? Ikaw na kasi ang gumastos sa lahat ng expenses. Nakakahiya sayo. Baka isipin mo gold digger ako" nahihiya kong sabi. As usual, tinawanan na naman niya ako. Parang ang saya niya ngayon ah!
"Sa akin ka pa nahiya? Hahahaha, No. You shouldn't feel that way. Me and You. We are in a relationship now. I'm the boy so dapat ako ang umako sa gastos sa expenses. Please wag ka nang magworry, B. I already planned this. Gusto kong mag-enjoy ka ngayon at sa mga susunod pang araw" Nagmake face ako.
"Yeah I know, I know. Kahit hindi mo man ako dalhin sa ganito alam mo namang masaya ako diba? Masyado mang cliche pero makita lang kita at makausap, knowing you're with me, ako na ang pinakamasayang babae sa mundo. I love you!"
Isang malakas na slow clap ang narinig ko sa likod ko. Napatingin ako sa direksyon niya at naguluhan kung bakit niya ginawa 'yon. Tinignan ko si Anderson. Nakakunot ang noo niya at galit na galit.
"How sweet! Siya na ba ang ipinalit mo sakin? Ha Anderson?" Nagpalipat lipat ang tingin ng babae sa aming dalawa ni Anderson.
"Carla anong ginagawa mo dito?!"
Lumapit yung Carla sa kinatatayuan namin. Siya pala 'yung minahal ni Anderson.
"Well, I guess it's a coincidence" tinitigan ako ni Carla mula ulo hanggang paa. She looked pissed and..... bitchy.
Mariin akong napalunok ng laway. Aaminin ko, naiinsecure ako kay Carla ngayon. Kaya naman pala siya nagustuhan ni Jared at ni Anderson. She's a goddamn goddess. Kung pagtatabihin kami eh baka magmukha akong kinayod na paa. Sht. Mahimbing siguro tulog ko nung nagpasabog ang Diyos ng kagandahan!
"I hoped so, Carla. Well, aalis na kami. Let's go, Amber" hinawakan niya ako sa kamay at akmang aalis na sana nang biglang tumakbo si Carla papunta kay Anderson at.... at hinalikan niya ito.
BINABASA MO ANG
Love beyond blood
RomanceThey say love knows no boundaries and I firmly contend that. Not until nakilala ko ang taong babali ng paniniwala ko sa magulo pero masayang mundo ng pag-ibig. Tunghayan ang kuwento ko na nagmahal, nasaktan, at nagmahal muli higit pa sa nararapat. ...