Goodbye

3.4K 67 1
                                        

"Ready na ba mga gamit nyo? Wala na kayong nakalimutan? Check nyo ulit mga bag niyo at baka mamaya may naiwan pa kayo" Ngayon na ang alis namin. Sobrang nanlulumo ako dahil last day na rin naming magkakasama ni Anderson.

"Okay na po, Ma" sagot ko. Bibuhat na namin ang mga bagahe namin at inilagay yon sa sasakyan. Ihahatid kami ni Anderson papunta sa terminal ng bus.

"B, ngayon pa lang namimiss na kita. 'Yung promise natin sa isa't-isa wag mong kakalimutan okay? Tsaka make sure na araw-araw mo akong matatawagan. Hindi ko talaga kayang hindi ka nakakausap. Ha? B? I love you!" He hugged me tight.

"Oo naman B! Basta tandaan mo din palagi 'yung deal okay? Bawal na bawal kang makipag-usap don kay ano. Baka mamaya sunggaban ka niya ulit eh. Naku uuwi talaga ako dito sa Pampanga at sasabunutan ko ulit siya hahahaha"

Nagtawanan lang kaming dalawa. Tiwala naman akong hindi na siya lalapit kay Carla. Isa pa, under investigation pa rin yung babaeng yun dahil wala pang pagkakakilanlan kung sino ang nagpadala ng kahon sakin. Subukan niya lang gumawa ng kalokohan at talagang makikita niya ang hinahanap niya.

I kissed Anderson on the lips. Sumakay na rin kami sa sasakyan at nagpunta na sa terminal ng bus. Nakapagpareserve na kami ng ticket kaya pagdating doon ay nakasakay na kami agad.

Nagkiss ulit kami ni Anderson bago ako tuluyang pumasok sa bus. Alam kong sinusundan niya ako ng tingin hanggang sa makahanap na ako ng upuan. I waved at him through the window. He waved back. I guess it's really a goodbye for us now. Sana sa muli kong pagbalik dito, ako pa rin ang mahal niya. Dahil ako, siya lang ang lalaking mamahalin ko.

Love beyond bloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon