AMBER'S POV
Isang buwan na ang nakalipas matapos ang insidenteng kinasangkutan ko, namin ni Anderson. Sa bawat araw na lumilipas, ni kaunting pagbabago sa kalagayan ni Anderson ay wala akong makita.
"Traumatized po ang pasyente and to be honest, matatagalan ang recovery ng boyfriend mo. Hindi biro ang dinanas niya at kung walang pagbabago sa sitwasyon niya baka humantong ito sa kamatayan. I'm very sorry to tell this"
Yan ang eksaktong sinabi sa akin ng doktor matapos siyang masuri noon. Ayokong pakinggan ang sinabi ng doktor. Ang sakit sa feeling. Sana ako nalang ang nasa kalagayan niya...... sana ako na lang ang nakakaramdam ng hirap na dinaranas niya........
Dati sa telebisyon ko lang napapanood ang mga ganitong eksena. Akala ko dati exaggerated lang ang mga ganitong tagpo na kung saan ang isa sa mga mahal mo sa buhay ay traumatized. Akala ko ganoon kasimple ang kondisyong iyon. Ang tanga ko para maniwala sa mga "akalang" ito.
Masakit makita ang mahal mo na parang estatwang nakatulala sa kawalan. Tila ba ninakaw ang kaluluwa na taglay ng katawan niya. Ang dating malakas, matipuno at masayahing si Anderson ay napalitan ng isang tulala, mahina, at kalansay na pigura ng tao. Halos hindi ko na siya makilala sa itsura niya ngayon. Isang buwan. Kung tutuusin, saglit na panahon lang ang lumipas pero kung titignan mo si Anderson parang halos 50 years na ang nagdaan.
"B, diba sabi mo ikakasal pa tayo? Lumaban ka B.Mahal na mahal kita"

BINABASA MO ANG
Love beyond blood
RomanceThey say love knows no boundaries and I firmly contend that. Not until nakilala ko ang taong babali ng paniniwala ko sa magulo pero masayang mundo ng pag-ibig. Tunghayan ang kuwento ko na nagmahal, nasaktan, at nagmahal muli higit pa sa nararapat. ...