Date

4.7K 69 3
                                        

Napagpasyahan namin ni Anderson na mamasyal ngayon since ilang araw nalang eh magkakahiwalay na kaming dalawa.

"B, may alam akong resort dito sa Pampanga. Gusto mo puntahan natin? For sure magugustuhan mo yung lugar na 'yon. Bukod kasi sa maraming pools, may mini zoo pa at may park sa loob. Ano, game?" nakangisi niyang sabi. Umandar na naman ang pagkapilyo niya! Alam kong may pinaplano siya.

"Malayo ba, B? Sure ka na maganda? Baka mamaya sa tabi-tabi mo lang ako dalhin ha. Nako, kung ganon lang din naman eh okay na ako dito sa tambayan natin. Mas welcoming ang view"

"Promise maganda don. Tsaka kaya kita gusto dalhin sa resort na iyon eh dahil gusto kong maging memorable sayo, I mean sa ating dalawa, yung natitirang araw nang pag-stay mo dito. Gusto ko puro masasayang alaala yung baunin mo pauwi sa Manila. I want you to be happy" at nginitian niya ako. Sasabog na ata ang obaryo ko sa tamis ng mga salita niya este pagmamahal.

Ganito pala ang feeling nang may nagmamahal sayo, no? Pakiramdam ko bawat salita na binibigkas niya eh parang musika sa tenga ko. I would die just to hear his voice again and again. Maghuhurumentado na yung puso ko sa saya. Kaso nga lang sa tuwing magkasama kami bumibilis yung oras.

"You're so sweet! Hay nako tara na nga. Naeexcite na akong makita 'yung pinagmamalaki mo, B. I love you!"

Kiniss niya ako sa cheeks.
"I love you too, Amber"

Hiniram ni Anderson yung sasakyan ni Papa. Inabot kami ng isang oras para lang mapuntahan 'yung sinasabi niyang resort.

"T-teka B bakit parang wala namang tao dito? Sarado na yata eh"

"Hahahahaha. Alam mo ba kung bakit?"

"Bakit?"

Sa isip ko, baka naman sa kanya 'tong resort? Diba? Kasi sa mga nababasa ko sa libro laging ganon eh. Who knows na milyonaryo pala ang boyfriend ko, right? I chuckled.

"Oh B kung ano man yang iniisip mo nagkakamali ka. Hahahahaha. Kaya walang tao dito eh dahil nasa looban pa yung mismong resort. Kailangang lakarin papasok. So ano? Let's go?"

Sabay kaming naglakad papasok sa makipot na eskinita. Hindi naman creepy yung mismong daanan dahil open area. Sadyang may pader lang talagang nakaharang sa magkabilang side.

Nakikita ko na rin yung gate. Nanlaki ang mata ko sa sobrang ganda ng lugar. Nakapaskil sa malaking tarpauline ang pangalan ng lugar.

"PARAISO DE PAMPANGA"

"Wow!"

Napatawa siya sa reaction ko. Grabe speechless ako sa pagkamangha. Pangalan pa lang eh tugma na sa ganda nitong resort! Isang tago pero magandang paraiso!

"Let's go B. It's a date! Yahoo!"

Love beyond bloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon