The Deal

8.7K 111 0
                                        

Nagkwentuhan lang kami ni Jared about random things. Nalaman ko na ulilan na pala sya at sila nalang ng Lola nya ang magkasama sa bahay nila. He's 20 years old. Stopped na sya sa pag-aaral kaya suma-sideline sya bilang manlililok at magsasaka para sa pangkain nila araw-araw.

"Wala ka bang kapatid Jared? Or kamag-anak man lang?"

"Actually meron akong mga kapatid. Tatlo kami. Nasa Canada silang dalawa, kinuha na ng tita ko. Nagpaiwan ako dito sa pilipinas para maalagaan si Lola at para na rin makita yung mahal ko"

"Talaga? Edi mayaman pala kayo kung ganon. Bakit di ka humingi ng sustento man lang para di ka na nahihirapan sa paglililok at pagsasaka? Tapos sumunod na rin kayo ng lola mo sa Canada para naman guminhawa ang buhay nyo at makapag-aral ka na ulit"

Napahinto sya saglit at tumingin sa malayo.

"Hmm, alam mo kasi Amber, mas masarap ang buhay dito. Okay lang sakin na maghirap kasi gusto ko ding maranasan maging independent sa buhay. Si Lola naman mas gustong dito nalang tumira dahil inaalagaan nya yung bukirin ni Lolo. At gaya nga ng sabi ko, di ko pwedeng basta nalang iwan yung babaeng mahal ko. Ayokong malayo sa kanya... kahit na ipinagpalit na niya ako sa ibang lalaki "

"Sabagay may point ka naman.  Anyway, ano palang name nya? Tsaka hindi mo ba naisip na wala kang mapapala sa kakahabol sa babaeng mahal mo? She's with someone already. But as I've said, pwede naman kitang tulungan to win her back "

"I know. Pero I love her so much. I can't stand living without her. Yun nga sana yung gusto kong hilingin sayo eh. Gusto ko sanang pagselosin sya. If ever man na successful yung plano, liligawan ko ulit siya. Pero kung hindi naman, okay sige, titigilan ko na siya. Masakit din kasi umasa sa wala. Matutulungan mo ba ako? Carla Delos Santos pala ung name nya"

Sa simula pa lang, alam ko namang ito yung hihingin nya eh. Nagsstart na tuloy akong magdoubt kung tutulungan ko ba sya o hindi. Or let's say na TAMA PA BA 'TONG PINAPASOK KO? Ako pa ba 'to? Ni hindi ko pa nga masyadong kilala si Jared eh. Hirap kasi sakin puro salita. Hindi ko pinapagana utak ko. Pero andyan na eh. Nakakahiya namang tumanggi.

"Ano, Amber, please? Promise kapag pumayag ka, ako naman tutulong sayo. Kahit ano"

"Sure"

Lord ikaw na po bahala sa kung ano mang kahihinatnan nito. Sana di ko 'to pagsisihan.

Love beyond bloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon