Binalikan ko na yung package sa labas. Sinilip ko ang loob at yay! Puro books, chocolates, damit at sapatos ang laman. Nabunutan ako ng tinik sa lalamunan dahil hindi kagimbal-gimbal ang laman ng package gaya ng inakala ko.
Narinig kong bumukas ang gate.
"Oh Ma, buti po nakauwi ka agad!" Tumakbo ako palapit sa kanya at niyapos siya ng mahigpit.
"Hay nako Amber, may problema ba? Teka bakit amoy sunog?" Sumisinghot-singhot pa siya nun. Aww! Ready na ako sa sermon ni mama huhuhu. Ayaw na ayaw pa naman niya na iresponsable kami sa mga gamit.
"Mahabang istorya Ma eh. Tsaka sana ano, wag ka pong magagalit okay?"
Dumako ang tingin niya sa package na nasa upuan.
"Nandiyan na pala ang padala ng tita mo ah. Nagustuhan mo ba?"
I rolled my eyes. "Grabe Ma, alam mo po bang muntik na akong atakihin sa puso dahil diyan?" sabay turo ko sa package.
Pinisil niya naman ang ilong ko. "Sorry naman po. Ang sabi kasi ng tita mo 'wag ko munang sabihin sayo kasi surprise gift niya sayo lahat ng nandiyan. Malapit na kaya birthday mo"
OMG WAIT.
"Hala ano na po bang petsa ngayon?!"
"May 12 na po ngayon"
May 18 ang birthday ko. Bwisit di ko na namalayan na malapit na ang 20th birthday ko :--(
Tinulungan niya akong buhatin ang package papunta sa loob ng bahay.
"Ma pasensya na po kung medyo nagulo yung bahay tapos........ nasunog ko pa po yung oven"
"Yan pala yung naamoy ko kanina. Susmaryosep naman anak bakit hinayaan mong masunog yung oven? Lagi pa namang gamit ng ate mo yan. For sure magagalit sayo yun pag nalaman niya"
"Hindi ko naman po sinasadya. Ganito po kasi ang nangyari. Habang nag-iinit ako nung loaf breads biglang may nagdoorbell. Pagbukas ko ng pinto, delivery boy pala. Syempre kinuha niya name ko, then i asked him kung sino angn agpapabigay. Yung loko hindi ako sinagot at pinaandar na agad yung motor. Grabe hinabol ko siya palabas. Akala ko kasi patay na hayop yung laman nung package. Tapos pagbalik ko sa bahay, nakarinig naman ako ng timer. Sa isip ko, baka bomba laman nung kahon. Edi nataranta naman po ako bigla. Tsaka ko lang po nalaman na sa oven nanggaling yung tunog nang makaamoy ako ng nasusunog na pagkain"

BINABASA MO ANG
Love beyond blood
RomanceThey say love knows no boundaries and I firmly contend that. Not until nakilala ko ang taong babali ng paniniwala ko sa magulo pero masayang mundo ng pag-ibig. Tunghayan ang kuwento ko na nagmahal, nasaktan, at nagmahal muli higit pa sa nararapat. ...