AMBER'S POV
Almost 1 week na ang nakalipas mula ang birthday celebration ko. At sa loob ng isang linggo eh medyo naging busy ako. Acads, Org plans, Rallies, etc. Out of reach din ng mga panahon na yon si Anderson. Nagsisimula na akong mag-alala.
"Louise, free ka ba tonight? Gawin na natin agad yung research paper please? Baka kasi mawalan tayo pareho ng time next week eh" Naglakakad kami ngayon ni Addie papunta sa oval.
"Pano yan may meeting kami sa org mamaya, bes. Pwede bang isend mo na lang sa akin yung mga parts tapos gagawin ko na lang sa bahay? Please? Urgent kasi 'yung meeting eh"
Si Adeline Laurie Hipolito ang kaisa-isahang kaclose ko ngayong sem. Very thankful ako kasi kahit na "famous" siya sa campus eh very down to earth siya na tao. At isa pa eh pareho kaming book lovers.
"No problem bes. Teka kamusta na nga pala kayo ni boyfie mo? Any progress?" Nakwento ko din sa kanya na isang linggo nang di tumatawag sa akin si Anderson. She knew the whole story kaya sa kanya ako nagsheshare ng problema ko huhuhu.
"Yun na nga eh. Out of reach pa rin ang phone niya. Sobra na akong nag-aalala. Gusto ko pa naman sana siyang puntahan sa bahay nila kaso nakalimutan kong itanong yung address. Pati sina mama hindi alam eh" I breathed deeply. She patted my back to comfort me.
"Okay lang yan bes. Malay mo surpresahin ka niya. Bongga yun! Hihihi. Anyway, change topic tayo. Kamusta na kayo ni Khen? Diba nanliligaw sayo yun?"
"Ha? H-hindi ah. Ha ha ha. Di na kami nag-uusap non"
"Speaking of the devil" Ngumuso si Addie sa likuran ko. I didn't dare look dahil kilala ko na kung sino yon. Kainis.
"Tara na bes. Punta na tayo sa room" Hinila ko na si Addie paalis nang biglang,
"Amber wait!"
I looked at him disdainfully.
"Amber bakit mo ba ako iniiwasan ha? Alam mo bang ang sakit? Ano ganun ganun nalang ba? Kinalimutan mo na agad ako?"
Aba. Anong pinagsasabi niya? Naging kami ba? Hindi naman ah.
"Hibang ka ba or what? Of course I will always remember you. Classmates tayo. Three subjects pa nga diba?"
Nagpalipat-lipat ang tingin ni Addie sa aming dalawa ni Khen. We fought through glances. Oblivion his face. Sa pagkakatanda ko sinabihan ko na siya dati na 'wag na siyang umasa. It's not my fault.
BINABASA MO ANG
Love beyond blood
RomanceThey say love knows no boundaries and I firmly contend that. Not until nakilala ko ang taong babali ng paniniwala ko sa magulo pero masayang mundo ng pag-ibig. Tunghayan ang kuwento ko na nagmahal, nasaktan, at nagmahal muli higit pa sa nararapat. ...