Tic Toc

2.9K 49 0
                                    

Pinagpapawisan ako ng malamig kakaisip kung anong gagawin ko sa package. What if goods at damit pala ang laman non at nonsense lang ang kabang nararamdaman ko? Gosh. Napapraning na ako.

May naririnig akong timer out of nowhere. Sht! Hindi 'to maaari! Nagpapalpitate ng malakas ang puso ko dahil malaki ang chance na nanggagaling yon sa package! Puta baka bomba ang laman non! Sht sht sht I'm dead!

"Kailangan ko humiram ng load, ugh, sana pwede"

Anak ng tupa. Nakahiram na pala ako ng load dati kaya di ako pwedeng manghiram ulit. Nangangatog na ang tuhod ko sa panic pero buong lakas akong naghanap ng cutter para mabuksan yung package.

"Nasaan na ba yung cutter, tangina, please, nasaan ka ba"

Hinalungkat ko na ang buong sala pero wala. Tumakbo naman ako papunta sa kwarto ko and thank goodness meron! Kinuha ka na ito at dagling bumaba palabas. Ang bobo ko lang kasi nadulas ako sa hagdan!

"Ouch"

Pinilit kong tumayo dahil kung bomba yung laman ng box edi any moment sasabog na yun.

Nang makarating sa labas, tinusok ko na agad ang cutter sa tape at hiniwa ito. Nagulat ako dahil........

"Hala yung oven nasusunog!"

Hindi ko namalayan na may iniinit pa pala ako! Hala lagot ako kay mama. Kinuha ko ang fire extinguisher na nakastock sa bodega at ibinomba iyon sa oven na nag-aapoy.

Matapos ang ilang minuto ay tuluyan na ring namatay ang apoy. "PHEW!" Ibinalik ko na yung fire extinguisher sa bodega at inayos na ang kusina.

Love beyond bloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon