Explanation

3.5K 68 0
                                        

Dinner time.

"Amber, Alaica, Anderson! Kakain na tayo" sigaw ni Mama. Bumaba na kami ni ate. Bumukas ang pinto ng kwarto ni Anderson at lumabas na rin siya. Hindi ko siya pinansin.

"Bakit parang namatayan kayo? Ang tahimik nyo ngayon ah? May problema ba?" tanong ni papa na nakaupo na sa tabi ni mama. Nagkatitigan kami ni Anderson pero agad ko ring iniba ang tingin ko.

"Yan na nga bang sinasabi ko. Tsktsktsk" Sabat ni lola. After non ay nagsimula na kaming kumain nang tahimik. Tunog lang ng mga utensils ang maririnig at lahat kami eh animo'y focused sa pagkain.

Nauna akong natapos kaya tumayo na ako at mabilis na hinugasan ang pinggan. "Pwede ba tayong mag-usap?" Nasa likod ko na pala si Anderson.

"Okay" sagot ko. Nagpaalam kami sa kanila na lalabas muna kami. Pumayag naman sila. Madilim na sa labas kaya nagdala kami ng flashlight.

Sa tambayan kami pumunta. Ako na ang unang bumasag ng katahimikan.

"So anong gusto mong pag-usapan natin?" mahinahon kong tanong. Kailangan kong kumalma.

"B, let me explain please? Tungkol sa nangyari kanina"

"Go"

"Sorry ng marami B. Alam kong sobra kang nasaktan kasi hindi ako pumalag sa paghalik sakin ni Carla. Swear! Hindi namn talga ako humalik pabalik. Sadyang malakas lang yung sunggab ni Carla kaya akala mo hinahalikan ko siya kanina. And sa pang-iiwan ko, I'm sorry ulit. Nagpanic kasi ako sa nangyari kay Carla. Takot ako sa dugo. Halos himatayin na rin ako kanina tapos naghalo-halo na yung emosyon ko kaya nasigawan kita. I'm very very sorry Amber!" tumutulo na ang mga luha niya.

"Sorry? Ganon ganon lang ba yun Anderson? Paano kung ako ang nakita mong may kahalikang iba. Paano kung mas unahin ko pa yung taong hinalikan ko bago ikaw? Matutuwa ka ba? Hindi ka ba makakaramdam ng galit? Utang na loob. Sana kasi ininform mo ako agad kanina. Sana sinabihan mo ako sa maayos na paraan. Pero anong ginawa mo? Sinigawan mo ako. Iniwanan. Nung tumakbo ako palayo, hinabol mo ba ako? Diba hindi? Eh kung may nangyari saking masama pauwi? Mag-aalala ka ba? Ano?! Magsalita ka!" Sinusuntok ko na ang dibdib niya sa sobrang galit. Ang hina ko talaga pagdating sa pagpipigil.

"Hinabol kita kanina Amber! Pero hindi kita naabutan. Syempre nag-aalala ako sayo! Kasi girlfriend kita at mahal na mahal kita" pagsusumamo niya.

Umayos ako ng upo at mariing itinanong ang bagay na kanina ko pa pinag-iisipan.

"Tapatin mo nga ako Anderson. Mahal mo ba talaga ako? O ginagamit mo lang akong rebound dahil hanggang ngayon hindi ka pa rin nakakamove-on kay Carla?!"

Love beyond bloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon