Bad News

2.9K 46 1
                                        

Napalunok ako ng laway. Kung ano man ang sasabihin niya, parang ayoko makinig. May something kasi sa aura niya na masyadong mabigat.

Gayunpaman, pumikit ako gaya ng sinabi niya. Malaki ang tiwala ko kay Anderson sa kabila ng nangyari sa kanila ni Carla. He'll explain. Oo tama. Maybe I have high hopes pero anuman ang kagaguhang naganap sa pagitan nila ay alam kong hindi niya iyon kagustuhan.

"Kapag sinabi kong tatlo ididilat mo ang mata mo okay? Relax Amber. Hindi kita kakagatin hahahaha"

Nagsimula na siyang magbilang.
"Isa.... dalawa...."

"Tatlo"

"Fuck! Anong ginagawa mo dito?!"

Pagmulat ko ng mga mata ko agad kong nakita ang pigura ng babaeng kakakita ko lang kanina. Si Carla.

"Surprised? Well, bago pa kayo magsaya, I have a very very good news to tell" Nakangisi pa siya at proud na proud sa kung anumang balita ang dala niya.

"Hayop ka! Ang lakas din naman ng loob mong pumasok sa pamamahay namin!" Inambahan ko na siya ng sampal. Pinipigilan ako ni Anderson pero sadyang napuno na ako at hindi ko na tinigilan ang mukha niya.

"Get off me! Bitch!" Angal niya. Gumaganti rin siya ng sampal. Buti nalang mabilis akong nakakailag.

"Stop it!"

Napalingon ako sa gate.

"Jared?!" pareho naming sigaw ni Anderson. Nagkatinginan pa kaming dalawa at litong-lito kung bakit out of nowhere eh lumitaw siya.

"Long time no see, Amber, Anderson" Bati niya. Pumasok siya sa loob at nilapitan kami.

"Anong ginagawa mo dito Jared? Tsaka teka anong long time no see? Hindi ba kayo nagkikita?" Tanong ko kina Anderson at Jared.

"Wait. Bago kayo magusap-usap, pakinggan niyo muna ang good news ko!" Tss. Napakaepal talaga ni Carla kahit kailan. Bumalik ang tingin namin sa kanya.

Tensed at mabilis ang paghinga ni Anderson sa tabi ko. I held his hand to keep him still. Nakatitig siya ng masama kay Carla.

May dinukot si Carla sa bulsa niya na maliit at puting bagay. Malabo ang mata ko kaya hindi ko agad napansin kung ano ba 'yun.

Lumapit siya sakin at inabot sa kamay ko ang bagay na hindi ko aakalaing iaabot niya.

"Yes! I'm pregnant!"

Love beyond bloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon