Birthday

3K 47 3
                                        

"Happy birthday Amber!"

I almost freaked out! Party poppers lang pala yun! Jusko talaga.

"Ginulat niyo naman po ako! Hays akala ko talaga kung ano na nangyari dito. Teka, si Anderson diba nasa-"

"I'm here"

Lumabas si Anderson mula sa kwarto at may dala siyang bouquet. WAAAH SO SAFE SIYA? Napatakbo ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"Ang daya-daya mo, B! Akala ko talaga may masama nang nangyari sayo. Alam mo bang sobra akong nag-alala sayo? Nakakainis ka naman eh" pinagpapalo ko ang dibdib niya. Ang tigas beh! Namanyak bigla ang utak ko.

"Sssh sorry na, B. Naisip ko kasi na mas mapapabilis ang uwi mo dito kung ganon yung reason. Hehehehe 'wag ka na mag-alala okay? Maskulado yata 'to. Hinding-hindi ako mapapahamak" pinakita niya pa ang firmed muscles niya. Kinikilig ako hala.

"Wait. May atraso ka pa sakin diba?" Bumitaw ako at tinaasan siya ng kilay. I need an explanation! As in now na!

"B, Let me explain that to you later. Hindi ba pwedeng magsaya muna tayo? Hahahaha" binuhat niya ako na parang sako.

Nagsitawanan naman ang mga kamag-anak namin na ngayon ko lang napansin. Kompleto ang mga kapatid ni mama at papa. Nandun din sina lola at lolo na may bitbit na regalo. I waved to them. Nakangiti at naghahagikgikan naman ang mga pinsan ko. Most of them eh bata pa.

"Georgianne?" Bigla naman siyang lumingon sa akin with her signature poker face. "Yes?"

First time niyang dumalo sa birthday ko kaya talagang nakakashock. Last year, debut ko, ni anino niya wala. Ano kayang nakain ng maldita kong pinsan?

"Wala wala. I'm glad kasi nakasama ka today"

She winked. OMG. Does it mean..... okay na kami?

Papalayo na kami ni Anderson sa loob.

"B, saan mo ako dadalhin? Hoy ibaba mo na ako"

"Secret"

Maya-maya pa bigla niya akong binaba. Lilingon na sana ako pero hinawakan niya ang mukha ko paharap sa kanya. Nakaramdam ako ng kuryente. Ang init ng palad niya at ang lambot. God! Litaw na litaw ang pagkabrown ng mata niya. Bumaba ang titig ko papunta sa mapupula at nakakaakit niyang labi. Mamasa-masa pa iyon at talagang nakakatempt halikan.

"B, kaya kita dinala dito kasi may mahalaga akong sasabihin sayo. Actually, matagal ko na 'tong pinag-iisipan. I already told this to your parents, kina Mama at Papa pati na rin kay Lola. B, I know nagsisimula pa lang tayo sa relasyon natin and talagang hindi biro ang pinagdaanan natin. We fought, we cried. But alam kong mas lamang ang happy moments nating dalawa. This gift, is worth the wait. Whatever your answer is, I'll accept it. Pikit mo muna mata mo haha"

Love beyond bloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon