Hindi na pumalag si Anderson at sumama na siya sakin na puntahan yung cages ng mga ahas dito sa mini zoo.
Lahat ng snakes ay non-venomous at safe na safe hawakan o kargahin.
"Kuya, pwede ko po bang hawakan 'yang ahas?" turo ko sa karga niyang ahas. Okay. May haba na 6 Ft. Mataba at kulay dilaw. Mukha namang mabait yon kaya hindi ako natatakot.
"Sure Ma'am. Heto po"
Nung una hinihimas-himas ko lang yung ahas. Pero dahil gusto kong magpapicture kasama 'yon, nagpatulong na ako kay kuya na isukbit yung ahas sa leeg ko.
"B, papicture naman please" pakiusap ko kay Anderson na nanginginig pa rin. Namumutla na ang mga labi niya.
Ayaw man eh pinilit niyang i-focus sa akin yung phone.
"1,2,..."
Hindi pa niya natatapos ang pagclick nang maramdaman kong humigpit ang paglingkis ng ahas sa leeg ko. Mabigat masyado yung ahas kaya hirap na hirap akong tanggalin ang buo nitong katawan.
Napansin ko namang umalis yung kuya na caretaker nung ahas. Nagpanic ako bigla.
"B, t-tulong! H-hindi ako makahinga" sigaw ko.
Nabitawan ni Anderson ang phone ko sa sobrang taranta. Imbes na lumapit sa akin, tumakbo siya para humingi ng tulong.
"Wait Amber tatawag lang ako ng tulong" Sht. Hindi ko na talaga kaya. Napaupo na ako sa bigat ng ahas. Mas lalo pa nitong ipinulupot ang katawan sa leeg ko papunta sa mukha ko. Nanginginig na ako sa sobrang panic.
Wala pa rin sila.
"Fck fck fck!" Nakatutok na sa mukha ko ang ulo ng ahas. Anyyime eh ready na itong tuklawin ako. Or worst, baka kainin pa ako!
"A-amber wait mo lang ako! Nandito na kami!"
Bago ko pa man sila makita, tuluyan na akong nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
Love beyond blood
RomanceThey say love knows no boundaries and I firmly contend that. Not until nakilala ko ang taong babali ng paniniwala ko sa magulo pero masayang mundo ng pag-ibig. Tunghayan ang kuwento ko na nagmahal, nasaktan, at nagmahal muli higit pa sa nararapat. ...