Patuloy lang si tito sa pagkkwento about sa nambasted sa kanya. Pinipilit ko namang makinig pero parang may sariling utak ang mga tenga ko at ayaw pakinggan lahat ng yun.
"Amber nakikinig ka ba sakin? Hindi ka man lang ba magcocomment sa mga sinasabi ko? :("
Obvious pala. Hay! Hindi naman ako martir para pilitin ang sarili ko na pakinggan lahat ng mga yun tito! Kung alam mo lang. Yung puso kong kanina pa durog, lalo mo pang dinudurog. Lahat ng pandama ko halos di na nagffunction. First time ko 'tong maramdaman at sobra ang sakit. Gusto kong magwala, pumatay, magmura at magsisigaw.
Yung hormones kong kilig na kilig sayo halos maglaho na dahil sa pain na unti-unting sumasakop sa pagkatao ko. No. This is JUST a heartbreak. Sus kung yung mga characters nga sa wattpad nalalampasan yung heartbreak eh... ako pa kaya?
Kaso ang tanong.. KAKAYANIN KO BA? Maisip ko pa lang yun parang gusto ko nang magback-out. Very bad idea, Amber.
"H-ha ahm ano kasi tito. Medyo inaantok na kasi ako. Bukas mo nalang ituloy. Sige goodnight"
Mabilis kong nilisan yung kwarto nya. Magpigil ka Amber. Wag ka muna umiyak. Huhuhu sabi ko di ako iiyak eh! Taksil na mga luha yan! Ughhh
Imbes na sa kwarto ako dumiretso, lumabas ako ng bahay at nagtatakbo. Di ko na pinansin ang lamig ng paligid basta takbo lang ako ng takbo nun.
Nang medyo makalayo ako, sumandal ako sa ilalim ng puno at dun umiyak.
Iyak singhot iyak singhot ako dun. Taas-baba na rin ung balikat ko sa sobrang pag-iyak. Hindi ako makahinga. Naninikip na yung dibdib ko. Lahat ng batong mahawakan ko eh pinagtatapon ko sa malayo. Panay na rin ang pagbunot ko sa mga damo.
Hindi ko maexplain yung sakit na bumabalot sa puso ko. Ganito pala kahirap... akala ko exaggeration lang yung description sa mga stories na nababasa ko. Well in fact mas sobra pa doon yung feeling! Huhuhuhu
Puro putik na yung suot kong damit. Hindi lang pala bato ang napupulot ko kundi puro masa ng putik. Nagdurugo na rin pala ang mga daliri ko kakabunot sa mga damo.. Napakaduwag ko naman. Hindi pa nga ako umaamin nagdadrama na ako rito :(
Nag-stay pa ako doon ng ilang minuto tsaka ko naisipang bumalik na sa bahay. Baka may maghanap sakin. Ano bang ipapalusot ko? Sht mas lalong sumasakit ang ulo ko. Mamaya ko na nga lang iisipin pag nandun na.
Dahan-dahan akong pumanhik sa loob ng bahay. Tahimik na. Tulog na ata silang lahat. Pagkapasok ko sa loob ng kwarto, naligo ako at nagpatuyo na ng sarili.
"Buti nalang at tulog na sila. Walang makakapansin na umiyak ako. Haysss" bulong ko sa sarili ko.
I checked my phone and to my surprise may 1 missed call.
"Unknown number? Sino kaya 'to?"
I checked kung may message sya pero wala. Wala pa man din akong load. Bukas ko na nga lang tatanungin kung sino 'to. I'm too tired right now. I need to sleep. Panibagong araw na naman ang haharapin ko bukas. Wag sana mamaga mata ko. Good night!
![](https://img.wattpad.com/cover/32247848-288-k544795.jpg)
BINABASA MO ANG
Love beyond blood
Storie d'amoreThey say love knows no boundaries and I firmly contend that. Not until nakilala ko ang taong babali ng paniniwala ko sa magulo pero masayang mundo ng pag-ibig. Tunghayan ang kuwento ko na nagmahal, nasaktan, at nagmahal muli higit pa sa nararapat. ...