Sparks

3K 51 0
                                        

After magtanong ni Khen, hindi na ako umimik. Nagtulug-tulugan ako kunwari para hindi na mapunta kung saan ang usapan. Ayoko talagang magkasala lalo pa't wala pang 1 month ang relationship namin ni Anderson. Ang gross ko naman kung magccheat ako, right? Very wrong.

LIMANG oras ang lumipas bago ako nakarating sa tapat ng counter. Isinubmit ko ang form at nagbayad na ng tuition.

"Miss pasign nalang po dito sa baba" binigyan niya ako ng ballpen at pinirmahan ko na ang slip.

Akmang aalis na sana ako pero nagsalita na naman si Khen. "Teka lang Amber."

"Bakit?"

Hinawakan niya ang pisngi ko at marahan itong hinaplos. Nakaramdam ako ng spark mula sa malambot niyang kamay.

"May dumi ka kasi sa mukha."

"Mr. De Leon mamaya na po ang paglalampungan. Pirmahan mo na muna 'tong slip" Inis na sabi nung staff kay Khen. Hala ayan tuloy napagalitan pa kami. Halos lahat nagsitinginan sa amin dahil medyo napalakas ang sigaw nung staff.

"S-sige ha, Khen, una na ako"

Bigla niyang hiniwakan ang braso ko dahilan para maout-balance ako. Oops! "Hala sorry Khen di ko sinasadyang matumba sayo"

This time nakapatong na ako sa ibabaw niya. Pucha dagli akong tumayo at nagtakip ng mukha. Rinig na rinig ko ang pagsinghap ng mga estudyante sa paligid. No choice ako kundi tumakbo na pababa. Takbo lang ako ng takbo.

Nang makalabas na ako sa building, umupo muna ako sa pavement habang humuhugot ng oxygen. Nakakahingal!

Tumingin pa ako sa magkabilang kalsada para tignan kung sinundan ba ako ni Khen. Pero iba ang nakita ko.

"Kilala ko sila ah?" Hindi ako pwedeng magkamali! Mga batchmates sila ni Khen sa theater!!! Nagpagpag na ako at pumara na ng jeep. Mga maldita yung mga yon. Baka awayin ako.

Saved by the jeep! Atlast nakasakay na ako. Tinignan ko ang relo ko, 4:30 pm. Kailangan ko nang makauwi. Tatawagan ko pa si Anderson hihihi

Love beyond bloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon