AMBER'S POV
Nag-uunahan sa pagpatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Pinapatawad na kita Carla...." bulong ko sa hangin.
Kahit na alam ko na ang lahat ng nangyari, iba pa rin pala kapag nalaman mo na ang side ni Carla. All this time akala ko sobrang sama niya. Akala ko plinano niya lahat. Maling-mali pala ako.
"Ugh sht"
Kahit na anong pigil ko iyak pa din ako ng iyak. Oo guilty ako. Guilty ako kasi nang dahil sa akin may dalawang inosenteng tao ang nadamay. Magkakaroon na sana siya ng masayang pamilya. Pero damn! Anong nangyari :(
Nakarinig ako ng creek ng pinto. Yung nurse.
"Miss, hinahanap ka po ng pasyente"
Agad kong tinupi ang letter at tumakbo na sa room ni Anderson.
Pagdating ko sa loob, isang masiglang ngiti ang bumati sa akin. Si Anderson. Masaya siya. Napaluha na naman ako.
"B-bakit ka u-umiiyak B"
Nang marinig kong tinawag niya akong B, mas lalong lumakas ang iyak ko. Para akong musmos na batang inagawan ng kendi. Napapasinok na nga ako eh. Sa wakas magaling na siya.
Lumapit ako sa kama niya at niyakap siya ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit.
"Ta-tahan na B" hinahaplos haplos niya ang likod ko. I don't mind kung nababasa na ng mga luha ko ang damit niya. Sobrang saya ko lang talaga ngayon.
Ilang sandali pa, tumigil na rin ako sa pag-iyak. Humarap ako sa kanya at hinawakan ko ang mukha niya. Hindi na siya namumutla gaya nang dati. Rosy cheeks na nga eh hihihi. He is looking at me too.
"B, natutuwa ako kasi magaling ka na. I've missed you so much" I kissed his lips gently.
"I love you B" he replied and kissed me back.
Sabi nga nila, there's always a rainbow after the rain. I already found one....
BINABASA MO ANG
Love beyond blood
RomanceThey say love knows no boundaries and I firmly contend that. Not until nakilala ko ang taong babali ng paniniwala ko sa magulo pero masayang mundo ng pag-ibig. Tunghayan ang kuwento ko na nagmahal, nasaktan, at nagmahal muli higit pa sa nararapat. ...
