"So pano ba yan B? Gusto mo na bang marinig ang kondisyon ko?" Taas baba ang kilay niya habang sinsasabi yun. 'Yung ganong mga gestures ay nagpapatunay lang na may maitim siyang binabalak. Lah! Pero bahala na nga. Atleast may mga bago na akong books hihihi.
"Kanina ko pa kaya tinatanong. Make sure na maayos 'yang kondisyon na 'yan ha, wag yung kalokohan" I rolled my eyes again. Ngumiti lang siya sakin. Not because I always roll my eyes means that I am mad or pissed. Mannerism ko lang talaga 'to.
"Naisip ko kasi na tutal bukas uuwi na kayo sa Manila... can I..... can I get a kiss from you? Kahit sa cheeks lang B oh"
Biglang uminit ang pisngi ko sa kondisyon niya. Grabe pati puso ko nagwawala na sa hiya, kaba at excitement. GAHD. Kiss? Hala. Wala akong experience sa ganito. Lord ano po bang gagawin ko?!
Sa isip ko, oo nga pala! Sa cheeks lang naman. Huwag OA okay? Hindi naman sa ano eh. Ah basta. Kinakabahan talaga ako.
"Nakakahiya B. H-hindi pa kasi ako nakakahalik sa lalaki" mahina kong sabi. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan iyon. Aminin ko man o hindi eh kinikilig ako ngayon.
"Huwag kang matakot B. Isipin mo nalang na teddy bear lang yung ikikiss mo. Tsaka syempre kahit na ito ang kondisyon ko, tatandaan mo na malaki ang respeto ko sayo Amber. I just wanted to have a very special memory with you"
Huminga ako ng malalim para kumalma. To be honest gusto ko rin talaga siya ikiss. Hihihihi sa panaginip ko nga lagi kong nagagawa yun e. I bet this is the right time para maging realistic yung dreams ko. Yay. Naughty Amber. Behave!
"Sige na nga B. Isa lang ha?" Nilapit ko na ang labi ko sa pisngi niya pero @#$%&!!!!!!!
Nanlaki ang mga mata ko nang marealize kong hindi sa pisngi niya tumama ang mga labi ko kundi sa malalambot niyang labi. Utang na loob sasabog na ang puso ko sa kilig! Feeling ko literal na tumigil ang oras dahil sa kakaibang sensasyon na dulot ng mainit niyang halik.
Sa sobrang pagkadala ko sa sensasyon, dahan-dahang pumikit ang mga mata ko at hinayaan ko ang sarili kong damhin ang sarap at tamis ng pagmamahal na kaakibat ng halik.
Dati sa mga pelikula ko lang napapanood ang ganito pero ngayon ako na mismo ang nakakadama nito. Akala ko hanggang imagination lang ako na may isang taong magmamahal sakin ng totoo pero sobrang bait ni Lord at heto nasa harap ko na siya.
Isang malakas na fireworks ang maririnig sa kalangitan. Bumitaw na ako at masayang tumingala. Kasingganda ng fireworks display ang alaala na nangyari ngayon. Singlakas din ng mga ito ang tibok ng puso ko na nag-uumapaw ang saya dahil natagpuan na nito ang kapares niya.
"I love you Louise Amber. To infinity and beyond"
"I love you too Luis Anderson. My B, my love"
At muli na naman naming siniil ng matamis na halik ang isa't-isa.
BINABASA MO ANG
Love beyond blood
RomanceThey say love knows no boundaries and I firmly contend that. Not until nakilala ko ang taong babali ng paniniwala ko sa magulo pero masayang mundo ng pag-ibig. Tunghayan ang kuwento ko na nagmahal, nasaktan, at nagmahal muli higit pa sa nararapat. ...
