Motive

3.1K 60 2
                                    

"Hindi kita kailangan, Khen. Please tantanan mo muna ako okay?" Tumalikod na ako at naglakad na papunta sa oval. Medyo malayo yun sa building namin pero dahil na rin sa kagustuhan kong mapag-isa eh lalakarin ko nalang. Mamaya pang 1pm ang next class ko.

Batid kong may sumusunod sa likuran ko. Huminto ako at lumingon sa likod.

"Mahirap bang intindihin yung sinabi ko ha? Gusto kong mapag-isa kaya bumalik ka na sa room, dun sa squad mo" Walang epekto yung sinabi ko sa kanya at bagkus ay tumakbo siya para malapitan ako. Sakto namang daan ng jeep na may malalakas na speakers at "Someone like you" pa ang tugtog. Great. Nang-aasar talaga ang tadhana.

I was lost in my thoughts nang maramdaman ko ang yakap ni Khen. Sobrang init ng katawan niya at very comforting kaya naman napaluha ako. Oo na! I cried not because mabaho siya or what pero kasi this is something na sa panaginip ko lang naranasan. I used to dream sweet moments with him. Pero..... pero wala pa rin ito sa yakap ni Anderson. Miss na miss ko na talaga siya.

"S-sorry Khen. I have to go. Bumalik ka na please" Ako na ang unang bumitaw sa yakap niya. I didn't hugged him back. I know my responsibility and limitations. Loyal na loyal ako kay Anderson no matter what happen.

Sadya talagang matigas ang ulo niya at hinila niya ako paharap sa kanya. This time inis na inis na ako.

"Ano ba Khen! Kailangan bang ulit-ulitin ko sayo na i need to be alone?! May kailangan ka ba sakin kaya ka nagkakaganyan? Di ba hindi ka naman ganyan dati? Never mo nga akong kinausap or nilapitan man lang as if meron akong nakakahawang sakit. What's with you ha? Tapatin mo nga ako. Utang na loob lang"

Natigilan siya. Sabi ko na nga ba.

"Amber, gusto kita. Matagal na. Kaya lang naman kita iniiwasan noon eh dahil ayokong maghinala ang squad ko. Ayokong galawin ka nila. Pero nalintikan na eh. Gusto ko lang talagang bumawi sa mga ginawa nila sayo"

Napangiti ako ng mapakla.

"Oo inaamin ko na may gusto din ako sayo. Pero gaya nga ng sabi ko, may boyfriend na ako at masaya na kami. Kalimutan mo nalang yang nararamdaman mo. And speaking of the devil, ayan na sila oh. Go! Gusto mong bumawi diba? Sumama ka na sa kanila at pakitatak sa mga kokote nila na tantanan nila ako. Okay na ba? Excuse me"

Tumakbo ako palayo. Dito naman ako magaling eh... sa pagtakbo. Ngayong alam ko na ang motibo niya, hinding-hindi na ako lalapit sa kaniya or kahit sino pa man sa squad nila. I need to keep myself away from those people in order for me to survive this fcking summer class.

Love beyond bloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon