Nightmare

6.3K 65 3
                                    

AMBER'S POV

Bago ako natulog, tinext ko muna si ate tungkol sa nasunog niyang oven.

Kinakabahan ako kasi sobrang importante ng oven kay ate lalo na't mahilig siyang magbake. Habang naghihintay ako ng reply niya, may anonymous na nagsend sa akin ng MMS.

"CUM WITH ME BABY" ang caption at makikita ang hubad na picture ni Anderson kasama si Carla. Napako ang tingin ko sa picture at heto na naman ako! Sasabog na ako sa inis! Akala ko ba walang nagaganap na milagro sa kanila?!

Nagreply ako sa number.

"Fuck you, Carla! Nakikipagsex ka sa boyfriend ng iba! Sinong haliparot ngayon ha? Saan ba napunta 'yang utak mo? Wake up! Hindi mo ako madadaan sa ganyan! If I know may ginawa ka sa kanya!" at sinend ko na yon. Bwisit na impakta. Konting-konti na lang babalatan ko na siya ng buhay!

Wala pang isang minuto, nagreply siya.

"Aderson tastes good. Kbye"

Naikuyom ko ang mga kamao ko at nabitawan ko ang phone ko. Seryoso?! Nahihibang na ba talaga siya? Laking pasasalamat ko at wala sa lahi namin ang may highblood at baka isa na akong malamig na bangkay ngayon!

Hindi na ako nagreply. Kung merong dapat mabwisit dito, siya yon! Lamunin niya lahat ng pictures nila ni Anderson!

Maya-maya biglang nagvibrate ang phone ko. Kinuha ko yun. Nagreply na pala si ate.

"That's ok. Lowbat na ko, talk to u tom"

Atleast kahit papaano eh nabunutan ako ng tinik sa lalamunan. Tumayo ako at kumuha muna ng isang basong tubig. Bukas ko na poproblemahin lahat. Ang dami nang nangyaring di maganda ngayong araw.

Natulog na ako.

Habang pinagmamasdan ko ang paligid, alam kong nasa resort ako kung saan kami pumunta ni Anderson. This time, ako lang mag-isa.

"B? Nasaan ka?" sigaw ko. Blurred ang paligid at walang katao-tao. Naglalakad ako papunta sa isang malalim na swimming pool.

Nakaramdam ako ng panginginig sa tuhod at mga kamay. Takot ako sa malalalim na tubig. Hindi ako marunong lumangoy.

Isa, dalawa, tatlo. Isang hakbang nalang at malapit na akong mahulog sa pool. May narinig akong ingay. Lumingon ako sa likod.

Si Anderson.

At si Carla.

Nakahubad at gumagawa ng milagro sa isang open area. Nakangisi silang pareho sa akin. Ang sakit. Nangingilid na ang mga luha ko pero pinipigilan kong bumagsak ang mga iyon. NO! Hindi ako iiyak sa harap nilang dalawa. Hindi ako magpapatalo.

Lalapit na sana ako ako sa kanila pero tila parang may buhay ang tubig sa pool at hinila nito ang mga paa ko.

Napadapa ako sa semento habang patuloy akong hinihila ng nagngangalit na tubig. Sinubukan kong kumapit sa maliliit na tipak ng bato. Pero tuluyan na akong nilamon ng tubig. Nasa ilalim na ako ng pool. Sumisigaw ako pero walang nakakarinig. Unti-unti na akong sinasampal ng katotohanan na mamamatay na ako. Pumasok na ang tubig sa ilong at bibig ko. Sobrang sakit physically at internally. Ramdam ko ang pag-agos nito sa lalamunan ko patungo sa baga ko. Hindi na talaga ako makahinga. Mamamatay na ata ako.

"Diyos ko!" sigaw ko! Hingal na hingal ako at pawis na pawis kahit na malamig sa kwarto. Masamang panaginip lang pala ang lahat. Akala ko katapusan ko na. Nagdasal ako ng Ama Namin ng tatlong beses at uminom ulit ng isang basong tubig. Magdamag akong hindi nakatulog.

Love beyond bloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon