Apology

7.4K 96 0
                                        

Walang tao sa loob ng chapel. Kaya naglakas loob na akong magtungo sa pinakaharapang parte nito. Lumuhod ako, at marahan kong ipinikit ang aking mga mata. Taimtim akong nagdasal na sana magising na si Amber.

Habang nagdadasal, hindi ko mapigilang muli na namang umiyak. Parang kanina lang ang saya-saya ko dahil sa suot ko. Akala ko mag-eenjoy si Amber sa balak kong surprise sa kanya. Pero iba eh... hindi ito yung inaasahan kong mangyari.. at never kong inakala na mangyayari ito nang dahil sakin.

Nakarinig ako ng yabag ng isang tao. Papalapit sa kinaroroonan ko.

"Pre, nagising na si Amber. Pinapapunta ka na ng pamilya mo sa kwarto nya"

Si Jared pala 'to. Nakita kong meron syang saklay at puro band-aid ang mukha nya pati braso.

"Sige pupunta na ako"

Sabay naming tinungo ang kwarto ni Amber. Di ko maitago ang kaba at takot pagkapasok ko. Bumungad sakin ang ilang machines at tubes na nakakabit pa kay Amber. Lahat ng mata'y nasa akin. Mas lalo akong nangatog.

Tumingin ako kay Amber. Gising na nga sya. Pero tulala. Minsa'y kukurap. Pero hindi nya kami nililingon. Ito na ba ang sign ng amnesia nya? Sa naisip ko, parang gusto ko na namang umiyak.

Naupo si Jared sa tabi ni Mama. Katulad ko, bakas din sa kanya ang pag-aalala.

"Sabi ng doktor, normal lang daw yung kalagayan ni Amber. Tulala pa rin sya dahil wala daw syang naaalala sa ngayon. Hindi sya makapagsalita dahil may isang part daw sa utak nya ang nadamage" maiyak-iyak na sabi ni ate. Ramdam ko sa tono nya yung galit sakin. Hindi ko naman sya masisisi. Kasalanan ko kung bakit nagkaganun yung pamangkin ko.

Nakalipas ang 3 oras ay nagpaalam muna sina ate, kuya at mama na uuwi sila sa bahay. Maliligo daw muna sila at bibili na rin ng pagkain. Sumabay na rin si Jared. Kaya ako na lang ang naiwan para magbantay kay Amber. Nang makaalis na sila, tinungo ko agad ang gilid ng kama ni Amber. Mahimbing na syang natutulog.

"Amber, sorry kung nahihirapan ka nang dahil sakin. Hindi ko naman talaga sinasadyang maitulak ka eh. Si Jared lang naman talaga ang kinaiinisan ko pero nang dahil sa sobrang galit ko pati ikaw nadamay. Sorry, Amber, dahil nasa ganyang sitwasyon ka ngayon. Kung hindi ko sana kayo pinansin, baka ngayon nasa bahay ka lang. Walang iniindang sakit, masaya. Kung pwede ko nga lang saluhin lahat ng sakit, handa akong saluhin lahat wag ka lang mahirapan. Mas masakit palang makita yung sarili mong kadugo na nakaratay sa hospital bed kaysa mabroken-hearted. Putangina kung alam ko lang..."

Tahimik lang akong umiiyak sa tabi ni Amber. Sising-sisi pa rin ako sa nangyari sa kanya. Hanggang sa unti-unti na akong napapikit dala ng antok....

Love beyond bloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon