Napatigil ang lahat sa paghagulgol ko. Tumakbo si Anderson palapit sa akin at niyakap niya ako.
"Sssh 'wag ka nang umiyak B. May problema ba? Nako 'wag mo na munang isipin kung ano man yun. Diba sabi ko sayo kailangan masaya ka lang today? Tahan na B" Hinahagod hagod niya ang likod ko. I find it very comforting.
Pinunasan ko ang pisngi ko at tumawa. Oo nga naman. Ilang beses ko nang sinabi na kailangan masaya lang ako ngayong araw. Masyado kasing hugot yung kanta eh! Ang deep. Nadala ako ng emosyon ko.
"Hahahaha nadala lang naman ako sa kanta. Ano ba yan. Wala lang po 'to. Tara kainan na?"
Nagpalakpakan ang mga bata nung sinabi kong kainan na. Grabe ako din naman naeexcite!
Nagtipon-tipon kaming lahat sa labas. May nakaset up nang long table at upuan doon. Masaya kaming kumain habang nagkukwentuhan. Feeling ko bata ako ulit. Pampered ako masyado! Hihihi
"Ma, nasaan na po sina Carla at Jared?" I asked out of the blue. Sila lang kasi ang wala dito. Akala ko ba magpapahinga lang si Carla?
"Ah nakita kong umalis na sila. Pipigilan ko sana kaso nagmamadali eh. Akala ko nagpaalam sa inyo?"
Tumango lang ako. Ang weird talaga nila. Parang kabute na biglang litaw tapos mawawala.
Pagkatapos namin kumain, syempre bigayan na ng gifts. Tatanggi sana ako but prepared sila masyado. Sayang naman ang grasya.
Puro damit, sapatos, taylor swift merchandises at books ang regalo nila. Dito pa lang talaga satisfied na ako eh. Pero.....
Biglang lumayo ang lahat at nagform sila ng circle sa paligid ko. Inamoy ko sarili ko kasi baka mabaho ako or what pero hindi naman. Nagdim ang lights. Dahil nga malabo ang mata ko at hassle talaga pag madilim eh natisod ako.
"Uy, paki-ON naman yung ilaw please huhuhu"
Inextend ko pa ang kamay ko para kapain ang paligid pero jusko puro naman upuan nahahawakan ko.
I decided to stay still. Baka prank na naman.
Unti unti na ngang lumiwanag ang buong bahay at oh my god! Namangha ako sa dami ng pula at violet na helium balloons na nakaform pa ng heart sa kisame. Nilibot ko ang paningin ko sa mga kamag-anak ko. Ay bongga! Nakasuot na sila ng white dresses at polo. Bilis magchange costume ha.
"Hala anong meron? Hahahaha"
Napalundag ako sa gulat nang biglang may tumugtog ng violin sa tabi ko. Si Georgianne! Nagsparkle ang mata ko sa amazement kasi sobrang galing talaga niya magviolin. I heard her several times already but the harmony she is making still amuses me.
Finally lumabas ang isang makisig at agaw-pansing lalaki mula sa kwarto at may dala siyang bouquet! Sino pa ba?
"Anderson! OH MY GOD"
Nakarehistro sa mukha niya ang malawak at nakakalaglag-panty na ngiti. Inabot niya ang bouquet at mabilis akong hinalikan sa pisngi. I felt a spark and blushed.
Kinuha niya ang mikropono.
"test mic, test mic"
Naghagikgikan naman ang mga matatanda.
"Okay eto na ready na ako. Ahem ahem. Una sa lahat, gusto kong batiin ang pinakaespesyal na babaeng nagpapatibok ng puso ko ngayon. B, Happy 20th birthday sayo, B. I know marami akong kasalanan sayo na sobrang bigat. Mga kasalanan na kung may pagkakataon lang sana akong balikan at wag nang gawin eh ginawa ko. Pero hindi eh. The damage has been done. Sabi ko sa sarili ko the moment na sinagot mo ako na hinding-hindi kita paiiyakin. As in never. Ang laki kong tanga kasi hindi ko 'yun natupad. Sa bawat iyak mo ako lagi ang may kasalanan. Sa bawat takot na naramdaman mo, ako lagi ang may kagagawan"
Huminto siya sandali para punasan ang luha niya.
"B, alam ng Diyos kung gaano ako nagsisisi sa lahat ng nangyari. Kung pwede lang na ako na lang ang sumalo ng sakit eh. Kung pwede lang sana na hindi ka na umiyak, na hindi ka na makaramdam ng pangamba"
Napapakagat labi na siya. I encouraged him to go on.
"B, sobrang thankful ako sayo kasi you saved me from my misery. You saved me from all those bullshits that life has given me. Ikaw ang blessing ng Diyos sa akin. Nang dahil sayo nagbago ako. Nang dahil sayo natutunan kong kaya ko pa palang bumangon sa matagal ko nang pagkakadapa. Nakaya kong baguhin ang perspektibo ko na all wounds can be healed through LOVE. Akala ko dati walang magmamahal sa akin. I am blessed to have you. My bestfriend, my niece, my girlfriend.... and my future wife"
I knew it. Sobrang shocked pa din ako!
"Louise Amber Lopez, will you marry me?"

BINABASA MO ANG
Love beyond blood
RomanceThey say love knows no boundaries and I firmly contend that. Not until nakilala ko ang taong babali ng paniniwala ko sa magulo pero masayang mundo ng pag-ibig. Tunghayan ang kuwento ko na nagmahal, nasaktan, at nagmahal muli higit pa sa nararapat. ...