Special Gift

3.8K 74 2
                                        

Dahan-dahan kong inihakbang ang mga paa ko papunta sa lugar na sinasabi ni Anderson.

"Malayo pa ba?" ilang minuto na kasing naglalakad. Medyo masakit na sa paa.

"Sorry B, medyo malayo pa eh"

Nararamdaman kong naglalakad ako sa mababatong daan. Muntikan pa akong madulas! Buti nasalo ako ni Anderson kung hindi paplakda ako sa mga bato.

"Nandito na tayo. Wait ako na mag-aalis ng piring mo hahahaha. Pero 'wag ka munang didilat ha? Pagbilang ko ng tatlo tsaka mo lang ioopen yung mata mo. Ready?"

Naexcite naman ako bigla. Naiimagine ko na may mga placards na sasalubong sakin. Or di kaya eh may ibibigay siya sakin like necklace or something. Very romantic, indeed!

"Okay. 1,2,3! Open your eyes, B"

I did what he said.

Isang... isang malaking karton. Okay?

"Anong meron diyan?" Irita kong sabi. Sorry na medyo nadisappoint lang talaga ako. Akala ko something romantic yung bubungad sakin.

"Hahahahahahahaha" aba ang loko tinawanan lang ako! bwisit!

"May nakakatawa na? Leche" padabog kong sigaw. Geez. Naiiyak na ako sa sobrang inis. Ang assuming ko naman kasi. It's my fault. Breathe Amber. Inhale, exhale.

"Open it"

Kahit labag sa loob ko eh binuksan ko pa rin yung box. Sa isip ko, ah baka malaking teddy bear laman non. Malaking box kasi eh. Or baka package. Ewan.

Paghawak ko palang sa box, napatalon na agad ako sa gulat dahil hindi malaking teddy bear ang laman non. Hindi rin mga damit or what.

"OH MY GOOOOD"

Niyakap ko agad ng mahigpit si Anderson nang marealize ko na isa sa mga dream ko ang ibinigay niya sakin.

"You're welcome B. Sabi ni ate este ni future mama na dream mo daw magkaroon ng alagang Siberian Husky. So i decided to give you one. Alam mo ba, special yang aso na yan. Kasi ako ang nag-alaga dyan simula baby pa siya. Pagmamay-ari yan ng kaibigan ko and sabi niya, ok lang na hingiin ko yan"

I. AM. SPEECHLESS.

----------------------------------------
AUTHOR'S NOTE!

I am very sorry for late UDs. Tinapos ko lang kasi 'yung binabasa kong novels at may inasikaso lang sa school. Anyway, enjoy reading! Maraming salamat din po pala sa mga nagbabasa at nagvovote every chapters. Naappreciate ko po! God bless you guys :--)

Love beyond bloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon