Broken again

9.9K 124 1
                                    

ANDERSON'S POV

Nilibot namin ni Amber ang buong bukirin ni Lola. Kahit papaano eh nakalimutan ko yung masakit na nangyari kagabi. Sobrang saya kasing kasama ni Amber eh. Hindi sya maarte. Sobrang simple nya as in.

Kanina nga pareho kaming nadulas sa putikan eh! Akala ko magrereklamo sya pero hindi. Tawa pa nga sya ng tawa. And I must admit na sa bawat tawa nya eh nadadala rin ako.

"Tito tara balik na tayo sa bahay. Baka hanapin na tayo nina Lola eh. Tanghali na pala"

"Oo nga no? Hahahaha di ko namalayan na tanghali na pala. Nag-enjoy ka ba Amber?"

"Sobra tito! Gusto ko ulit mamasyal dito sa mga susunod pang araw! Ulitin natin 'to :)"

Kitang-kita ko nga yung tuwa sa mga mata nya. Napaka lively nya tignan ngayon eh. Nakakahawa talaga ang aura nya.

Pagdating sa bahay, dumiretso na ako sa kwarto ko. Naligo, nagpalit ng damit tapos bumaba na rin for lunch.

Katabi ko ngayon si Amber. Feeling ko may something sa kanya na kakaiba eh. Hindi ko maexplain. Basta. Ay ewan!

AMBER'S POV

Sa tabi ni tito ako naupo ngayon. Wala lang, feel ko tumabi sa kanya eh. Tuwing naiisip ko kasi yung mga  nangyari kanina eh halos magwala na ang mga hormones ko sa kilig! Hihi napakalandi ko na yata.

Paminsan-minsan, sumusulyap ako sa direksyon ni tito. Ang cute nya kasi kumain. Parang bata! Hihihi gusto ko nga sana syang subuan kaso nandito sina Mama. Baka magtaka lang sila kapag ginawa ko yun. Tsaka nakakahiya rin kay tito. Baka isipin nya clingy ako masyado. Yeah, ganun na rin pala yun! Hahaha.

"Amber may dumi ba ako sa mukha? Kanina mo pa ko tinitignan eh. Ikaw ah, baka may pagnanasa ka sakin! Bawal yan hahahaha"

Ouch. Bigla akong napahinto sa pagpapantasya dahil sa sinabi nya.

"Hindi ah. Ang weird mo kasi kumain tito. Hehe. Ge kumain ka lang po dyan"

Sira na ang mood ko. Feeling ko na-drain lahat ng energy ko sa katawan. Yung kilig napalitan ng lungkot. Sa sinabi ni tito parang pinapahiwatig nya na bawal talaga yung incest samin. Na hindi mutual yung nararamdaman namin sa isa't-isa. Na umaasa lang ako  sa wala dahil may iba syang mahal - na binasted sya.

Para akong sinaksak ng maraming kutsilyo sa dibdib. Hindi na naman ako makahinga. Anytime, tutulo na yung luha ko na pinipigilan ko talagang lumabas dahil nasa harap ako ng hapagkainan.

Kaso kahit ano palang pilit kong pigilan yung pagtulo ng mga luha ko, kusa nalang silang bumagsak.

"Amber umiiyak ka ba?" Tanong ni Mama.

"Hindi po Ma. Ano po, napuwing lang. Ang sakit nga po ng mata ko eh. Ayan po nagluluha tuloy ako. Ha-ha-ha!"

Sana di nila mapansin na nagsisinungaling lang ako. Sana maniwala sila. Ayokong malaman nila na nasasaktan ako dahil umaasa ako sa isang bagay na imposible namang mangyari.

"Ganun ba anak? Akala ko umiiyak ka. Hays tapusin mo na yang kinakain mo at maghilamos ka. Baka mamula pa mata mo eh"

Tinapos ko na nga yung pagkain ko at patakbong pumunta sa banyo. Maybe dun, mailalabas ko yung lahat ng sakit na nagpapahirap sakin ngayon.

Love beyond bloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon