AMBER'S POV
Napasinghap ako nang malakas nang makita ko kung sino ang walanghiyang bagong president ng org namin.
"Guys! Meet Khen. Khen, sila ang bago mong ihahandle. Mababait sila so wala kang popoblemahin masyado hahaha"
Iniiwas ko ang tingin ko. Hangga't maaari eh talagang sa ibang direksiyon ako tumitingin at kunwari di ko siya nakikita. Huh! Matapos niya akong sampalin. Sino bang matutuwa at makakamove-on nang ganun-ganon lang?
"Amber kanina pa tingin nang tingin sayo yung bago nating president oh" pabulong na sabi ni Nadine.
Shit oo nga. Kita ko sa peripheral vision ko na nakatingin siya sa gawi ko. How dare he!!!
Tumayo na ako at nagpaalam na na aalis. Isang hakbang. Ikalawa.
"ANDERSON?!"
"Amber"
"A-anong ginagawa mo dito? Dapat tinext o kaya naman tinawagan mo ako"
Hinila ko si Anderson palayo sa tambayan namin. Lahat kasi sila napalingon sa amin.
"Pero pag ginawa ko yun edi hindi na surprise :("
I hold his hands and looked straight into his eyes.
"Alam mo namang I don't ship surprises diba? Ayoko kasing napapagod ka tsaka sayang pamasahe mo B. Ang layo yata nitong school sa tinitirhan niyo ngayon"
"B? Bakit anong problema?"
Hindi kasi siya kumikibo at para bang may kung anong tinitignan sa malayo. Kumaway-kaway ako para maagaw ang atensyon niya.
"Huy B para ka namang nakakita ng multo!"
No effect. Sinundan ko nang tingin ang direksiyon kung saan siya nakatitig.
"Sino bang tinitignan mo? Wala namang tao don"
He shrugged. "Wala wala. Para kasing nakita ko si Carla. Biglang nawala eh"
Tumingin ulit ako pero wala namang tao.
"Baka namamalikmata ka lang. Hindi naman alam ni Carla papunta dito tsaka buntis siya. Gutom lang yan B hahahaha tara na?"
Tumango lang siya at inakbayan ako. Sabay kaming naglakad at bago pa man kami makalayo, sumulyap muli ako sa likod. Isang nakakakilabot na anyo ng tao ang tumingin sakin.
BINABASA MO ANG
Love beyond blood
RomantizmThey say love knows no boundaries and I firmly contend that. Not until nakilala ko ang taong babali ng paniniwala ko sa magulo pero masayang mundo ng pag-ibig. Tunghayan ang kuwento ko na nagmahal, nasaktan, at nagmahal muli higit pa sa nararapat. ...