Package

2.9K 54 1
                                    

Sa sobrang sama ng loob ko, napakain ako ng marami. Stress eating ganon. Pinapakalma ko rin ang sarili ko dahil unang-una hindi ko pa naman alam kung totoo ngang nag-ano kanina sina Carla at Anderson. Ikalawa, alam ko ang takbo ng utak ng babaeng yun! May sayad na siya sa utak. Pati ba naman boyfriend ko haharutin eh siya naman 'tong nang-iwan. At ikatlo, hindi ko pa naman naririnig ang paliwanag ng boyfriend ko. Who knows, set-up lang pala lahat. Kagigil bes!

"Tao po" Natigil ako sa pag-iisip dahil may kumakatok sa labas. Pagtingin ko sa orasan, 8pm na. Sino namang pupunta dito ng ganitong oras? Naalala ko, baka mamaya killer siya.

I cleared my voice. "Sino po sila?" Nakahawak lang ako sa doorknob at inilapit ko ang tenga ko sa pinto.

"Package delivery po to Ms. Louise Amber"

Binuksan ko na ang pinto. Totoong may package nga siya. I asked him. "Kanino po galing?"

"Ma'am pasign nalang po dito" I did what he said pero nakatingin pa rin ako sa mukha niya. Duda ako sa package na dala niya. "Kuya kanino po ba -"

Bago ko pa matapos ang itatanong ko eh kumaripas na siya ng takbo at sumakay na sa motorsiklo niya. Hinabol ko siya dahil malaki ang chance na baka siya rin ang nagpadala ng box sakin kamakailan.

"Hoy kuya bumalik ka dito!"

Hindi ko na siya naabutan kaya bumalik nalang ako sa bahay. Sht naiwan ko palang bukas yung gate at pinto!

Nilock ko nang mabuti lahat ng pwedeng ikandado sa takot na baka may pumunta na naman dito sa bahay. Iniwan ko lang sa labas yung package. Natatakot ako na baka may patay na hayop sa loob. Susmaryosep ang lakas ng tibok ng puso ko. Should I call my parents? Si ate? Pulis?

I checked my load balance. Shoot! 0.00! Paano na 'to ngayon?!

Love beyond bloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon