Tunay na dahilan

7.1K 96 0
                                        

"Anderson, nak, nasan ka? Nandito na kami"

"Andito ho ako sa likod ng bahay nagsasampay. Sandali lang ho"

Sinampay ko na lahat ng labahan tapos dumiretso na ako sa sala.
Nandun na silang lahat at nakaupo. Mukhang pagod na pagod sila mama, ate at kuya kakaasikaso kay Amber. Naaawa tuloy ako. Wala akong magawa para makatulong man lang.

Tinignan ko si Amber. Nakatingin din sya sakin. Di na ako nakatiis, kinausap ko na sya

"Kamusta na lagay mo Amber? Okay ka na ba? Gusto mo ihatid kita sa kwarto mo? Sakto kakalinis ko lang non"

"Okay lang po ako tito. Ma, pwede po bang ikaw na lang ang maghatid sakin sa taas?"

"Sige. Halika aalalayan kita"

Nagulat ako sa tono ng boses nya. Para syang galit na ewan. Ganun ba kagrabe yung nagawa ko para maging cold sya sakin? Ay ang tanga ko. Malamang oo!

Lumabas na lang muna ako para magpahangin. Dun ako pumunta sa lagi kong tambayan.

Nahiga ako sa duyan at pumikit.

"Nakakastress naman! Broken hearted na nga ako, galit pa sakin yung pamangkin ko!"

Dinadama ko lang yung hangin sa paligid habang nagmumuni-muni. Napakatahimik sa lugar na 'to kaya dito ako laging tumatambay pag wala akong ginagawa o kapag may problema.

Bigla kong naisip si Carla. Akala ko talaga malaki yung chance na sasagutin nya ako. I did my best para maging deserving na boyfriend nya pero puta. May mahal na pala sya...

"Ayoko nang isipin pa sya. Ughh sht gusto ko na magmove on!"

Sinubukan ko ulit pumikit. Kaso mukha lang ni Carla ang nakikita ko. Fuck shit!!

Babalik na nga lang ako sa bahay. Baka hinahanap na rin ako.
Habang naglalakad, bigla kong naalala na kakausapin ko nga pala si Jared. So imbes na umuwi dumiretso ako sa kanila. Oo alam ko ang daan papunta sa kanila. Nadadaan ko kasi yun palagi tuwing papasok sa school noon.

"Tao po" sigaw ko sabay katok.
Wala pang ilang minuto ay may nagbukas na ng pinto. Isang matanda. Lola nya siguro 'to.

"Nandyan po ba si Jared? Gusto ko ho sana syang makausap saglit"

"Ha? Ano kamo iho? Di kita marinig"

Inulit ko yung sinabi ko. Mas malakas kaysa kanina.

"Si Jared ba kamo? Sandali lang gigisingin ko"

Naghintay nalang ako sa labas.

"Ikaw pala. Anong ginagawa mo rito? May kailangan ka ba pre?"

"Pwede ba tayong mag-usap? May itatanong lang sana ako"

Pumunta kami sa tambayan ko at dun nag-usap.

"So kamusta na pala kayo ni Carla?"

"Ha? Matagal na kaming di nagkakausap nun. Bakit mo naitanong?"

Nagulat ako sa sinagot nya. Ang sabi ni Carla sila na nung bago nyang manliligaw. Hindi ba si Jared ang tinutukoy nya?

"Teka pare. Ang alam ko kayo eh. Imposibleng di kayo mag-uusap. Tsaka wag mo sanang mamasamain yung mga tanong ko. Gusto ko lang malaman yung side nya. Gusto ko maging malinaw ang lahat bago ako mag-move on"

Huminga sya ng malalim bago muling magsalita.

"Hiwalay na kami, pre. Sa katunayan palabas lang pala yung naging relasyon namin. Ginamit nya lang ako para layuan mo na sya pati na ng iba pa nyang manliligaw. Iba yung totoong mahal nya. At magkasama na sila ngayon. Biktima lang din ako"

Tangina. Kaya pala. Ang sakit talaga. Pero mabuti na rin na nalaman ko na lahat. Wala na akong rason para mahalin pa si Carla. Fucksht tlaga! Pakiramdam ko pinaglaruan niya yung puso ko.... puso namin ni Jared! Tangina.

Love beyond bloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon